Positibo

62 6 8
                                    

Author's Note

Naswab na ba kayo, mga scouts?

So ako'y nagbabalik sa pagsusulat ng Filipino fanfic at binuhay ko ang ilan sa mga characters na patay na dahil medyo na-inspired ako kay Masashi Kishimoto nung binuhay niya ulit ang mga Akatsuki members. Hindi ito nakabase sa original storyline, huwag masyadong seryoso. Katuwaan lang ang kwentong ito at bibida nanaman ang AckerKing kaya fasten your straps and harness, y'all.

Disclaimer: I do not own Zonrox, Watsons, Lysol and other branded products mentioned in this story, and also any canonical characters and references in Attack on Titan belongs to Hajime Isayama.

Acronyms: Bureau of Quarantine (BOQ), Philippine Association of Medical Technologists, Inc. (PAMET).

Enjoy reading and don't forget to leave a comment!

**
P O S I T I B O
An Attack on Titan Filipino Fanfiction
Covid-19 Edition

"Tsk." usal ni Levi pagbukas niya ng cubicle.

May nakalaglag na facemask sa sahig ng CR.

Ito na yata ang isa sa pinakamadilim na taon sa buhay ni Levi Ackerman bilang isang kapitan at sundalo ng Survey Corps. Mas okay pa sa kanya ang lumabas ng pader at pumatay ng titans kaysa maging tagatapon ng mga bagay na ginamit ng iba habang may pandemiya. Kahapon ay tisyu, ngayon ay facemask, ano naman kaya ang susunod?

Nagdoble ng surgical mask at nagsuot ng gloves ang kapitan.

It's cleaning time.

Nagsimula na niyang pulutin ang mga kalat na nakita niya sa bawat cubicle ng CR at wash area. Pagkatapos ay inisprayhan niya ng sangkatutak na Zonrox ang buong lugar upang madisinfect ito. Kahit ang 0.01% germs na hindi kayang patayin ng Safeguard ay hindi kayang sumurvive sa paglilinis na kanyang ginawa.

Ito ang paglilinis na taglay ng isang Levi Ackerman.

**

Mag-iisang linggo nang hindi lumalabas sa Survey Corps Headquarters ang mga scouts sa ilalim ng utos ni Erwin Smith. Gayundin ang order sa mga Garrison na binitawan ni Dot Pixis at sa Military Police sa pangunguna ni Nile Dok. Ang tanging maaaring lumabas ay ilan lamang sa mga Reinforcement Team ng bawat dibisyon upang tumulong sa pagbabahagi ng mga rasyon at ayuda sa mga sibilyan.

Idinabog ni Hanji ang kanyang mga kamay sa mesa ng opisina ni Erwin. "Erwin! Kung hindi natin agad ililipat sa isolation room ang mga may sintomas–."

"Alam ko 'yon, Hanji." Mahinahong tugon ng komander, "Kung tutuusin ay exposed na tayo sa kanila. Ngunit hindi tayo agad makapagdisinfect ng mga kwartong lilipatan..." Kumunot ang kanyang makakapal na kilay. "...paubos na ang mga disinfectants sa headquarters."

Natigilan si Hanji. "Ano? Kahapon ay marami pa akong nakita sa Supply Room."

"Ayon sa Supply Team ay isang kahon na lang ang naiwan sa Supply Room." wika ni Erwin at kumuha ng pluma at papel. May isinulat ito at hindi na nag-atubili si Hanji na basahin ang nakasaad doon. Ang focus niya ay kung ano ang gagawin sa mga nagpapakita na ng sintomas.

"Ayaw ko sanang magbintang na may nagnakaw ng mga 'yon."

Bahagyang ngumiti si Erwin at tumingin ng makahulugan sa kanya. "Wag kang mag-alala, hindi pagnanakaw ang isyung ito." At iniabot sa kanya ang papel na nakalagay sa loob ng envelope. "Ibigay mo ito sa pamunuan ng Watsons."

Nagulat si Hanji. "Ang ibig mong sabihin...!" Natigilan siya.

"Kailangan natin ng sponsor. Hindi sapat ang pa-ayuda at supplies na kayang ibigay ng Reeves Corporation sa atin."

Positibo (Attack on Titan/Shingeki no Kyojin Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon