Chapter 36
"What is the purpose of your face? " Tanong ni Aveahlyn.
Kakalabas lamang lecturer namin sa last period bago mag-lunch. Kaya naman maingay ang hallway at syempre ang cafeteria dahil lunch ngayon.
We both decided to stay here for a while since mahaba pa ang pila kapag ganitong oras sa may counter. Kaya heto kami ngayon, ako ay nagbabasa at siya naman ay manggugulo sa akin.
Nakita ko ang bahagyang pag-upo niya.
"Bakit pati mukha ko pinapakialaman mo? " Tanong ko.
Napanguso siya.
"Hmmm, hindi ako sanay! Atsaka, hindi naman ang usual face mo, mas malala nga 'yang ngayon eh. Kanina nung kasama natin si Zed, hindi ka naman ganiyan pero ngayon? Aba ewan! " Reklamo niya.
Naningkit ang mga mata ko.
"Just mind your own business. "
She sighed.
"Alam mo, nakakatampo kana rin. Hindi ka nga nagk-kuwento kung sino ba talaga ang boyfriend mo sa dalawa, si Nyx ba o si Zed? Ano? Manok ko si Nyx kaya dapat siya! " Wika ni Ave.
Napangiwi ako kaagad.
Manok niya si Nyx? Tss. 'Yung manok niya kamo sinasaktan na ako ng sobra.
"Wala akong boyfriend, " sagot ko kaagad.
"Hm, pero feel ko talagab may something na sa inyo ni Nyx. Weh, hindi na nagk-kuwento, " parang bata niyang sabi.
"Feeling mo lang 'yun. "
Siya naman ngayon ang napangiwi.
"Ewan ko nga sa'yo! " Inis niyang wika.
"Shh, shut up. "
"Bahala ka! "
"Huwag kang maingay, nagbabasa ako! " Iritado kong saad sa kaniya.
"Anong nagbabasa? You can't fool me, Yunique. Look, baliktad kaya ang book na binabasa mo and, kanina ka pa ring sa page na 'yan, " komento niya.
Naisara ko ng wala sa oras anh librong hawak ko.
Pumikit ako ng mariin.
Fudge.
Gano'n na ako kasabog at wala sa sarili? May pop quiz pa naman kanina, baka mamaya ay zero nanaman ako. Pero, sana huwag naman.
"See? May problema ka ba? Share-share naman! "
Nagpakurap-kurap ako.
"Wala akong problema, Ave. And, pwede kahit ngayon lang, manahimik ka muna, " sambit ko.
"Hmm, ang sungit. Red days ka ba? "
Nanlaki ang mga mata ko.
"Shut up! "
She grinned.
"Okay... " Bahagya siyang nag-hand gestures. Seriously?
Napahinga ako ng malalim.
May problema nga ba ako? Bukod sa lovelife ko wala na.
Ano na bang nangyayari sa akin?!
Hindi naman ako ganito noon.
Maayos naman ako dati.
Pero, ano nang nangyari?
Nahulog ang nga tingin ko sa aking kamay.
When I grew up, marami akong na-realize na. Na kapag nagmahal ka, required talagang masaktan.
Hayst.
BINABASA MO ANG
The Dreamer's Dream(Z Series #2)
Teen Fiction"I liked to dream. Dream about our future." Eunice Queen Zamora never imagined to fall for his childhood bully. Bata pa lang ay ayaw niya na sa kaniya ngunit sa isang iglap, nagbago lahat nang mag-sorry ito sa kaniya. They became friends and suddenl...