Awakening Divination

3.5K 195 34
                                    

Agad na naputol ang sasabihin ni Celestial nang sumulpot si Almira sa pinto at tinarayan ang natirang bata. "Ano pa ang ginagawa mo dito? Pagod na ang dyosang manggagamot, tapos na ang oras ng kaniyang paggamot. Gabi na, umuwi ka na lang."

Celestial's uncanny thoughts suddenly ceased with Almira's sudden interruption. She blinked, truly, indeed, her mother changed a lot.

Suminghot ang bata at pinahid ang sariling luha, "P-pero, naghintay po ako sa pila."

"May pambayad ka ba?"

Nagbuntong hininga si Celestial atsaka hinarap ang kaniyang Ina, "'M-Ma, ako na po ang bahala. Huli na 'to," Aniya, "Sayang ang pagpunta ng bata, at hindi ko kailangan ng kapalit-"

"Tumigil ka, Celestial Be-" Biglang nahinto sa pagsigaw si Almira, nakaramdam ang babae nang kilabot. Hindi nito maintindihan kung bakit nakakaramdam umano ito ng takot sa tuwing binabanggit ang buong pangalan ni Celestial, hindi maipaliwanag ni Almira kaya naman iniiwasan na lamang nitong mabanggit. After all, that name is forbidden; "Basta, tumigil ka! Have some rest now, tomorrow will be long and tiring. Mas marami ang magpapagamot, aakyat ang maraming Villagers."

Celestial sighed once again, "Hayaan niyo na po ako, huli na 'to."

"Magsasayang ka pa ng lakas para sa isang 'to, wala namang pambayad sa'yo yan!" Pagsusuplada ni Almria at umamba ng pagpasok sa loob, "Sige, bahala ka. Bukas huwag kang magrereklamo kung mabilis kang mapapagod, sinasabihan na kitang magpahinga."

Nanahimik na lamang si Celestial. That's totally not her mom, hindi ito ang Ina na kinikilala niya. What happened to Almira?

Ilang sandali lamang ay naiwan sa labas ng bahay sina Celestial at ang batang lalaki. Nang lingunin ni Celestial ang bata ay hindi maganda ang kalagayan nito, kaya naman pilit niyang itinaas ang enerhiya ng hangin upang magkaroon naman ng gana ang nakakapagod at nakakaantok na gabi.

"Hi, what's your name?" Magiliw niyang tanong at hinaplos ang pisngi ng bata, "Do you want a toy? I can make you a toy."

"Ako po si Aizer," garalgal ang tinig na saad nito at kinuha sa bulsa ang pares ng hairpin na may disenyong buwan, "Wala po akong iba nito, sana po ay tanggapin niyo parin at bigyan ako ng pagkakataon na magamot."

Nagliwanag ang mukha ni Celestial kasabay ng panlalambot ng kaniyang puso, masigla niya iyong tinanggap at mabilis na iniipit sa kaniyang buhok. Mas lalo siyang natunaw nang sa wakas ay ngumiti na ang maputlang bata, "Wow, this is too much already. Ano ba ang gusto mo? Huwag kang mag-alala, libre para sa'yo."

"Hay naku, wala nang libre sa panahon ngayon!" Singit ni Almira mula sa loob.

Umiling-iling na lamang si Celestial atsaka inanyayahan ang bata papasok sa loob ng kanilang maliit na tahanan, "Come with me, I'll heal you."

"Maraming salamat po, mahal na dyosa."

Ngumit na lamang si Celestial, "Bakit naman kasi nagpagabi ka pa? Pwede namang ipagpabukas mo nalang, paano ka uuwi?"

"Darkness is my comfort zone, ethereal goddess. No one can harm me in the dark." Confident na sagot ng bata.

Napangiti si Celestial, "But you're still a kid,"

"Ilang taon lang naman ang agwat ng edad natin, mahal na dyosa," matalino nitong sagot na ikinagulat niya, "Gusto ko na pong marating ang inyong edad, mahal na dyosa. Gusto ko nang maging katulad mo para sabay tayo sa lahat ng bagay, gusto ko ikaw makasama. Pwede ba kitang marating?"

"Eh?" Nalilitong sagot ni Celestial at naupo sa lapag, ganoon rin ang ginawa ng bata at matiim na tumitig sa kaniya.

"Mahal na dyosa, kapag magaling na ako pagkatapos mo akong gamutin, hintayin mo akong lumaki. Babalik ako dito, babalikan kita. Sabi ni Mama, pakasalan mo daw ang gusto mong makasama habang buhay, pakakasalan kita." Nanubig ang mga mata nito, "Wala pa akong nakita sa Abyss na kasing-ganda mo, mahal na dyosa. Gusto ko na agad lumaki, gusto na kita marating, gusto ko parehas na tayo lumaki agad para mapakasalan na kita."

Ganoon na lamang kumalabog ang dibdib ni Celestial, bahagya siyang nag-iwas ng tingin dahil nakaramdam siya ng kakaibang hiya. Pakiramdam niya'y namumula siya. Pinilit niyang pagaanin ang kanyang nararamdaman, pagkatapos ay kinurot ang pisngi ng bata.

"You are so cute," Ang tangi niyang nasabi ngunit sa loob-loob niya'y namamangha siya sa lakas ng loob na mayroon ang bata, "By the way, I can't promise you that. Hindi pinupulot sa kung saan-saan ang pagpapakasal at pag-ibig. Hayaan mo, kapag pareho na tayong malaki maiintindihan na natin ang bagay na 'yan."

"Pero gusto parin kitang pakasalan, mahal na dyosa. Papangalanan ko ang mga anak natin ng pangalan mo,"


Ganoon na lamang napipi si Celestial, sa buong buhay niya'y hindi niya naisip na mayroong magsasabi ng ganoong bagay sa kaniya, at ang nakakamangha pa'y galing pa sa mas bata sa kaniya. Muli siyang nakaramdam ng pamumula.

'The guts of this kid.'

Ngumiti na lamang siya at pilit na iniba ang usapan, "Ano nga palang problema mo?"

"Goddess,"

She smiled, "Hm?"

"Palagi ko pong nararamdaman ang pananakit ng aking puso. Ang totoo niyan ay hindi alam ng mga magulang kong naparito ako, hindi ako nagpaalam sa kanila dahil ayaw ko na silang maistorbo." Nagsimula nang manubig ang mga mata nito. "They're busy making coffins, iyon ang ikinabubuhay namin. And my father is now working on a glass coffin, doon nakatuon ang kaniyang atensyon parati. Siguro'y order iyon sa amin kaya pinapaganda niya, gusto kong tumulong ang kaso'y hindi nila ako pinapayagan. Sinasabi ko sa kanila na sumasakit ang puso ko pero umiiyak lang sila, kaya naparito na akong mag-isa upang magpagamot sainyo."

Muling nanlambot ang puso ni Celestial, bigla ay nahawa siya sa kalungkutan ng bata, "You are such a kind child with a kind heart. Don't worry, gagamutin kita sa abot ng aking makakaya."

"Thank you, ethereal goddess." Naiyak na ang batang lalaki, "Ang totoo niyan ay gusto ko naring umuwi kanina dahil ang haba ng pila, tutulong nalang sana ako sa pamilya ko. Ang kaso ay sumakit na naman ang puso ko, kaya itinuloy ko ang plano kong pagpapagamot kahit na hairpin lang ang dala kong pang-bayad."

"Huwag ka nang mag-alala, hindi kita pababayaan..." Bulong ni Celestial, pinipigilan ang sariling maiyak, "Pwede na ba kitang hawakan para magamot?"

Mula naman sa kabilang silid ay nakikinig si Almira, hindi na nito napigilang maiyak. Naaawa siya sa batang lalaki, may pagsisisi siya dahil sinungitan niya ito kanina. Hindi niya naman alam na malaki pala ang problema nito. Siguro'y kailangan niya na ring bawas-bawasan ang pagiging masungit niya sa mga bata, lalo na kay Celestial. Basta! Para kay Celestial naman ang ginagawa niya.

Isang subok naman ang ginawa ni Celestial upang abutin ang bata ngunit umiwas ito, sandali siyang nahinto at nagtatakang pinagmasdan si Aizer. Sa huli'y ang bata na mismo ang nag-abot ng mga kamay ni Celestial, lumuluha nitong inabot ang kaniyang mga kamay.

Ganoon na lamang kabilis na nagsipatakan ang mga luha ni Celestial, kasabay ng paglabas ng kaniyang berdeng kapangyarihan sa panggagamot ay isang nakakalungkot na pangyayari ang kaniyang nakita. Naghuramentado ang kaniyang dibdib, nakaramdam siya ng panginginig. Hindi niya lubos maisip na pumasok ang ganoong bagay sa kaniyang isip. Ang alam niya lang ay nakakakita siya ng nakaraan kapag nanggagamot, hindi niya naman inakalang may panibago siyang matutuklasan sa kaniyang sarili.

What is happening to her?

LEGENDS: Celestial Beryl (Season, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon