Chapter 32

23 1 1
                                    

Alexis

"Ate Alexis! Paano na ang plano?" kasalukuyan kaming nag-uusap ni Aiyumi sa kuwarto ko ngayon. Miyerkules na at bukas na ang birthday ni Akihiro. Ni hindi man lang kami nakapag-plano noong lunes at martes dahil may pasok ako sa McDonald's. Na-late pa ako nung lunes dahil nakatulog ako pag-uwi namin ni Akihiro dahil nabusog ako sa dalawang ice cream na kinain ko.

"Nakabili na ako ng regalo n'ya, Aiyumi. Ikaw ba?" tanong ko rito gamit ang lengwahe nila. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kama at nagpaikot ikot habang ang kaliwang hintuturo ay nasa bibig at nag-iisip.

"Bumili ako ng bagong case ng cellphone n'ya. Luma na kasi e," sagot nito nang hindi ako nililingon. Umupo ako study table ko at inabangan ang sunod na sasabihin nito. "Bili kaya tayo ng confetti na sumasabog! Magpapa-order naman sila Mama at Papa ng foods. Bale tayo na siguro ang bahala sa confetti."

Tumango-tango ako bago ito sagutin, "Alas singko pa naman ang pasok ko ngayon, ala una palang naman, pwede na muna tayong mamili." suhestiyon ko.

Nanlaki ang singkit na mata ni Aiyumi na lumingon bago lumapit sa akin. "Tama ka d'yan, ngayon na tayo mamili. Alis na muna ako, magbibihis na ako!" hindi pa man ako nakakasagot ay mabilis nang nawala si Yumi sa paningin ko. Basta talaga gala ang bilis ni Aiyumi hahaha. Napailing ako sa naisip ko at naghanda na rin ng maisusuot.

"Dito banda yung bilihan ng mga decorations!" para akong alagang aso ni Aiyumi na hila hila papasok ng Mall. Halos kabisado ni Aiyumi ang pasikot-sikot ng Mall, halata mong gala talagang bata hahaha.

"Ano bang favorite color ni Akihiro? Yun sana ang magandang gawing theme para effort talaga." suhestiyon ko kay Aiyumi. Tumigil naman ito sa pagkakalkal ng gamit at tumalon talon palapit sa akin.

Tinango tango nito ang ulo n'ya senyales na idikit ko ang tenga ko sa bibig n'ya, agad ko naman itong ginawa. "Huwag kang matatawa o magugulat ah?" tinignan ko ito dala ng kuryosidad ngunit tinango nito ulit ang kanyang ulo kaya idikinikit ko muli ang aking tenga sa bibig n'ya. "Kuro to pinku." agad na nanlaki ang mata ko sa narinig. Hindi makapaniwala. (Translation: Black and Pink.)

"Honto desu ka?" hindi pa ring makapaniwalang tanong kay Aiyumi. (Translation: Are you sure? / Is it true?)

"Honto desu." natatawang sagot nito. Ang buong akala ko ay black ang paborito n'yang kulay dahil sa mga jacket at damit n'ya, hindi ko lubos akalain na hindi lang pala black ang nais, pink din pala. Lumapit muli si Yumi at muling bumulong, "Kare ha blink desu." bigla akong napalayo sa kanya at takang tinignan ito. (Translation: It is true / He's a blink.) [A fan of Blackpink / Blinks]

"Eh? Sugoi ne." sagot ko habang nagpipigil ng tawa. Tumango-tango ako at nanguha ng mga decorations na color black at pink. BLINKS ka pala ah hahahaha! (Translation: That's great / Amazing)

Alas tres na ng hapon nang makauwi kami ni Aiyumi sa bahay. Para kaming mga magnanakaw na nagtatago at nagmamadali makapasok sa kanya-kanyang kuwarto.

"Mauna ka na." mahinang sambit ko kay Aiyumi gamit ang lengwahe nila. Nag okay sign naman ito sa akin at agad na inakyat ang hagdan nila ng walang ginagawang ingay.

Okay next na ako. Huminga ako ng malalim ang hinawakan ng maayos ang mga eco bag na naglalaman ng pang-design para kay Akihiro. Tinanggal ko ang sapatos ko gamit ang mga paa dahil marami akong dala. Tumingin-tingin ako sa paligid. Mukha namang wala siya. Go! Sa sariling kumpas ay mabilis akong umakyat sa hagdan at tinakbo ang kuwarto.

"Ha!" hinga ko ng malakas. "Mabuti na lang at di ko nasalubong 'yon, parang mabilis pa man din makaramdam 'yon." ni-lock ko ang pinto at saka pumunta sa drawer para doon itago ang mga gamit na para kay Aki.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon