Chapter Five

148 3 0
                                    

IT was a give and take relationship for Pia and Kevin. They both decided not to take things seriously because they’re both young for that matter.

            Ayaw nilang madaliin ang lahat dahil marami pa silang nais na maabot. Mga bagay na gustong gawin at mga pangarap na nais tuparin.

            Bawat araw na magkasama sila ay sinisiguro nilang may matututunan sila sa bawat isa. Tulad na lamang ng hapong iyon na magkasama silang gumagawa ng mga assignments nila sa Tan Yankee Garden.

            “Where’s Ehmkae?” tanong ni Pia sa kasintahan nang makaupo na ito sa tabi niya.

            Nauna na siyang dumating sa meeting place nila dahil maaga ang vacant period niya.

            “Sinamahan niya yung isa naming kaklase na hanapin yung professor sa micro-economics para alamin yung schedule ng final exam.”

            “Good. At least, hindi kayo masu-surprise kapag nagbigay na siya ng exam,” komento niya habang tinatasahan ang lapis na hawak. Abala siya sa ginagawa kaya hindi niya napansing tinitingnan pala siya ni Kevin. “What?” itinigil niya ang ginagawa at hinarap ito.

            “Wala,” umiling lang si Kevin at mabilis na dinampian siya ng mabining halik sa noo. “I can’t imagine how time flies. Biruin mo, fourth year na tayo. Parang kailan lang,” kay lapad ng ngiting sabi ni Kevin.

            “Oo nga, eh. Halos matatapos na ang first semester. Kaunting effort na lang at makakakuha na ako ng diploma,” aniya at nginitian din ito.

            Kevin sighed. “Oo nga. Iiwan mo na ako.”

            “Hey! Cheer up. Para kang sira. Hindi naman ako mawawala. Mag-a-apply lang ako ng trabaho habang nag-aaral ka pa. Besides, isang taon na lang din naman. Hindi mo na mapapansing lumilipas na pala ang mga araw.”

            “Hmmm… bakit ba kasi ginawang five years ang accountancy. Pero, may punto ka. Ang galing mo talaga, dear!” nasisiyahang sabi ni Kevin. Mula ng maging magkasintahan sila ay ‘dear’ na ang nakasanayan nilang gawing endearmet sa isa’t isa.

            “Ako pa?”

            “Bumili ka agad ng kotse para ihatid-sundo mo na ako,” he grinned.

            “Do I have a choice?”

            “Syempre, wala. Teka, ano’ng gagawin mo?” tanong nito nang mapuna ang nakabukas na sketch pad niya.

            “Kailangan kong gumawa ng bagong plate.”

            “Hmmm…”

            “’Yung design ng dream house ko.”

            “Ah, ng dream house natin.”

            “Oo, ng dream house natin,” segunda niya kay Kevin na binigyang diin pa ang huling salita.

            “Ayos! Umpisahan mo na nang matapos na,” si Kevin na ang tumapos sa ginagawa niyang pagtatasa ng lapis niya.

            Ilang sandali pa at pareho na silang abala sa mga ginagawa nila.

            “Amh, dear,” ani Kevin na siyang nakapagpahinto sa ginagawa niyang pagbubura sa naiguhit na niya sa sketch pad.

            “Yes?”

            “Dumating na sina mommy galing sa States. I want you to meet her.” Kevin’s parents went to States for a two-year vacation. Dumalaw ang mga ito sa mga kamag-anak at hinintay ang tuluyang pagpapagaling ng lola ng binata.

Just Because... I Love You  (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon