Chapter 21- Project

301 18 0
                                    

Sarawat's Pov

Pagkatapos naming kumain ng breakfast ay nag prepare na kami para umalis, may kinuha muna syang gamit sa unit niya at bumaba na rin kami sa parking lot.

And as usual dapat sabay kaming pumunta sa school, para magmukhang totoo talaga.

Paandarin ko na sana yung motor kaso napansin kong hindi pa sya nakakapit sa'kin, kukunin ko na sana yung kamay niya nang kusa niya lang ilagay sa bewang ko.

Nilingon ko sya na parang di ako makapaniwala sa ginawa niya,

"Sge na, andar ka na. Baka ma late pa tayo" sabi niya.

"Okay Master" sabi ko.

"Ano?" Tanong niya.

"Wala, sabi ko aandar na tayo" sabi ko at nagsimula na akong patakbuhin yung motor.

Pag dating namin sa parking lot ng University ay agad na siyang bumaba,

"Ba't parang nagmamadali ka?" Tanong ko sa kanya.

"Huh? Ah eh, wala. Ayoko lang ma late, sge salamat ulit sa paghatid. Una nako!" Sigaw niya at tumakbo na siya papunta sa classroom nila.

Anong meron?

Time skip kasi di ko alam anong isusulat ko~

After our class, tinext ko sya. It's aready 6pm, kailangan ko na syanv sunduin para maka-uwi na kami.

To Asawa ko:
Asan ka? Susunduin kita.

Pagkatapos kong isend yun ay nag punta muna ako sa may Plaza ng University, may pa-night market kasi pag gabi.

Bibili nalang ako ng barbeque para sa ulam namin mamaya, nakaka-umay na mag fast food.

"Ate, 20 pieces of Barbeque nga po" sabi ko, at halata sa mukha ni Ate na nagulat sya pero medyo nasiyahan naman sya sa dami ng pinapaluto ko.

Dinamihan ko kasi alam ko naman na ang lakas kumain ni Tine, alam kong kulang yun 10 pieces sa kanya. And speaking of Tine, ba't di pa sya nagrereply? Kanina ko pa tinext yun ah?

Itext ko nga ulit.

To Asawa ko:
Psstt. San ka ngayon? Sunduin kita.

Di ko namalayan sa kakahintay ko sa reply niya, tinatawag na pala ako ni Ate.

"Pst! Pogi, tapos na yung pinapaluto mo" sabi ni Ate.

"Ay sorry po ate, magkani po lahat?"

"300 pesos yan lahat" sabi ni ate na nagpagulat sa'kin.

"Po?!" Gulat na tanong ko.

"Magkano po pala isa?" Tanong ko ulit.

"15 pesos isa, gamitin mo pa calcu mo jan sa cellphone mo" sabi ni ate, at binuksan ko kaagad yung calcu ng phone ko.

Napahinga ako ng malalim ng 300 nga yung lumabas, ewan ko ba kung minamalas o sinuswerte ako at exact 300 pesos lang yung dala kong pera ngayon. And this is actually for the budjet for my project.

Pero wala akong magagawa, nakakahiya naman kung hindi kung pababawasan ko yung barbeque na bibilhin ko, bahala na. Para naman sa'min ni Tine 'to eh, yung importante busog sya.

Inabot ko na kay ate yung 300 pesos, then my phone beeped. Umupo nalang muna ako sa mga stall chairs na nasa harapan ng binilhan ko ng barbeque.

He replied, kaya binilisan kong buksan yung message niya but then...

From Asawa ko:
Wat sorry ah, may project kasi akong kailangang gawin ngayon. Una ka nalang umuwi, susunod lang ako. Something urgent came kasi, sorry talaga wat. Hope you understand.

Nakakalungkot pero it's okay, naiintindihan ko naman. Kasi it's all about school naman, di naman sa lahat ng pagkakataon dapat ako lang inaatupag niya.

To Asawa ko:
Tine don't worry, I won't mind. Sge focus ka muna jan, uuwi na ako. And if gusto mo magpasundo text o tawag ka lang sa'kin. Mag-iingat ka.

I replied.

Tumayo na ako at nilagay ko phone ko sa bulsa ko then I suddenly heard a familiar voice.

"Ayun okay na! Pear anong gusto mong kainin? Turo mo lang, ako na magbabayad."

Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses na yun, and it shattered my heart into pieces.

Tine.

:(

@StudentAndrea

Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon