AYESHA'S POV
MATAPOS naming madinig ang malakas na pag sabog na iyon ay nag hysterical na si Mom at gustong takbuhin ang loob ng gubat. Hinila namin siya ni Ken pabalik sa kotse namin. Maski ako ay natatakot at kinakabahan na.
Nagaalala ako para kay Dad pero hindi ako puwedeng manghina ngayon, lalo na't mahina din si Mom at walang yayakap sa kaniya kung 'di ako lang.
Binalik namin si Mom sa Kotse namin at sinakay siya sa backseat.
"Mom," hinawakan ko ang pisngi niya. Wala siyang awat na umiiyak at patuloy na binabanggit ang pangalan ni Daddy. "Aeyza and Mark will get Dad. Don't worry."
Umiling siya ng umiling. "Your Dad is wounded, he is injured. Ilang beses siyang natamaan ng bala."
Napakagat ako sa labi ko at namuo ang luha. Iniisip ko pa lang ang kalagayan ni Dad ay naiiyak na ako.
"What's really happened, Mom?" Mahina kong tanong.
"Pauwi na kami ng Daddy mo, then bigla niyang binago ang route ng mapansin na may sumusunod sa amin. Then, narito na kami. Wala kaming nagawa kung 'di ang tumakbo habang hinahabol kami ng mga bala..t---then..." Muli siyang tumangis ng malakas kaya niyakap ko siya. "Ako dapat iyong mababaril pero....sinalo 'yon ng Daddy mo..." Malakas siyang humagulgol kaya naiyak na din ako. "Lagi na lang ganito....your Dad always save me...lagi na lang niyang sinusugal ang sarili niya para sa akin."
"Because Dad love you very very much, Mommy. Mas mahal ka pa nga niya kaysa sa amin..." Sabi ko. "Everything will be fine, Mommy."
"Aenna!!" Napatingin kami sa sumigaw, it's Tita Neslie. "Aenna!!" Lumapit siya at niyakap si Mom. Umiyak naman si Mom sa balikat ni Tita. Tumayo ako iniwan muna sila. Pag labas ko ng kotse ay nakita ko ang mga Police at guard namin.
Nag lakad ako palayo. Gusto kong umiyak ng walang nakakakita, lalo na kay Mom. Nasa pinaka huling sasakyan inabot ang luha ko. Malayo ako kay Mom at sa ibang police at guard na nagbabantay sa paligid.
"Yesha," bago ako umiyak ng tuluyan ay sumulpot ang asawa ko. Hinawakan ni Kenneth ang kamay ko, nilingon ko siya. "Mahal."
Hindi ako sumagot. Inilapit ko ang muka sa dibdib niya at doon tahimik na umiyak. Hinaplos ni Kenneth ang buhok ko at ang likod ko, hinalikan niya din ang ulo ko.
"They will be fine, Ayesha. Your sister and Kuya will get your Dad. Pati sila Dad ay sumunod na din." Pangaalo niya sa akin pero hindi no'n natigil ang takot na nararamdaman ko. Hindi ako makukuntento ng hindi nakikita si Dad.
"They will be fine, right?" Umiiyak kong tanong. Nanatiling nakasubsob ang muka ko sa dibdib niya.
"Of course, Mahal. They will." Muli niyang hinagod ang likod ko at patuloy naman akong umiyak ng tahimik sa dibdib niya. "Did you bring your dagger with you, Mahal?" Tanong niya bigla kaya nagtataka akong napatingin sa kaniya.
"Huh?"
Nakatingin siya sa kung saan. Naramdaman ko naman ang pagtaas ng balahibo ko sa batok at naramdaman ang mga matang nakatingin mula sa malayo.
"Hold this and stay beside me." Ibinigay niya sa akin ang baril. Pagkakuha ko ay bigla akong hinila ni Kenneth dahil sunod sunod ang pag papaulan ng bala sa paligid.
YOU ARE READING
A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)
Romance"Remember the vows, don't break them." They made it. They're married, and they will live happily ever after. Or not? Every dark secret will be revealed with each passing day. In what you thought to be a beautiful tomorrow, will reveal a morning with...