Last Chapter

264 3 0
                                    

KANINA pa naiinip si Kevin kahit kasama niya ang mga magulang. Naroon sila sa isang Chinese restaurant. The waiter was currently serving their appetizers. He gave out a frustrated sigh. Niluwangan niya ang necktie niya at itinupi hanggang siko ang manggas ng long sleeves na suot.

“Something wrong, hijo?” Tanong ng kanyang ina nang mapansin ang ginawa niya.

Umiling siya at pilit na ngumiti rito.

“Mom…”

“Yes, hijo?”

Minsan pa ay tumingin sa kanya ang ina.

“I just want to ask why we occupied this table?”

“What’s the matter, hijo?” Singit ng kanyang ama na natigil sa ginagawang pag-inom ng tsaa.

“Look dad, if you notice there are six chairs in this table. Parang ang awkward kasi. We could transfer from this table to another table na may apat na upuan lang. Well, that is, kung wala na tayong iba pang kasama sa dinner na ito. Are you guys, expecting other people to join us? Say, amiga ni mommy or officemates ni dad?” Mahabang paliwanag niya.

Napakunot-noo na lang siya nang makitang nagkatinginan ang kanyang mga magulang. Napakibit-balikat ang kanyang ama. On the other hand, his mother simply smiled at him.

“We’re still waiting for your dad’s friend and his family,” magiliw na sagot ng kanyang ina.

“Oh, I see,” parang bale-walang sabi niya. Ngunit sa likod ng kanyang isip ay nagtatago roon ang kyuryosidad niya para sa mga darating na bisita.

“Aren’t you goin’ to ask me kung sinu-sino pa ang mga hinihintay natin?” Narinig niyang tanong ng ina.

“Why, are you goin’ to tell me?”

“Of course, son. You’re goin’ to meet your fianceé tonight,” nagingiting sabi ng kanyang ina. Nagniningning pa yata ang mga mata nito na parang kinikilig.

“What?!” Kulang na lamang ay malaglag siya sa kinauupuan nang marinig ang sinabing iyon ng ina. Is he exaggerating? Hell, no! Ni hindi nga niya makalimutan si Pia, heto at ipapakilala raw sa kanya ang babaeng pakakasalan niya.

“What in the world was happening here? And who’s that girl?” Gusto sana niyang itanong sa ina ngunit pinigilan niya ang sarili niya.

“Mukha kasing wala ka nang balak na maghanap pa ng babaeng pakakasalan kaya kami na ng daddy mo ang---“

“With all due respect mom, I guess wala na po kayong karapatang saklawan ang mga desisyon ko tungkol sa bagay na ito,” aniyang pilit na kinakalma ang sarili.

“Look son, we’re not going to force you to marry her. We’re just asking you to get to know her first before you decide. We want to help you, son,” makahulugang sabi ng kanyang ama.

Hindi na siya nagtangka pang kumontra at pilit na inunawa ang mga magulang. “All right. So, what does she look like? Baka naman katulad iyan ng mga babaeng inirereto sa akin nina Julienne at Guenne. I hate flirts, mga tipong hindi maintindihan ang fashion statement---“

Natigil siya sa pagsasalita ng makarinig ng isang tikhim mula sa likuran niya.

“Well, I think, hindi ako katulad ng mga babaeng sinabi mo.”

He was stunned upon hearing that voice. Hindi na napigilan ni Kevin ang sarili. Tumayo siya at tiningnan ang nagsalita sa likuran niya. He stared at the girl standing in front of him. She gave her a weak smile. Ikinurap niya ang mga mata. Si mystery girl nga ba ang nasa harapan niya?

“Nakikita kita sa LRT. You were reading a book. You were busy with your Ipod na para bang wala kang nakikitang ibang tao sa paligid mo. Not even a single hint of care in the world. Are you my---“

Hindi na natapos pa ni Kevin ang kanyang sinabi. The girl wrapped her hands around Kevin’s neck. Tumingkayad ang kanyang mystery girl. She cut his words by giving him a light kiss on the lips.

