--- -. .

12 1 7
                                    

Kasalukuyang 7:56 na nang gabi at kakarating ko lang sa harapan ng eskwelahang ito.

Matataas na pinto ang nakapaligid dito at lahat ay naka kandado na parang mayroong maaring magnakaw ng kung ano ano sa loob nito. Puro halaman na may kulay puti at lila na bulaklak naman ang siyang nagpapatingkad at nagbibigay kulay sa harapan ng lumang pinto, at iilang streetlights na nagbibigay ilaw sa napakadilim na lugar. nasa pinakadulo atang parte ito ng bansa. At hindi ko rin alam kung bakit ako narito.

Isang kahon ang dumating sa bahay noong isang araw. Sa loob nito ay mayroong kulay kayumangging tela, isang wand na hindi ko alam ang pag gagamitan. Mayroon ding nakapaloob na sulat dito na nagsasabing nakapasa ako sa isang unibersidad.

Wala akong kaalam alam kung anong unibersidad ito, wala naman din akong sinagutang "entrance exam."

Kaninang umaga ay mayroong sumundo saakin, nasa trabaho pa ang aking magulang kanina kaya't wala akong nagawa kundi sumama. Ngayon, hindi parin ako nito nilulubayan.

Nakatayo lamang siya sa aking harapan, nakatitig din sa lumang pinto katulad ko, ngayon ko lang nakita ang itsura nito, nakatalikod ito saakin kanina nang ihatid ako nito gamit ang isang itim na sasakyan.

Lalaki pala ito, may itim na buhok at puting highlights. nakasuot ito ng longsleeve na polo na kulay itim. may dalang isang envelop na hindi ko alam kung para saan. Hindi rin ito nagsasalita kanina pa, hindi rin ako sanay na walang kausap pero nakakahiya naman itong kausapin.

gwapo sana kaso masyadong tahimik.

Pagkaraan ng halos sampung minuto na pagkainip, paghihintay at pagiisip ng kung ano ano, bumukas na ang mahiwagang pinto. Kusang nasira ang mga padlock nito at kulay itim lamang ang bumungad sa aming harapan, tila walang buhay.

Naamaze pa ako sa pinto nang may kamay na biglang lumitaw kung saan kaya muntik ko nang mabitawan ang maletang dala ko. Nakita kong yumuko ang lalaking naghatid saakin bago ako tuluyang mahila.

Isang babae na may itim ding buhok, at may iilang kulay lila na hibla ang buhok nito ang nangtangay saakin. "Bagong estudyante?" tanong nito habang tumatakbo kami sa loob ng isang gubat. gubat? pano kami napunta sa gubat? "opo," maikling sagot ko.

Napangiti nalang ito kusa bago ako dinala sa likod ng isang bahay kubo. Binigyan ako ng baril nito, na ikinagulat ko.

"Para saan ito?" tanong ko, habang hawak ang baril na para bang matagal na ito saakin. Ang komportable nito sa palad ko. Kailanman ay hindi ko naisip na hahawak ako ng ganito. "Ito ang magsisilbing entrance exam mo, Water. Kailangan ay maunahan natin ang kabilang grupo sa pagbuo ng puzzle." at inilahad niya ang isang mapa na kulang kulang pa ang parte. "Pano malalaman kung sino ang kasama natin?" tanong ko, lakas naman Water parang alam kung ano gagawin,

at hindi ako nakikipagusap sa tubig, Water ang aking panglan.

Winclet Aterio.

"Nakasuot ka ng kulay pulang ipit sa buhok hindi ba? Lahat ng kakampi natin ay may suot na kulay pula." sabi nito habang iniikot sa kamay niya ang isang kutsilyo, katakot naman beh.

Ngayon ko lang napansin na nakasuot din siya ng kulay pulang ipit. Akmang iiwan niya na ako sa likod ng kubong ito ng may pumigil sakanya. Isang matangkad na lalaki na may suot na kulay pulang tshirt. "May nakakalimutan ka ata Diaye," sabi nito bago biglang mawala na parang bula.

HALAAAAA, yon ba ung sinasabi nilang ability?

Katakot ah. Akala ko naging safeguard si kuya, biglang bubbles ganon.

"At eto na nga ang nakalimutan ko. Paalala, hindi ka maaring pumatay ng kalaban. Mayroong nagbabantay sa loob ng gubat na ito, at siguradong tanggal ka pag pumatay ka. Tangging pananakit at galos lang ang pwede mong gawin sa kabilang grupo." sabi ni Ate Diaye.

Tumango nalang ako, at tuluyan niya na nga akong iniwan.

awts.

Ngayon ay nagiikot ikot na ako sa gubat. Akala ko naman hindi na ako makakapaglakad nung iniwan ako. Patuloy lang ako sa paghahanap ng missing pieces, nang may maramdaman akong kumaluskos.

Luh bhie,

Bigla akong kinabahan. Kasama ko ba yon o kalaban? Marunong ako gumawak ng baril, ngunit di ako marunong gumamit non.

Tumakbo na ako sa pagasa na may makikita akong kasama ko nang may biglang lumitaw na babae sa aking harapan. May kulay itim at puting highlights din ang buhok nito. Nakasuot ng lilang uniporme.

Andaya, enrolled na sila?

Nakangisi lang itong nakatingin sakin habang may dalang mahabang kutsilyo. Ayaw ko pa naman maputulan ng leeg kaya tumakbo na ako paalis.

Naka pitong hakbang na ako nang biglang pumulupot saakin ang dahon na kaninang inaapakan ko lang.

Anong nangyayari? Paano niya nakontrol ang mga dahon? tanong ko sa sarili ko habang pilit na tinatanggal ang mga nakapalibot saakin.

Nakangisi lang ang babae sa harapan ko na parang natutuwa pa sa kanyang nakikita. Pilit kong ikinasa ang baril na ibinigay sakin kanina, akala siguro nito ay may kung anong ginagawa ako kaya napatigil to.

Sa sobrang kaba ko, ay natutok ko sakanya ang baril gamit ang nagingig kong kamay. Gulat ito ngunit mukhang dismayado. Wrong move ata ako bhie.

I shoot her, almost. Hindi ko ito tinamaan sa delikadong parte ng katawan nito. Dahil,

Pag namatay to, bagsak na ako.

Hindi ko alam kung anong nangyari, nang pindutin ko ang baril ay akala ko dederetso na ito sa braso niya ngunit parang biglang tumigil ang bala sa hangin at nahulog.

Nakaramdam naman ako nang sobrang sakit sa paa ko, na parang tinutusok ako ng maraming karayom.

"You aimed the wrong person, Water. Hindi ka laging malakas, tandaaan mo bago ka palang. Akala ko pa naman ay mapapakinabangan ka namin." Sabi nito bago agawin ang baril na meron ako at itutok ito saakin.

Nang marinig ko ang tunog ng baril, akala ko katapusan ko na.

Nakita ko nalang na umaagos ang dugo sa balikat ko, at bumagsak ako sa braso ng lalaking hindi ko kilala. May babae rin akong nakita na tinutukan nang kutsilyo ang babaeng bumaril saakin. Narinig kong bumulong ang lalaki bago ako mawalan ng malay.

"Well done, Water."

-♡

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

《Who Among Us? - ongoing》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon