Continuation...
Hindi ko alam kung ano gagawin ko pero nang dumating na si kuya dun ako nakaramdam nang ginhawa kahit papaano.
Kaya nung mga lumipas ang tatlong araw wala akong ginawa kung hindi ang pumasok sa school at puro masasakit na salita naman ang aking naririnig, pag pasok sa trabaho na puro pagod at pakikipag ngitian sa kostumer ng peke ang ginawa, at pag bisita kay mama sa hospital pag dating ng madaling araw at dun lang makakapag pahinga nang panandalian na mapupunta sa sakit at higit higit na pagod ang mararamdaman dahil..
.
.
.Eto ako ngayon nag dadalumhati sa pag kawala nang isa sa importanteng tao sa buhay. Nag durugo yung puso at isip ko pero di magawang ipakita ng katawan at mga mata ko yung halo-halong emosyon na nararamdaman ko.
Tulala nakatingin sa puting parihabang kahon sa harap ko at nakikinig sa pari. Naririnig ko ang impit na iyakan at hagulgulan nang mga taong malalapit samin lalo na sa kanya. Dahil sa lungkot at pang hihinayang na nararamdaman nila.
Pero bat ako di mapakita yung nararamdaman ko sa lahat. Para bang naging isang matigas at malamig na yelo ang nang yari sa puso't isip ko.
Sabi ko sa sarili ko na "bat sya pa? Bat si mama pa? Bat yung taong importante pa sakin yung nawala?madami pa akong mga tanong na di ko pa makuha kuha ang sagot dahil wala na sya.ang dami ko pang gustong gawin kasama sya pero bat umalis agad sya? Ganun ba kasama yung nang yari sakin nung unang buhay ko sa mundong to? " Pero eto ako at hindi ko magawang isa tinig lahat nang hinanakit at saloobin ko.
Natapos yung ginawa ng pari na wala akong naintindihan dahil andaming tumatakbo sa isip ko.
Na eto na ulit kami nag mamarch sa huling hantungan ng pinaka mamahal kong ina.
Ang kanyang pag lilibingan.hirap man isipin pero yun ang katotohanan.Nakalipas ang mga ilang oras at eto ulit ako... Puro nalang ako eto eto eto. Eh anong magagawa ko. Hayst nasa harap ako ngayon ng puntod ni mama nag iisa nag sialisan na silang lahat.
Nakatulala sa mismong puntod nya at lumuluha ng tahimik. Nakikipag usap sa kanya ng tahimik gamit ang isip.
Nang bigla kong maalala yung box na pina tabi nya sakin. "Ma... Ano po ba ta-talaga yung m-mga i-i-ibig sab-ihin nyo sa mga binitawan nyong m-mga s-salita sakin?" Pilitin ko mang hindi mag kanda utal utal ngunit di ko mapigilan lalo na at nag simula na akong humagulgul ng iyak.
"Drea come here let me hug you" boses ni kuya ang narinig ko pero hindi ko magawang tumugon sa sinabi nya dahil sa palakas na palakas na pag iyak ko.
Nang naramdaman ko syang lumapit sa gawi ko pero di ko sya pinag tuunan nang pansin. Hangang sa bigla nya nalang akong niyakap habang ako'y naka upo sa maberdeng damo.
"Sshhhh... Andito lang si kuya iiyak mo lang lahat yan di ka umiyak nung araw na namatay at lamay ni mama ni hindi ka rin kumain" iniyak ko lahat lahat nang sakit na aking nararamdaman.
Makalipas ang isa't mahigit na oras niyaya ko na si kuyang umuwe. Dahil mag gagabi nadin.
Pag kapasok na pag ka pasok ko sa bahay dirediretso ako sa kwarto ko at dun humilata at di napigilang mag isip at alalahanin yung mga panahon na kasama pa namin si mama.Habang inaalala lahat di ko namalayang nakatulog pala ako habang umiiyak.
Kinabukasan bumangon ako na mugto ang mata at na abutan si kuyang naka upo sa maliit naming sufa naka pandekwatro at naka harap sa laptop nya. Nang nakita akong lumabas sa kwarto ko napatingin sya sakin at sabay sabing "mag almusal kana at may pag uusapan tayo.
Hindi ko na sya sinagot at nag dirediretso na ako sa kusina at kumain.
Ano bang mag uusapan namin. Wag na kayong mag taka kung bakit maayos na pakikitungo sakin ni kuya ganyan namn talaga sya dati pa. Di ko lang talaga malaman kung bakit simula nung nangibang basa sya ay lagi na syang mainitin ang ulo di ko alam kung dahil lang ba sa trabaho o ano.
Natapos na akong kumain nilagay ko sa lababo at hinugasan ang pinag kainan ko at pumunta kay kuya.
" kuya ano bang pag uusapan natin" mabuti nalang at nag day off ako ng 3days sa boss ko at excuse namn ako sa school dahil nga sa nangyari.
"Gusto kong ipag patuloy mo ang pag aaral mo" oh ipag papatuloy ko namn talaga ah.
"Oo namn po kuya mag tatapos talaga ako sa pag aaral kinakaya ko pa ngang pag sabayin ang pag tatrabaho at pag aaral ko eh" paliwanag ko.
"Oo nga ipag papa tuloy mo wala namn akkng sinabing hindi diba? Ipag papatuloy mo pero hindi dito. Gusto kong sumunod ka sakin sa ibang bansa at dun mo ipag patuloy ang pag aaral mo.dahil wala kang kasama dito sa bahay. Kaya kelangan mong sununod sakin----" mahabang litanya nya pero"Teka nga kuya bakit kelangan ko pang umalis ng bansa kung kaya ko namn diba!? At isa pa nasa tamang edad namn na ako eh. Isa pa may trabaho ako at nag aaral na ako dito pag sa ibang bansa pa bagong pakikisama nanaman bagong pakikihalubiho at saka di ko pa gamay ang lengwahe nila dun kuya bakit kelangan pang umalis?"
Pag putol ko sa kanya. Hiningal ako dun ahh. Bat ba kasi kelangan pang umalis kainis naman di pa nga ako tapos mag move on sa nang yari kay mama tapos eto nanamn isa pang isipin.
"Basta susunod ka sakin sa ayaw man o sa gusto mo. pag di ka sumunod sakin sa susunod na lingo. babalik ako dito at kakaladkarin kita kung kina-kaylangan para lang madala ka dun. Naiintindihan mo babalik na ako sa ibang bansa sa susunod na araw kaya bibigyan kita nag ilang araw para makapag paalam ka sa nga kaibigan mo tapos ang usapan. Hala sige at may ginagawa pa ako" pag tatapos nya sa usapan at tumutok ulit sa laptop nya..
Kaiiiiiniiisssss....bakit ba namn kasi aalis pa. Buset.
YOU ARE READING
Struggle Of My Life
De Todo(On going) Si Andrea Kim ay isang simpleng tao lamang na matatag at walang inuurungan pag dating sa mga problema nya. Na sinalo ata lahat ng challenges na pedeng saluhin nung nag paulan ng mga pagsubok.Pero kakayanin kaya nyang malagpasan lahat ng y...