Nangilid ang luha sa mga mata ni Kevin. Hindi man nagtagal ang halik na iyon, ramdam niya ang labis na emosyong nakapaloob doon. At isa lang ang taong nakapagpadama sa kanya noon. Isang taong kahit ilang taong hindi niya nakita ay hinding-hindi niya magagawang kalimutan.

“D-dear…” aniya sa nanginginig na tinig. Parang may malamig na kamay ang pumiga sa puso niya nang muling matitigan ang mga mata ng dating kasintahan. He could see the unmistakable longing in her eyes. Katulad din ba ng nararamdaman niya ang nararamdaman nito para sa kanya?

 Inalis ni Pia ang suot na salamin sa mga mata. Ibinuka niya ang mga palad at bahagyang yumukod kay Kevin. “Missed me?”

“I’m sorry,” aniya sa mahinang tinig. Pinipigilan niya ang sariling yakapin nang mahigpit si Pia.

“Don’t be,” she said as she put her point finger on his lips. “Can you do me a favor, dear?”

Tumango siya. He would do everything for her. To show her how much he loves her. He deserves a second chance, right?

Using her free hand, kinuha ni Pia sa bulsa ng suot niyang skinny jeans ang kaisa-isang bagay na pinakaiingat-ingatan niya. Matapos iyon ay kinuha niya ang kanang kamay ni Kevin. Inilagay niya sa palad nito ang…

“T-this was the ring that I gave you seven years ago,” ani Kevin. Mas sinasabi niya iyon sa kanyang sarili kaysa Pia.

“Pwede isuot mo ulit sa ring finger ko?” Malambing na tanong ni Pia.

“You were my mystery girl. You were the girl of my dreams. Ikaw lang ang nag-iisang babaeng mamahalin ko,” ani Kevin habang dahan-dahang isinusuot muli sa palasinsingan ni Pia ang singsing.

Matapos iyon ay muli niyang sinalubong ang tingin ni Pia. Her eyes were full of emotions. Love. Forgiveness. Happiness.

“Dear, I’m really sorry for everything that happened in the past.”

“You don’t have to say anything, Kevin. I perfectly understand. Naging abala ako sa pagpupumilit na kalimutan ka para magalit pa ako sa’yo. Pero masyado kitang mahal kaya hindi ko talagang magawang kalimutan ka.”

He was moved by her words. He moved closer to her and gave her his sweetest embrace. He kissed her forehead. He wanted to treasure that moment forever.

Sometimes, he wanted to ask God kung anong magandang bagay ang nagawa niya para makatanggap ng ganoong klaseng biyaya.

“I love you, dear,” puno ng emosyong pahayag niya.

Bahagyang inilayo niya ang sarili kay Pia. Ipinakita ang kanang kamay niya rito.

“Y-you’re still wearing it!” tuwang-tuwang sabi nito na ang tinutukoy ay ang singsing niya.

“Hindi ko kayang alisin ang singsing na iyan. It always reminds me that I’m still waiting for someone. Someone that I want to spend the rest of my life with. Someone that I really love. Someone worth waiting for. Someone named Pia Mae Angelicia Chavez.”

She couldn’t utter a word. She just gave Kevin a peck on the check.

“T-teka… paanong nagkakilala ang mga magulang natin?” biglang naalala ni Kevin na kasama pala niya ang kanyang mga magulang.

“Pinilit kitang hanapin over the past years, hijo.”

Napalingon siya sa taong nagsalita sa likuran ni Pia. Nakita niya roon si Mr. Realonda na nakangiti habang akbay ang esposa nito. “Sir...”

“Sinubaybayan kita at nakita ko kung gaano ka kadeterminadong maabot ang mga pangarap mo. Alam ko rin na nagtrabaho ka bilang service crew dahil sa kagustuhan mong bigyan ng sorpresa ang aking anak sa sarili mong sikap. Napahanga mo ako, hijo. Pinuntahan at kinausap ko ang mga magulang mo nang masiguro kong mahal ka pa rin ng anak ko. Alam kong para kayo sa isa’t isa,” nakangiting sabi nito.

Napangiti rin siya at nagpasalamat dito. “Salamat po,” he mouthed as he gave Pia a gentle embrace.

Sometimes, you don’t have to say the words. You just have to feel the emotions in your heart.

Know what happiness means?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just Because... I Love You  (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon