[ Yoi's POV ]
Sa pag lipas ng panahon maraming pangyayari na hindi inaasahan. Unang una sa pagiging anak ko sa aking mga itinuturing na magulang ngayon. Ang pag kakilala ko sa prinsipe sa di inaasahang sitwasyon. Pati na iyong unang pagpasok ko sa palasyo hanggang naging isang taga ensayo ng batang prinsipe. Kung babasehan ang sitwasyon napaka ordinaryo lang nito para sa akin pero para sa iba ay makabuluhan at isang masayang pamumuhay na nag lalaman ng magagandang alaala. Alaalang hindi na maiibabalik ng kahapong nag daan. Pasalamat nalang ako na kahit papaano naranasan ko ang mga bagay na hindi naranasan ng iba at iyong ang mag karoon ng masagana at masayang pamilya. Kahit na hindi nila ako tunay na anak alam ko naman sa sarili ko na kahit kailan ay hindi ko naramdaman na naiiba sa kanila. Itinuring nila ako bilang sarili nilang anak at kapatid na siyang ikinalambot ng akin puso. Isang bagay na nagpapalakas sakin sa tuwing naalala ko mga kinikwento sakin ni ama tungkol sa aking mga tunay na magulang na hindi ko man lang nakilala o hindi ko man lang nasilayan sa aking pag laki. May mga bagay talaga minsan hindi nararapat mangyari gustuhin man o hindi.
Sa aking pag muni muni at pag aalala ng nakaraan ay hindi ko napansin na pinag mamasdan a pala ako ng Emperatris. Lumapit siya sa akin ng nakangiti.
Kamusta naman ang pag eensayo ng aking anak?
Mabuti naman po kamahanalan nakikinikita ko pong magiging isa siyang mahusay na mandirigmang prinsipe.
Magaling! salamat sa iyong pag titiyaga sa kakulitan ng aking anak Yoi
Walang anuman kamahalan, isa na iyon ngayon sa aking responsibilidad:)
Ikaw? kamusta naman ang iyong pamamalagi dito sa palasyo?
Mabuti naman po kamahalan...
Komportable ka ba dito sa palasyo? Di ka ba nahihirapan?
Hindi naman po kamahalan, maayos naman ang pakikitungo ng mga tao dito sa palasyo.
*sighs*... mabuti naman kung ganun. O siya! ako'y papasok na sa loob malalim na ang gabi hindi ka pa ba papasok upang mag pahinga?
Hindi pa po kamahalan mauna na lang po kayo paririto muna ako sandali't maya maya'y papasok na rin po ako.
O sige nak, yoi pala
Sige po kamahalan!
[ _____ ]
Sa ilalim ng gabi
Ako'y nag iisip sa aking pakiwari
Sa ngayong panahong nangyayari

YOU ARE READING
Heian Palace:Hōm no Hinode
FantasyA girl who was a great warrior wins multitude wars. The most respectable warrior of the Imperial City by the time of her days to come. A girl who annihilate and make affrigthed whom crosses her path. A daughter to her nobility, willingly s...