Chapter 7-A

127 11 10
                                    

Samantala, umiinom ng alak si Francis habang pinapahirapan ang mga bihag. Nakahawak ng isang bote ng beer.Ilang sandali ay nakatanggap siya ng tawag mula sa isang tauhan ngunit laking gulat niya ng marinig ang boses ni Dino. Sa subrang galit ay naihampas niya sa ulo ni Judei ang boteng hawak. Basag! Nagtamo ng malaking sugat. Napakaraming dugo ang nawala.Mas lalong nawalan ng lakas at hindi nagtagal ay naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Pinipilit naman ni Diane lumapit sa kasama ngunit pinipigilan siya ni Matt. Nakagat pa ni Sam ang labi. May nakakita sa pinagtataguan nina Michael at Sam saka hinila sila palapit kay Francis.

"Pakawalan nyu ako! Wala kang awa! Francis!" Nagwawalang sabi ni Diane.

"Oh,kawawa naman si Judei.. patay na yata". Iniinsulto pa ang pagkawala ni Judei.

Sinakyan nina dino ang isang van na nakapark sa isang gilid ng kalsada na tila pagmamay ari ng masasamang loob. Hinanap kaagad nila si Tina.

"Tina.."Nag aalalang sambit ni Helene.

Isinakay din nila sa likod ang bangkay ni Sharlene.

"Mamahalin pa yata ang van na'to ah!". Ang napansin ni Dino.

"Dalawang araw na simula nung mawala kayo,Helene..siguro gutom na gutom na kayo". Tugon ni Laurenz.

"Oonga, maraming salamat at dumating kayo. huli nga lang para kay Sharlene". Nalulungkot na sabi ng dalaga. "Ah baka pwedeng ihinto mo'ko sa isang kainan jan sa malapit,gutom na gutom nga ako". Nahihiyang dagdag pa nito.

Bandang alas otso nang gabi pero hindi parin umuuwi sina Alex at Richard. Nasa rooftop sila habang nilalanghap ng maigi ang simoy ng hangin at matingnan ng mabuti ang langit.

"Halika ka na,umuwi na tayo..gabi na. Ba't mo pa kasi naisipan magpunta rito. Hayon tuloy nauna na sina Dave at Diane".

"Sa tingin ko nga mas ligtas ako dito. Kung gusto mo mauna ka na rin. Hindi naman ako natatakot ng mag-isa".

"Alex, madilim na ang langit mas nakakatakot pa dito sa school kung wala kang kasama".

"Alamo kahit ilang millions pa ng ghost ang makita ko hindi ako matatakot. Kaysa umuwi ako ng bahay at makitang isa-isang nawawala ang bawat isa sa mga kasama natin.Tanggapin na natin ang katotohanan na lahat tayo mamatay".

Wala ng nasabi si Richard.

"Sana hindi nalang ako naglayas saamin eh".

"Bakit? Ano ba yung dahilan kung bakit ka naglayas? Baka pwede ko nang malaman?"

"Ipapakasal kasi nila ako sa isang lalaki na ni minsan hindi ko nakita sa buong buhay ko". Hindi na nagpaligoy ligoy pa ang dalaga. "Teka lang, actually magka apelyido nga kayo eh. Gonzales ang family name niya. Kung hindi lang kasi ako nagpaka o.a,edi sana hindi ganito ang mangyayari sa'kin,satin". Nakatingin lang sakanya ang binata.

"Paano kung sabihin kong..ako nga ang lalaking yun..?"

"Edi,maswerte ako. Ang bait mo kasi..pero 'yun naku wag na, kahit nga litrato niya hindi nagawang tingnan. Ayoko talaga. Ikaw naman, medyo kilala na rin kita pero joke lang nuh hindi naman kita papatolan kaibigan kita eh". Napatawa pa ang dalaga.

"Hindi ako nagbibiro".

"Tumigil ka nga!". Mas lalong napatawa.

Ipinakita ni Richard ang isang litrato na meron siya sa babaeng ipapakasal din sakanya noon.

"Hayan ang katibayan ko".

"Ako 'yan ah. Picture ko 'yan last year!". Natigilan sa pagtawa ang dalaga at napatitig sa kasama. "Ikaw nga ba?". Napaisip pa. "Nag layas ka rin ba?"Napangiti. "Ang galing nuh! Naglayas Karin gaya ko.Ibig sabihin ayaw mo rin!"

"Oo,pasensya ka na hindi ko rin dapat ginawa yun. Inisip ko na ako lang ang may ayaw,ikaw din pala. Pero nagkamali ako,sapalagay ko kasi..sa ngayon gusto na talaga kita".

"Palabiro ka talaga".

"Hindi,palagay ko talaga mahal na kita,Alex. Ewan ko kung paano ko ipapaliwanag pero yun talaga ang nasisigurado ko, mahal kita.. Alexandra".

"Richard". Sambit ni Alex.

"Sana ganun Karin saakin..gusto kong hingin ang oo mo.."

"Sana hindi ito isang panaginip,kasi minsan ko na rin iinisip na sana ikaw nga ang Mr.Gonzales na iyon".

"Anong ibig mong sabihin?".

"Oo,mahal din kita". Dahan dahan lumapit sa kasama at niyakap. Ganoon din ang binata.

Hindi pa nakakapasok sa loob ng bahay sina Gino at Kris ay napansin kaagad nila mula sa bintana si Francis na lasing na lasing.

"Si Francisca ba yun? Diba bakla siya? Bakit ganoon ang mga tattoo niya sa braso.. Daig pa niya ang gangster ah". Anito ni Gino.Hindi nila alam pero bigla silang mapayuko ng makita nila si Judei na wala ng buhay at si Diane naman na nagwawalang makawala sa pagkakatali. "Ibig sabihin,siya ang may pakana ng lahat na nangyayari satin dito".

"Papaano nangyari yun?"

"Ah basta hindi na mahalaga yun.Basta gumawa nalang tayo ng paraan para tulongan sila".

"Anong gagawin natin?".

"Hihingi tayo ng tulong".

Alas nwebe na ng gabi. Napunta si Tina sa kabilang brgy. Pumasok siya sa isang restaurant at sumisigaw ng tulong.

"Dong! Pakainin mo ang batang iyan,mukhang gutom na gutom". Anito ng isang babaeng may edad na.

Nang makakita ang dalaga ng pagkain sa kanyang harap ay hindi na siya nakapagsalita pa at agad na kumain. Nakatingin lang sakanya ang mga mata roon sa loob ng restaurant.

"Familiar ang mukha niya saakin". Ang sabi ni Dodong,isang waiter.

"Miss,dahan dahan lang,kumain ka lang hanggang gusto mo". Ang sabi ng Manager.

"Kamukha niya yung missing ate!"Anito ni Dodong.

"Miss ano ba ang panagalan mo?".

"Tina po.."

Laking gulat nila ng marinig ang pangalan ng dalaga.

"Wow,jockpot ate! Ang sabi kasi,ang sinuman na makakita sakanya ay makakatanggap ng pabuya". Tuwang tuwang sabi ng waiter.

"Basi sa nabalitaan ko marami silang nawawala..". Ang sabi naman ng isa pang waitress.

"Ah Tina,saan ka ba nanggaling? Sino ang mga kasakasama mo?".

Natigilan si Tina at nabitawan ang hinihigup na sabaw.

"Trauma yata ang batang 'to. Hayaan na muna natin siya. Wag na kayong magtatanong sakanya sa sandaling ito". Tugon ng manager.

"Tulong! Kailangan ko po ng tulong! Yung mga kaibigan ko!"

.....Abangan! (Author)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BOARDING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon