Man Hater?!!!

82 1 0
                                    

MAN HATER KA BA?

Yan ang paboritong itanong sakin ng mga kaibigan kong mga babae. Una dahil bihira lang akong makipag close sa mga lalake, pangalawa kahit sak-sakan na ng gwapo ang nasa harap ko at tumutulo na ang mga laway ng mga kaibigan kong babae dahil sa pag-hanga nila sa lalake eh ang reaction kolang daw kadalasan ay laging N.R. ( No reaction ). Sana nga daw kaya nilang maging ganun para hindi sila mahalata ng mga crush nila na patay na patay sila sakanila. 

Hirap talaga lalo na pag di ka talaga lubusang kilala ng mga kaibigan mo. Pasalamat ako andyan lagi ang mga true friends ko na simulat sa pul kilala na ako, kung baga naging childhood friend ko na rin. 

Oo nga pala, pakilala muna ako. Ako nga pala si Bella Abelino, ngayon ay nasa second year college at NBSB parin. Siguro consider ko nalang yung pagkakataon na magiging matandang dalaga na ako, or career woman nalang kasi imposible nang may magka-gusto pa sakin.

Di ko nga rin maiintindihan kung bakit kadalasan ay N.R. ako yung tipong di kaman lang dapuan ng kilig sa katawan mo. Mas kinikilig pa nga ako pag ang super gwapo w/ hot body ay may super sweet ang  kakaibang personality na sa kwento ko lang na babasa. Mala gangster pero yung astig na gangster ha hindi yung tipong tambay sa tabi-tabi na maluwag ang damit at naka sumbrero. Gaya nga ng sabi ng best friend ko yun daw ay sosyal na gangster or in english ay Mafia.

In short mas kinikilig pa ako sa non exists na mga guy character sa mga fiction story sa net at books kesa sa totoong mga nilalang. Mas lumalabas ang kaharutan ko sa katawan sa pag-imagine palang sa kanila.

Di kaya baliw na ako, di naman siguro. Pero isang beses nga natanong nila kung ako ba daw ba ay tomboy. Nako po as in big NO ako no. Kahit naiingit ako sa mga makikinis at mapuputing balat ng mga babae sa mga magazine. Magandang kurbang katawan or in short ay sexy tapos matambok ang hinaharap at salumpwet. Pero wait lang ha! Gifted naman ako diyan sa part na yan pero uing part na sexy hindi eh.

Kung man hater ako di sana hate ko yung mga erotic type na mga story pero di naman. Hoy ha! Baka isipin nyong ka-babae kong tao ang manyak ng utak ko, DI AH! Masyado lang akong open minded pagdating sa mga ganyang mga usapin. 

Tinanong nga din nila ako kung nag kagusto na ba daw ako o naging sawi sa pag-ibig kaya ako naging man hater. Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa kanila na no and I will never be a man hater. Fan kaya ako ng k-pop group na Bigbang, isa naring factor kaya naging fan ako nila kasi madalas silang gamitin sa mga character sa mga gangster story.

Balikan natin yung tanong na " na in-love ka na ba?! " ang sagot ko ay oo na hindi. Bakit kanyo? Oo kasi sya lang nasa utak ko nun. Hindi naman kasi di ako sure kong inlove ba talaga ako o ambisyosa kasi sa time na yun napaka imposible at bata pa ako at mabilis pa ako mauto.

Sige e-kwekwento ko sa inyo kung pano ko na sabi yun

****************************************

January **,2007 (Monday)

 Super excited ako ngayon kasi may meeting kami para sa darating na sport fest. Ang unang sport fest ko sa pagiging high school.

" Okay! Lahat na ba ng mga year level nandito na, let's start na ha! "

Si Ma'am Pauleen yan, nasa gitna ng 1st. yr. classroom, yun ang classroom namin at opo first year high school palang po ako. 

" So eto na ang gagawin natin, we are having a four groups. Eto-eto ay ang Blue, red, yellow and white. So sa lahat ng grupo ay halo-halong year. ibig sabihin hahatiin din sa apat na grupo ang bawat year level. Napag-group na namin kayo kahapon pa so makinig kayo okay."

Isa-isa nang tinawag kami syempre ang unang grupo muna hang gang sa mapunta na sa last group.

" Okay for last group ang Blue team at last members na galing sa first year, una ay si Abelino, next is Reyes and Dela Rosa. Uulitin ko ang mga asigned room para sa bawat group, again white team ay dito sa first year room, yellow team sa second year classroom, blue team in third year classroom and red team sa fourth year room. Syempre ang leader ay ang mga seniors, Yun lang muna punta muna kayo sa asigned room. "

Man Hater?!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon