Chapter 38: Bakit ka nasasaktan?
Rue
"WOOH! Party-party!"
"Heto pa!"
"Cheers!"
Napaawang ako nang makatapak ang mga paa ko sa loob ng room namin. Everyone was dancing like a crazy monkey habang hawak-hawak ang C2. C2? I thought bote ng beer ang mga hawak nila. Mayro'ng mga nagkakainan at nag-aagawan ng pagkain. What the f*ck is this?
"Si Rue narito!"
"Owen, hindi mo na kami mapa-prank! Nasa hospital pa si Rue nagpapagaling!"
"Nandito nga siya!"
"Lokohin mo ang panot mong apo, Owen!"
Owen scratched the tip of his nose when everyone didn't believed what he was saying. He walked towards me while drinking that C2.
"Rue, magaling ka na?"
"Hindi ba halata?" pamimilosopo ko. Napakamot siya sa ulo niya at kumuha ng C2. Inabot niya 'yon kaya kinuha ko na. "Ay panot na manok!" gulantang kong wika no'ng umakbay na lang bigla at walang pasabi si Zinnon. Doon na kami napansin ng ibang magkakasiyahan. Isa-isa na silang lumapit sa 'kin.
"Gago totoo ngang nandito si Rue pre!"
"P*tangina oo nga. Hindi nagsisinungaling si Wen,"
"Wow! May paakbay brad! Na hospital lang may gano'n na oh!"
Namula ako sa narinig at palihim na lumayo pero mas napadikit ako katawan ni Zinnon. Ano bang topak nito ngayon? Bakit may paakbay na nalalaman?
Napansin kong nag-iisa si Hiro na nakaupo sa isang tabi. As usual tahimik. He's holding a pink paper at binabasa ito. He's frowning and I don't know why. Ano ba ang laman no'n at gano'n na lang siya kaseryoso? Ni hindi niya isinali ang sarili sa nagsisiyahang mga bubuyog.
"Sarap siguro sa feeling na may nakaakbay ano, Rue?" biglang sulpot ni Owen. Sinamaan ko siya ng tingin. Sumipol lang siya at bumalik ulit sa pagkain. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may letchon. Pinagpipyestahan nilang lahat 'yon. Tang na juice! Ano kala nila ngayon sa foundation week? Christmas party? Bilib!
Napansin kong nagtitikhiman na ang iba naming kaklase at nakatingin sa 'kin o sabihin na lang nating nakatingin sa amin!
Bigla akong tinablan ng hiya. Parang gusto ko na lang magtago ngayon. Ewan ko kung bakit. I can't explain what I'm feeling right now.
"A-ano ba, Z, alisin mo nga ang kamay mo. Ang bigat!" Nagpumilit akong kunin ang braso niya at nagtagumpay naman ako sa binabalak ko.
"T'ss." Pagsusungit niya. Lumabas na siya at iniwan kaming lahat sa room.
"Na pa'no 'yon?" sulpot na naman ni Owen habang may nginunguya. I shrugged.
Tiningnan ko ang pinto kung saan lumabas si Z matapos ay napabaling na naman muli ang atensyon ko kay Hiro. Nakaupo pa rin ito at hawak niya pa rin pink na papel na 'yon. Naglakad na ako papunta sa direksyon niya pero hindi niya pa rin ako napapansin, ni tapunan ng tingin ay hindi niya ginawa. Nang marating ang kinaroroonan niya at pumunta ako sa likod niya. I want to read what he was reading. Curiousty kills ika nga.
"Hiro. . ." panimulang basa ko. Wala pa man ako sa kalahati ay mag-react na siya. He immediately hide the paper at gulat na napatingin sa 'kin.
"You startled me, " he said, almost shocked.
"Kanina pa ako rito tapos hindi mo naman ako pinapansin. Problem?" I asked.
BINABASA MO ANG
Me and the Worst Section
Roman pour Adolescents(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then but a promise was made by herself not to enganged on fights anymore. She thought that enrolling in Ha...