*Andrei's VP*"Good morning, good morning!" Sabi ko habang nakapikit pa sabay yakap ko sa super laking teddy bear ko.
Hmmm. Sarap sarap.. Ang lamig ata ng panahon ngayon. Giniginaw ako eh.
"Pero teka, may napapansin ako sayo Mimi(Yung Teddy bear) parang lumiit ka ata at pumayat. Ilang araw ba kitang di napakain?"
Pabayang ina, finoforce diet ang anak. Achuchu. Ang keme ko lang.
*toktoktok*
Aww ano ba yan ang aga aga pa eh, may nagtetext na agad. Naku wag lang gm lang ito at baka mabura ko sa phonebook ang number at pangalan.
Istorbo ehh kitang namumuni muni pa ako.
Boss Keann. Oo yan na pangalan niya sa phone ko, inedit ko na kahapon nung wala ako masyadong ginagawa.
Hay mabasa na nga ang laman. Bakit naman kaya ang aga magtext nun. Nakapikit pa isang mata ko eh.
[8:00 tayo aalis. Remember may meeting pa ako ng 10:00am. Kailangan mong maihanda ang reports before 10:00]
[Sabay na nga pala tayo magbreakfast mamaya sa baba. Be there before 7:30]
Ok, 7:30 pa pala ehh. Teka, anong oras na ba?
"7:40"
7:40 palang naman pal--
What? 7:40? Teka katetext niya lang naman ah.
At kung ikaw ay nakatawa,
Ako pa ba ay nakikita..*Boss Keann Calling*
Eto na eto na, lagot na.
"Opo boss, opo boss, saglit lang po, 5 minutes lang please." Sagot ko habang nagmamadaling pumunta sa banyo.
"5 minutes? Kanina pa kita tinext diba." Huh? Kanina? Ehh karereceive ko lang? Ano yun LR (late receiver) ako?
Nasa Manila naman kami ehh, buti sana kung nasa bundok kami diba. Naku kinakaya kaya na naman ako ni Keann.
"Eh boss... Ahhhhhhhh"
*blllaaaaggsssshhh*
----
*Keann's VP*
"Eh boss... Ahhhhhhhh"
*blllaaaaggsssshhh*
Anong ingay yun?
Agad akong napatakbo sa kwarto kung nasaan si Andrei. Nandito na kasi ako ngayon sa dining area nitong hotel.
Ano na naman kayang nangyari sa sushunga shungang babeng yun?
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
RandomSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...