A/n:
Expect the wrong grammars and typo enjoy reading
***
Ashleigh's POVAng Mama't Auntie Grace lang naabutan ko sa sala pagdating namin sa bahay naka formal dress sila't nagliligpit ng mga make up set na ginamit nila. Agad na naagaw ko ang pansin ni Mama.
"Oh nak, anyare sayo? Ayusin muna sarili mo pupunta tayo kina Governor Bruno. Nakapag-ayos na kami lahat kayo nalang ng mga pinsan mo ang inaantay namin para sabay-sabay na tayo pumunta dun. Sige na ayusin mo na yang itsura mo't maligo na dito lang kami sa sala mag-aantay"
Padabog akong dumiretso sa kwartong tinutuluyan ko. Naligo't nag-ayos narin ako ng itsura ko simpleng floral dress ending 3 inches above my knees. Ang buhok ko naman ay kinulot ko sa dulo para bumagay sa floral dress na suot ko. I also apply a plain make up to finish my look. Nagsuot din ako ng Diamond earings at necklace. Ng makuntento na sa suot ko ay kinuha ko ang purse ko sa study table malapit sa kama ko't sinuot ang flat shoes ko at lumabas na ng kwarto. Halos sabay pa kaming lumabas ni Jennerose na ka maroon dress at hinayaang nakalugay ang kanyang mahabang buhok.
"Wow couz your stunning" bati ko sa kanya.
"Ahh thank you ikaw din ang ganda mo sa outfit mo" masiglang bati niya.
"I know right" sabay pa kaming natawa sa sinabi ko na parang commercial sa t.v
Magkasabay kaming bumaba sa sala lahat sila ay nakahanda ng umalis.
"Are we all done?" Tanong ni Auntie Resty nanay nila Kyle at Gale.
"Lets go" aya ni Papa na siyang magdadarive ng isang Van na sasakyan namin patungo sa Bahay nina Governor Bruno.
Naupo ako sa passenger seat katabi sina Maica't Jennerose. Sa likod namin ay sina Auntie Tess at asawa niyang si Uncle Joey magulang ni Jennerose. Sa mga magkakapatid sa mother side ko ay sina Auntie Grace, Auntie Resty at Uncle Joey apat silang magkakapatid nag-iisang lalaki si Uncle Joey. Sa harap naman ay nagda-drive si Papa sa tabi niya ay si Mama. Sa kabilang Van naman sumakay sina Auntie Resty at ang asawa niyang si Uncle Jerome, sina Gale at Kyle kasama sina Lolo Raul at Lola Edna may sarili silang driver.
It took 15 minutes before we arrived at Valencia residence at exactly 8:30 in the evening. Sinalubong kami ng mga katulong nila to guide us the way.
"Good evening mareng Jean"nagbesohan naman si Mama at Tita Janice asawa ni Governor Bruno. Nagtanguan naman sina Papa at Governor Bruno. Ganun din ginawa ng iba.
"Maraming salama't nakapunta kayo rito. Ituring niyo narin pasasalamat namin ito dahil sa suporta niyong mag-asawa pati ng pamilya nyo dati nung tumatakbo pang Gobernador ang asawa ko" madamdamin lintanya ni Tita Janice.
Mahaba-haba pa ang naging usapan nila. Kaya naisipan ko munang maglakad lakad sa garden nila. Meron swimming pool at mga upuan sa gilid. Di ko namalayang papalabas na pala ako ng bahay nila. Minuto nang nakalipas ay may isang Porsche Macan na dark blue ang pumarada sa tapat niya. Bumaba ang isang lalaki wearing a grey dress shirt tucked inside his black slacks.
"Ohh" tila nagulat pa ito sa presensya ko
I just rolled my eyes and ignore his presence. Luminga linga ako sa paligid para iwasan siya.
"Ay deadma yung kagwapuhan ko"
"Parang lumakas ang hangin. Makapasok na nga" tinalikuran ko na siya sigurado naman akong susunod siya eh sa kanila itong bahay. Luminga-linga ako sa paligid at nakita ang mga pinsan kung nagkakasayahan sa pool side.
YOU ARE READING
Retrieved Love
Teen FictionMahigpit ang bilin ng mga magulang ni Ashleigh sa kanya na huwag muna syang makipagrelasyon hanggat di natatapos ang kursong Medisina. Kaya napilitan syang ilihim ang kanyang relasyon kay Bruce. Anak ng gobernador sa probinsya ng kanyang lolo't lola...