"Itay, Itay andyan na sila, malapit na sila"
takot na sabi ng bunso na anak ni Wilredo."Pumunta ka sa Inay at Ate mo haharangan ko ang pinto at bintana"
bigla may malakas na alolong na tila galing sa isang malaking aso.
AAHHHHHOOOOOO!!!!!!!
Umalingasaw ito sa kapaligiran
Halos ilagay na ni Wilfredo ng lahat na gamit na mahawakan upang iharang lang sa pinto ngunit alam niya na ito ay di sapat.
At nung isasara na niya ang bintana may nakita siyang isang lalaki na nakatayo sa tapat ng kanilang bahay na nakatingin sa kanya at nanlilisik ang pulang pula mata nito.
Dahilan na pumunta sa kusina si Wilfredo at kinuha ang dalawang itak na pantabas niya sa damuhan at pumunta siya sa kwarto at lumapit siya sa noon umiiyak na pamilya at hinawakan ang balikat ng asawa.
"Lucing makinig ka maigi" at niyapos ang pisngi nito.
" di mag tatagal at makakapasok sila dito" at kung mangyari un dumaan kayo sa bintana at tumakbo kayo sa inang mo".
ini abot ni Wilfredo ang itak sa asawa.
"Gamitin mo ito kung kinakailangan wag ka mag dadalawang isip".
Tila walang narinig si lucing nanlalambot dahil alam niya na ito na ang kanilang kamatayan.
Biglang umuga ang bahay nilang gawa sa kahoy at kawayan. May narinig silang parang mga malalaking hayop na umiikot sa paligid ng bahay nila.
"Gawin nyo na ang sinasabi ko pag pumasok sila dito tumakas na kayo wag kayo lilingon pabalik."
Lumabas na ng kwarto si Wilfredo. biglang naging tahimik ang kapaligiran. Huminto ang pag uga sa kanilang bahay.
"Subukan nio pumasok dito at makikita nio ang hinahanap nio." pasigaw na sinabi ito ni Wilfredo.
Humigpit ang hawak niya sa itak.
Samantala sa kwarto.:
Mariing nakikiramdam ang tatlong mag iina. Dun sila naka pwesto malapit sa bintana ng kwarto.
"Jen kahit ano ang mangyari wag mo bibitiwan ang kapatid mo." pabulong na kina usap ng ina ang nanglulumong anak na babae.
"Kahit maghiwalay tayo ay wag mo na ko hanapin at dumiretso na kayo sa Lola Rizalinda nyo".
Handa na din isakripisyo ni Lucing ang buhay niya kung kinakailangan nailigtas lng ang kanyang dalawang anak.
Biglang may narinig silang napakalakas na kalabog kasunod nito ang isa ring mapakalakas na sigaw.
Di magkakamali ang tatlo na galing ito sa kanilang tatay.
Biglang binuksan ni Lucing ang bintana unang inalabas ang anak na babae "Jen hawakan mo ang kamay ng iyong kapatid".
Inaabot ni Lucing kay Jen ang nakakabatang kapatid, sunod naman ay tinapon sa lupa ang hawak na itak, dahil ito at napaka talas at medyo mahaba haba din.
Nahirapan umakyat ng bintana si Lucing.
"Inay dalian mo baka maabutan nila tayo" kinakalibutang sinabi ni Jen sa hirap na hirap na ina.
Nung akma tatalon na si Lucing biglang may kamay na yumakap sa kanya.
Kagimbal gimbal ang mga kuko nito dahil sa haba.Animo kuko ng isang pusa handa mangalmot.
Sa isang iglap wala na ang kanilang ina.
Kinuha ng anak na lalaki ang itak sa lupa at tinapik ang ate niya na noon ay nakatayo na parang istatwa.
Nang mahismasmasan ay biglang nag tangkang tumakbo ngunit pagtalikod nila napatigil nang makita sa harapan nila ang isang babaeng nakatayo.
Nakakahindik balahibo ang itsura nito dahil di normal ang maiitim na buhok sa mga braso.
Nang ibuka na ng babae ang bunganga ang makikita ang MALALAKING MGA PANGIL.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)
HorrorBumalik sa baryo San Allegre si Father John upang maglingkod bilang pangunahin pari. Kasama nito ay ang bitbit niyang masamang karanasan sa misteryong lugar. Hindi lang pagbibigay ng misa sa simbahan ang pakay ni Father John. kasama na din dito an...