Truth or Dare?

209 2 0
                                    

"Paano ba yan, nanalo ako eh. So truth or dare?"

"Uhmmm..dare nalang. Pero Michael, huwag na huwag kang magpapagawa sa akin ng nakakaloko."

"Of course, sisiguraduhin ko pareng Charles na satisfied ka sa dare na ipapagawa ko sayo. Bwahahahaha."

Nakakaaliw talaga tignan ang mga kaklase ko. Naglalaro sila ngayon ng truth or dare. Sabagay, wala naman kaming teacher ngayon. Hahay, palagi nalang. Buntis kasi yun kaya parating nag-aabsent.

Ang naglalaro ngayon ay si Charlesmyloves at ang dakila-slash-patawa niyang bestfriend na si Michael. Dahil sa mga kalokohan ni Michael, parati kong nakikita si Charles na tumatawa at ngumingiti. Kaya nga ako na inlove masyado kay Charlesmyloves eh. Crush ko na siya dati pa, nung nagtransfer ako dito when I was a second year high pa. Classmates rin kami, kaso lang di ko alam kung kilala ba niya ako. Sino ba namang papansin sa isang tulad ko diba? Well, meron naman. Pero isang girl. Si Claire bestfriend ko.

Nagulat nalang ako ng may umakbay sa akin. Pagtingin ko..

KYAAAAAAAAAAAAAAAHH!!! Si Charlesmyloves inaakbayan ako. Kamatis na ata ang mukha ko nito.

"A...ano? B...bakit ka n...naka-akbay s.sa akin?"

Sana ang isagot mo ay dahil may gusto ka saakin. Kyaaaaaah, please yun na lang ang sabihin mo. Ay Freedom! TIGIL! Landi nanaman ha! Hihihi...

"Ayy, sorry Freedom. Ito kasi ang pinadare sa akin ni Michael eh."

"Hoy Charliebebe, huwag ka ngang magkaila diyan. Diba gusto mo rin siyang akbayan. Hahaha." 

pang-aasar ni Michael.

Ano daw? Gusto daw akong akbayan ni Charlesmyloves ko? Weird. Para namang totoo, eh hindi naman. Pinagtritripan lang siguro ako ni Michael.

"Aba, loko to ha. Hahaha. Sige Freedom pasensya na." 

Waaaaaaah, ang cute naman talaga niyang magsmile.

"Sinong gustong susunod namaglaro? Si Charliebebe ang makakalaban."

"Ako nanaman? Parati nga akong natatalo eh."

"Oks lang yan. Sinong susunod?"

"AKO!AKO!" sigaw ni Claire

Ano nanaman kayang plano nito? Bahala sila matutulog muna ako. 

Siguro mga one minute, nagising ulit ako. May yumuyugyug kasi sa akin.

S..si Charlesmyloves nanaman. P..pangalawang beses na niya akong pinansin ngayong araw. Waaaaaaaaaahh, dream come true.

"B..bakit?"

"Dare kasi saakin ng bestfriend mo. Pumili raw ako ng susunod kong makalaro sa game na ito."

"So, ako napili mo?" tanong ko naman sabay turo sa sarili ko.

"Uyyyyy..Si Charles umaariba na."

"Marunong ka pala lumandi Charliebebe? Hahaha"

"Huy Freedom. Maglaro na daw kayo. Pakipot pa eh." pang-aasar sa amin ng mga classmates ko. Nahihiya tuloy ako. Hindi ako makatimgin kay Charlesmyloves ng diretso. Pero nahagilap ko na nakangiti lang siya at parang gusto pa niyang inaasar kami. Pero...KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH, ang gwapo talaga niyang magsmile.

Naglaro na kami. Nanginginig ang mga kamay ko. Bago kami naglaro ng mismomg truth or dare, nag-jack-en-poy muna kami. Yun daw kasi ang rule sabi nila.

Hanggang twenty ang nilaro namin. Sa first nakascore ako.

"Hahaha sabi ko na nga ba. Talo ka pa rin Charliebebe." pang-aasar ni Michael.

"Hindi no."sagot naman ni Charlesmyloves. Tumingin siya sa akin at nagsmile at tumingin rin siya kay Michael sabay behlat sa kanya.

At hindi nga siya nagkamali. Naku, nakakahabol na sa akin si Charlesmyloves. Stick na talaga ang scores namin.

Fifteen sa akin. Fourteen naman ang sa kanya. No way baka matalo niya ako. Kinakabahan talaga ako kanina pa. Nanginginig naman ang kamay ko. Hindi ako makatingin sa kanya dahil alam ko na madidistract lang ako.

Naku, ito na talaga ang kinatatakutan ko. Shet! Sixteen points na si Charlesmyloves at ako Fifteen pa rin!

At tapos na nga ang jack-en-poy namin. At ang panalo? Si Charlesmyloves. Okay lang saakin na siya manalo pero natatakot ako sa truth or dare na part ng game.

Pagkapanalo naman ni Charlesmyloves ay naghiyawan ng naghiyawan ang mga kaklase ko.

"Wow Charles. Ikaw na. Ikaw na talaga. First time mo nanalo pre. Hhahahaha." sabi ni Edward.

"Charliebebe akala ko matatalo ka nanaman. Siguro nanalo ka kasi ang inspiration mo ay nasa harap mo kanina at kalaro mo pa. Ayiiieeee."

Pagkasabing-pagkasabi ng mga salitang iyon ni Michael ay tumigil sa paghiyawan ang aking mga classmates, sabay tingin sa akin.

Pati rin ako, parang nafrozen dahil sa mga sinabi ni Michael. Hindi ko inaasahan na ako ang inspiration ni Charlesmyloves. Totoo kaya?

"Hihihihi..sorry Charliebebe. Ikaw naman kasi ang bagal-bagal mo." sabi ni Michael na nakapeace sign.

"Shet." narinig kong bulong ni Charlesmyloves

"Halika na Freedom. Ipagpatuloy nalang natin ang game. Huwag muna natin silang pansinin."sabi niya sa akin sabay abot ng kamay ko

Tumango lang ako sa kanya. Nabibigla pa rin kasi ako sa mga nangyayari. Parang ayaw magregister sa aking utak.

Hinawakan niya ang kamay. Waaaaaaaaaaaahh ang lambot naman. Nafeefeel ko ang mga kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

"Truth or Dare?"

"U..uhhmm..truth?" mas hingpitan niya pa ang paghawak sa kamay ko.

"Aaaaaahh... ang sakit!"

"Sorry. Sige ito na ang question ko. Sinong crush mo?"

"H..ha? A..ano bang klaseng tanong yan?" 

nakatingin lang sa amin ang mga kaklase ko. Napalunok nalang ako dahil sa kaba.

"Wala lang. Basta sagutin mo nalang."

"U..uhhhhmmmm..Pwede bang m..magswitch sa dare?" yun nalang nasabi ko. Kaysa naman sabihin ko sa kanya na, 'IKAW, IKAW ANG ULTIMATE CRUSH KO' mas nakakahiya yun. Ayaw ko rin magsinungaling at magturo ng ibang tao.

"Sige na nga lang."

"T....thanks. A...ano ang dare mo... Charles?" kinakabahan ako lalo na ng sabihin ko ang name niya.

"What if sasabihin ko sayo na.....mahal kita..Would you dare to..fall in love with me?" naghiyawan nanaman ang mga kaklase ko. Ang iba ay kinikilig. Ako, parang 1% pa ang nagloloading sa utak ko. Ang tagal magloading....30%.....50%.....72%...at ayun successful 100%. Kyaaaaaaaaaaaaaaahhh totoo ba ito? Di ako makagalaw. Parang gusto ko lang siyang titigan.

"Hindi mo na siya kailangang i-dare Charles. Inlababoo na yan sa iyo noon pa."~Claire

"Is that true?"

Tumango lang ako at biglang nasambit ang mga salitang, "..and I will fall in love with you over and over again if you dare to catch me and fall in love with me too."

"Matagal na at hinding-hindi ako magsasawang saluin ka."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Truth or Dare?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon