Alam niyo ba yung feeling na may crush ka pero crush
din siya ng kaibigan mo? Masakit diba.
Eh yung may crush ka pero ikaw lang yung nakakaalam
kung baga Deepest secret mo...
Tapos yung may crush ka, tapos crush ka din niya?
AKO? lahat yan naranasan ko yan...
Ako nga pala si Era Santos a Sophomore student. Isa ring officer ng isang Club and at the same time second year representative ako. Pero di naman mahalaga yun sa story na to. OH WELL.
Eto na yun eh. Nag simula 'to nung mag ka-crush ako sakanya...
Pangalan niya? siya si Drence Riel
schoolmate ko siya, kabatch ko lang din iba lang kami nang section. Mabait siya, gentleman naman, makulet at magaling magbasketball sa katunayan nga eh varsity siya ng school.
Pero.... may aaminin ako sainyo. Were already dating.
Kung itatanong niyo kung pano to nangyare. Ganto kasi yun...
Una siyang nag-exist sa paningin at pandinig ko dahil lagi siyang kinikwento ni Yana, friend ko. New student kasi siya at magaling daw mag-basketball, heartthrob pa daw ng school at maraming nagkakagusto.
At first wala naman akong pakealam sa mga ganyang bagay eh. At wala akong balak na kilalanin siya. Ang sama ko ba? Well, bumalik sa akin lahat ng pinagsasabi ko. Kasi naging crush ko siya. Hindi ko alam kung baket eh, pero naging crush ko siya. Dahil siguro na-impress ako sa galing niyang mag basketball or dahil gwapo siya at maapeal? Oh siguro nakikiuso lang din ako? LOL!
Pero hinayaan ko nalang, hanggang sa tingin ko nawala na yung paghanga ko sakanya. Kasi ako, wala akong time para dyan... at isa pa I'm not the type of girl na i-istalk talaga yung gusto kong lalaki.
And then one day my friend Vanessa (classmate ni Drence) told me something about him. At ikininagulat ko yun. Ganito kasi yun, nag f-fb ako ng biglang chinat niya ako...
Vanessa: Ui sis musta na?!?
Me: Ayus naman :)
Vanessa: Ui crush ka daw ni Drence ><
At dahil sa nabasa ko, automatic na napalapit bigla yung mukha ko sa screen. That was so unexpected. I didnt know na bigla nalang akong napangiti. Pero ayoko mag assume kaya eto yung sinabe ko sakanya.
Me: Wag ka nga magbiro :P
Vanessa: Mukha ba kong nagbibiro?!
Me: Oo?!? parang di naman
Vanessa: Tsskk... di wag kang maniwala -.-
Me: Weh?!?
Vanessa: Sus! kilig ka naman.
Me: di ahh! may crush sakanya si Hana eh.
Hindi ako makapaniwala sa mga sinabe niya kasi... sa hindi tlaga ako makapaniwala eh! Kasi sa dinami-dami nang nagkakagusto sakanya bat ako pa? Diba? Nasaan ang hustisiya?
Ang nega ko nuh? Kung itatanong niyo kung sino si Hana. Classmate ko siya slash Friend. Oo, may gusto siya kay Drence kaya nga wala na akong balak magkagusto dun eh.
Pero sa sinabe sa akin ni Vanessa para bang bumalik nanaman ang aking so called na 'paghanga' ko sakanya, pero ewan! hindi ko nalang papansinin. Pero di ko maiwasang tumingin sakanya sa school.