Hindi ako mapakali habang nasa Airport kami hinihintay ang mag ama ko. Kagabi pa ako hindi mapakali. Iniisip ko kung ano kayang magiging reaction ni Sais kapag nakita niya ang malaki kong tiyan? Halos halughugin na ng mga mata ko ang buong Airport dahil sa kaba.
''Just calm down, Gianna.'' pabulong na sabi sa akin ni Diane.
''Tita, are you newvous?'' tanong ng napaka cute na anak ni Diane sa akin.
''She's really nervous, little boy'' sagot ni Atticus kay Hector. Atticus is Sais's friend. Kasali din ito sa Billionaires Club. Nandito rin si Eren at si Abel.
Yumuko ako ng kaunti para matignan si Hector na buhat-buhat ng Mama niya. ''Yes, Tita is nervous'' sagot ko sa kanya.
He smiled. ''Don't be newvous, Tita. I am hewe'' cute niyang sabi. Napangiti ako sa kanya. Iniisip ko palang na magiging ganito rin ka cute ang lalaki naming anak ay parang gusto ng sumuka ng saya ng puso ko.
''Come here, little boy''
''Okie'' Lumapit si Hector kay Abel at binuhat ito.
''They are here'' Eren said.
Nanlamig ang buo kong katawan kasabay ng panghihina ng aking mga tuhod. Bumaling ako kung saan nakatingin banda si Eren, then I saw my children with their father.
Namuo ang luha ko habang nakatingin lang sa kanila.
Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya na makita silang magkakasama na wala akong iniisip na iba.
''Mahal...'' mahina kong sambit na ako lang ang nakarinig. My heart is beating so fast, I can't almost handle it.
''Mamay!''
''Mamay!'' sigaw ng dalawa kong anak.
Mangiyak-ngiyak akong lumapit sa kanila habang hawak-hawak ko ang malaki kong tiyan.
''My little angels'' I uttered.
''Mamay'' They hugged my legs and placed their heads on my stomach.
''Mamay bakit po ang laki ng tiyan mo?'' tanong ni Issa sa akin pagkatapos ng yakap.
Napatingin muna ako kay Sais na seryoso ang mukhang nakatingin sa akin at walang pakealam sa mga kaibigan niyang kinakausap siya.
Kumabog ng malakas ang puso ko.
Iniwas ko ang aking mga tingin at ibinalik sa mga anak ko. ''May baby boy na kayo, sagot ko.
Kumislap ang mata ng dalawa. Nagkatinginan pa silang dalawa na nagpangiti sa akin. Mukhang nakuha nila kaagad. I missed them so much. Gusto ko silang yakapin ng mahigpit, pero baka maipit si bunso namin.
''Baby po ninyo ni Papay?'' tanong ni Hazel na nagpatigil sa akin. Hindi napigilan ng aking mga mata na tumingin kay Sais. Ewan ko pero parang gusto kong i check kung anong magiging reaction niya.
I looked at him, but he looked away. Bumigat tuloy ang pakiramdam ko. Gusto ko sanang sabihin na sa kanya itong bata, pero mamaya na siguro. Sa bahay nalang.
''Let's go'' malamig niyang sabi. Dala-dala niya ang ibang maleta at iba naman ay sa body guard na dala-dala ni Eren kanina.
Alalay ko ang dalawa kong anak hanggang sa pagsakay ng sasakyan. Sumakay ako sa kotse ni Sais na minamaneho kanina ni Diane. Si Diane naman ay sumabay na kay Atticus kasama si Hector.
Tahimik kami habang nasa kotse. Natutulog si Issa at si Hazel habang nasa byahe. Napagod ata sa byahe nila kanina. Nakatingin lang ako sa labas habang hinahaplos ang malaki kong tiyan. Pakiramdam ko ay wala na akong lakas para magsalita. Ang buong akala ko ay tatanungin niya ako tungkol sa ama ng anak ko pero hindi pala. Kasalanan ko naman kasi. Ako ang nagtaboy sa kanya, ako ang palaging tumutulak sa kanya papalayo pero kailangan ba talagang madamay ang anak namin na nasa sinapupunan ko?
BINABASA MO ANG
Sixto Axel Velasquez
No FicciónTrigger Warning: Mental Abuse/Unethical/Infidelity/ Affair. Not for everyone!! The whole story revolves around cheating so please don't read this for your own sake if you are sensitive to stories that are all about cheating.