Chapter Eight

115 3 0
                                    

After four years…

NAKAPILA si Kevin sa ticket machine sa LRT 2---Gilmore Station---nang maramdaman niyang nagvibrate ang kanyang cellphone na nakalagay sa bulsa ng suot niyang itim na slacks. Indikasyon lamang iyon na may tumatawag sa kanya. Dali-daling kinuha niya ang aparato at sinagot ang tawag sa pagbabakasakaling importante iyon.

            “Hey! Are you free tonight?” Bungad agad nang nasa kabilang linya.

             “Julienne?”

            “Yep. Can we invite you to a dinner date tonight?”

            “We?”

            “Guenne’s with me,” anitong ang tinutukoy ay ang matalik na kaibigan nito noong high school.

            Julienne’s one of her closest cousins. Pareho sila nito ng mga trip sa buhay kaya’t madalas na nagkakasundo sila.

            “No.” Hindi iyon ang unang beses na tinanggihan niya ang kanyang pinsan sa pagyaya nito ng dinner date. Minsan na niyang tinanggihan ang dinner invitation nito. Lagi kasi siya nitong isine-set up sa kung sinu-sinong babae.

            “Kevin naman,” reklamo nito.

“Sorry, insan. I’m Busy.”

“Saan ka naman naging busy, aber? Sa pagkakaalam ko ay nagresign ka na sa dating trabaho mo.” Mahihimigan na niya ang pagiging sarkastiko sa tono ng boses nito.

“Busy ako,” aniyang iginigiit pa rin ang mga bagay na iyon.

            “Sa pagiging bum?”

            Napangiti siya sa kanyang sarili.

“For your information, Julienne, nag-apply ako kanina sa Café BEN-a Bien and guess what, natanggap ako,” masayang pagbabalita niya rito.

He was an accountant for  Vista Monica Land Holdings, Inc. ngunit naisipan na niyang magresign. He finds it boring to work in an office. Sa loob ba naman ng apat na taong pagtatrabaho niya sa loob ng opisina at pakikipagtitigan sa apat na sulok niyon, sinong hindi magsasawa? He’s simply asking for a change.

Besides ayaw niya n ‘dirty politics’ sa isang kompanya lalo na at pinagtatrabahuhan pa niya. Malapit na sana siyang ma-promote sa trabaho ngunit sadya yatang may inggit sa kanya ang superior niya. Magre-resign na kasi ito sa trabaho at siya na ang papalit sa pwesto nito. Ngunit ipinasok nito ang isang pamangkin nito upang pumalit sa iiwang pwesto nito. Labis niyang ikinainis ang bagay na iyon.

“Wow! What’s your position? CEO or pres---“

Hindi na niya pinatapos ang pagsasalita nito. “Service Crew.”

“Service---what?”

Ngayon ay mahihimigan na ang hindi pagkapaniwala sa boses ni Julienne. “Yep. Isn’t that cool? What do you think, cousin?” Tatawa-tawang tanong niya.

“Are you insane?! Lagot ka kay Tita Kath kapag nalaman niya ito.”

“Easy ka lang. Alam ni mommy lahat ng plano ko.” Hindi na totoo ang sinabi niyang iyon. Sapagkat kapag nalaman ng kanyang ina na magtatrabaho siya roon ay tiyak na magagalit ito. Minsan na siyang nagtrabaho sa Café BEN-a-Bien noong nasa kolehiyo pa siya at hindi nito ikinatuwa ang bagay na iyon. Ang tanging gusto lang naman nito ay ituon niya ang buong atensyon niya sa pag-aaral.

“Wala man lang siyang ginagawa para pigilan ka?!”

Pinigil niya ang mapatawa nang malakas nang marinig ang sinabing iyon ng kanyang pinsan sa kabilang linya. “Over acting ka na. Paparangalan kita bilang “Best Actress.””

Just Because... I Love You  (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon