Chapter 22: #1 Nightmare/Dream???

1 0 0
                                    

[ Yoi's POV ]


Hoyy! bilisan mo! Bumangon kana! mahuhuli ka!


Naalimpungatan ako dahil biglang may nag sisigaw na para namang babasagin ang tenga ko. Parang wala naman itong pasubali kitang natutulog iyiing tao eh! Hindi man lang nag dahan dahang mang gising. Minulat ko nang bahagya ang aking mga mata para tingnan ko sinong salbahe ang naninigaw sa natutulog na tao. Napatakip ako ng mata sa sobrang liwanag. Ano ba namang bakit sobrang maliwanag...?


Shina! Bumangon kana! Papagalitan tayo ng iyong Ama kapag nahuli na naman tayo.


Huh? Ano? Papagalitan? Bakit tayo papagalitan? Nahuli san iyan? May paligsahan na?


Ay! Kailangan talagang ulitin mo ang mga sinabi ko ng patanong? At saka, halika na nga bumangon ka na diyan at mag handa may pupuntahan tayo.



Bumangon nalang ako nang wala sa oras dahil pinag mamadali niya ako. Kinuha ko na nag mga gamit ko sabay pag labas ko ng aking silid. Biglang akong napaisip, tiningnan ko ng maigi ang aking silid. Bakit yata iba ang pwesto ng akong higaan? Ah hayaan na nga andito pa pala ako sa palasyo ay nako naman itong sarili ko kung san san na napupunta ang utak ko baka nagugutom lang ako. Ilang sandali pa mukhang natagalan ang nang gising sakin kaya bigla siya ulit sumigaw sa hindi kalayuan.


Shina! BILISAN MO NA SABI!


ETO NA NGA PO!!


Napatakbo naman ako sa kanya ng mabilis grabe para akong ewan hindi na ako nag ayos dahil nararamdaman kong sisigawan na naman niya ako pag hindi niya akong nakita nasunod sa likod niya. Nang makalapit na ako tinanong ko ulit siya.


Ano nga bang gagawin natin ang pinag mamadali mo yata ako?



Hindi ba't inanunsyo ng iyong mga magulang na may matatanggap na gantimpala kapag nagawa ng kung sino man sa mga sasali ang makaka kumpleto ng pagsubok na palarong pinag handaan nila?


Huh? Magulang? Bakit naman mag bibigay ng patimpalak sina Ama at Ina? At teka nga pala, sinong magulang pinag sasabi mo?


Pambihira ka naman Shina! kaway kaway sa babaeng tulog pa ata. HAHAHA!



Napa taas na lang ako ng kilay noong tinawanan niya ako. Anong pinag sasabi ng babaeng to? Bakit yata parang nasa ibang mundo yata ako o ang utak ko? Napa habol ako sa bilis niyang paglalakad dahil medyo nauna siya sakin sa pag lalakad ganun ba talaga ako ka makakalimutin? Nakalimutan ko nga ba o may sira na utak ko kasi hindi ko na alam ang nangyayari ngayon sakin na parang hindi ko yata alam kung na saan ako. Hindi ko din kialla ang babae pero pakiramdam ko parang kilala ko siya. Nang hindi na ako makapag tiis tinanong ko ang pangalan niya.


Uhm! Huyy! Ano nga palang pangalan mo?


Tumingin siya sakin parang naluluwa ang mata hindi ko alam kung matatawa ako sa reaksyon niya o mag tataka. Ang arte naman ng reaksyon niya parang nag tatanong lang eh.

Heian Palace:Hōm no HinodeWhere stories live. Discover now