Simula

6 0 0
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


Sorry for the typo errors I will edit it na lang after ng story.


Warning! This story is full of curses, bad words or anything.


READ AT YOUR OWN RISK.


Started: August 4, 2022


---------------------------------




Nang marinig ko na ang sigaw ni Mommy sa labas ng kwarto ko ay nagmamadali na akong suotin ang white sandals ko.


Birthday ni Kuya. 24th Birthday niya at dito sa bahay ginanap. Munting salo-salo lang naman ito na may simpleng kainan lang at inuman sa garden ng bahay. 


Malaki ang agwat namin ni Kuya pero hindi 'yon naging hadlang para maging iwas kami sa isa't-isa. Si Kuya na rin kasi ang tumayo kong ama simula nang mawala si Daddy kaya gano'n. May pagka-protective lang si Kuya pero understandable naman kasi nag-iisang babae ako at isang kapatid niya lang.


Sa sobrang protective ni Kuya ay ngayon ko lang makikita ang mga kaibigan niya at kasama niya sa trabaho.


"Eto na po!" sigaw ko nang makalabas na ako ng kwarto.


Nakita ko ang magandang ngiti ni Mommy nang makita niya ang suot ko. Naka-suot ako ng sleeveless floral dress na above the knees na kumakapit sa mga balat ko kaya halata ang kurba ko.


"You're really not a baby na, My Sammy.." nakangiting salita ni Mommy bago ilahad ang kamay ko kaya nakangiti na lang ako kinuha 'to para sabay na kami bumaba.


Sa totoo lang ay kinakabahan akong bumaba ngayon kasi wala naman akong kilala sa mga taong nasa bahay namin ngayon tanging si Kuya, Mommy at si Lola Grace lang. 


Hindi ko inimbita ang dalawang kong kaibigan dahil paniguradong pagod ang mga 'yon dahil sa naganap na laro sa p.e subject namin kahapon.


"Where's Kuya po?" I suddenly ask Lola Grace nang madatnan namin siya sa kusina na umiinom ng tubig.


"Asa labas, 'nak.." tugon nito sa akin.


Ngumiti ako at nagpaalam kay Mommy na pupuntahan ko si Kuya para batiin ng personal. Ibinilin din kasi sa akin ni Kuya na bumaba ako para maipakilala niya ako sa mga kaibigan niya para raw kung may makakita sa akin sa daan at may kasama akong ibang lalaki ay malalaman niya.


Susko, wala nga akong boyfrie--


"Ouch!" napa-inda ako nang madapa ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Last Saying I doTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon