“KUMUSTA ang lakad mo kahapon kasama ang mga kaibigan mo?”
Tila wala sa sarili si Pia habang naglalakad sa garden ng bahay nila. Masyado siyang napagod sa buong araw na inilagi niya sa kanilang unibersidad. Marami siyang tinapos na proyekto na kailangang ipasa para sa prelims. Nakayuko siya habang pinagmamasdan ang swelas ng suot niyang doll shoes. Bigla lamang siyang napaangat ng tingin nang mabosesan niya ang kanyang Ate Marvie.
She was surprised to see her sitting on a couch on their porch. Iniayos nito ang suot na salamin sa mga mata at tiniklop ang magazine na binabasa. She was smiling sweetly at her. Tila nawala ang pagod na inilang hakbang lang niya ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Yumukod siya at binigyan ito ng mahigpit na yakap.
“Ate Marvie!” sabi niya at pinupog ito ng halik sa buong mukha nito. “What brought you here?” excited na tanong niya.
“Teka,” anito at umayos ng upo. “Wala lang, dumaan lang ako. Just to check out on you,” simpleng sagot nito.
“Really?” tila hindi makapaniwalang bulalas niya. “I thought you were busy with your work.” Isang civil engineer ang pinsan niya. Kadalasan ng marami itong pinupuntahan kaya hindi napipirmi sa iisang lugar.
“I’m not like them,” she said while giving her a pinch on her right cheek.
“Aw! That hurts,” aniya at umupo sa tabi nito. “Right. You’re not like them. Because they’re both busy with their work and they already forgot that I’m still existing.” Ang tinutukoy niya ay ang kanyang mga magulang. Tuluyan nang nabahiran ng lungkot ang kanyang boses.
“Hey, cheer up! I’m still here, right?”
Inakbayan na siya ng kanyang pinsan at kinabig upang mapasandal siya rito. She carefully leaned her head on her Ate Marvie’s right shoulder.
“Bakit sila ganoon? I’m doing my best to be the perfect daughter that they’ve ever wanted. I don’t usually go out of the house. Limited lang ang friends ko at sinisiguro kong matitino sila para hindi sila ma-disappoint. Nag-e-excel ako sa klase para makapaguwi ako ng matataas na grades. But they never bother to look at my grades. Not even a single glance.
“Kulang na lang, magcart wheel ako sa harap ni dad o kaya ay magballet sa tabi ni mommy para lang mapansin ako. Para lang kahit minsan, masabi kong may mga magulang ako,” hindi niya namalayang unti-unti na palang namamalisbis ang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi. Sa sobrang sama ng loob niya niya---na madalas lang niyang iniipon---ay hindi niya napigilang ilabas iyon sa Ate Marvie niya.
“Ssshh… it’s okay. What did I tell you? Life is what we make it. You just have to accept the fact that God gave you a set of parents who are very hard working. Este workaholics. But still, you should be happy. Ginagawa lang nila ang lahat ng iyon para sa iyo. For your future’s security. Siguro nga, wala silang oras para sa iyo ngayon, pero malay mo, bukas, sila naman ang lalapit sa iyo para magyayang kumain sa labas,” mahabang pagpapaliwanag sa kanya ng pinsan.
“Siguro nga, kapag nagkasakit ako, uunahin pa nila ang mga business meetings nila kaysa puntahan ako sa ospital. Ayaw kasi nilang um-absent sa mga ganoon. Attendance is a must daw,” pagak siyang napatawa dahil sa sinabi. “Lalo na si Mom. Hindi niya yata talaga maiiwan ang shop niya.” Her mother was one of the respected fashion designers in the industry.
“Don’t say that. We’re not being prejudicials here, are we? Hindi naman natin alam kung ano ang mga bagay na tumatakbo sa mga isipan ng mga magulang mo.”
