Taon 630, ika-pitong distrikto ng Emeralda
Sa kaharian ng Emeralda may isang kwentong kumakalat sa mga nakatira dito. Ang kwento nito ay tungkol sa isang diwata na nakatira sa isang sagradong gubat na ang tawag ay " Lizzana Forest". Ayon sa haka-haka ang diwatang ito ay napakaganda, ang kanyang balat ay kasing puti ng mga puti ng ulap, ang kanyang mga labi ay kasing pula ng mga rosas at ang kanyang buhok ay kasing itim ng gabi.
Pinaniniwalaan ng mga tao na kapag ikaw ay pumasok sa sagradong gubat ikaw ay kukunin ng diwata at hindi na makakabalik. Kaya naman ipinagbabawal ng hari ang mga tao na pumasok sa gubat na ito.
"Kaya ikaw iho 'wag ka nang mag balak na pumasok sa gubat na 'yon. Naiintindihan mo ba?" sabi ng tinder.
"Hahaha! Pero manang, hindi po ba kwentong bayan lang iyon? Kung walang taong nakakabalik simula nung pumasok sila sa gubat, papaanong paraan nila nalaman ang itsura ng diwata?" Sagot ni Mikael na isang manlalakbay.
"Hay naku! Hindi ka kasi taga rito kaya hindi talaga agad ikaw maniniwala sa akin." Sabi nito habang umiiling. "Pero alam mo ba, ang aking ama ay isang kawal sa palasyo noon. Ayon sa kanya may iisang tao raw ang nakalabas sa sagradong gubat."
"Talaga po?! Sino naman po 'yon?" mausisang tanong ni Mikael
Tumingin muna sa paligid ang matanda saka sya sumenyales na lumapit ang binata sa kanya at bumulong ito:
"Hindi ko din alam"
Napakamot na lamang sa ulo si Mikael sa sinabi ng matandang Tindera. "HAHAHAHA! Ayon sa aking ama ito ay nangyari noong panahon na ang Kaharian ng Emeralda ay sinukob ng mga kalaban at nagkaroon ng digmaan upang sakupin ang bansang ito."
BINABASA MO ANG
Ang Diwata sa Sagradong Gubat
FantasySa kaharian ng Emeralda may isang kwentong kumakalat sa mga nakatira dito. Ang kwento nito ay tungkol sa isang diwata na nakatira sa isang sagradong gubat na ang tawag ay " Lizzana Forest". Ayon sa haka-haka ang diwatang ito ay napakaganda, ang kan...