Juan I

2 0 0
                                    

College is not as bad as others described... its worse!

Kung nung high-school pag sinabing first week ng pasukan ay parang orientation at getting to know each other na may halong kwentuhan palang, sa college iba. Sa college, bakbakan agad kahit first week palang. Nagpapasa na agad yung prof namin ng index card para raw sa attendance, quiz, seatwork and recitation.

Hindi introduce yourself ang nangyari, introduction agad ng subject and course outline namin. Nagbigay na agad sila ng topic pati book title and author dahil next week daw start na ng discussion. Yung iba nga nagpahapyaw na agad ng discussion.

Taghanap tuloy kami ng books ngayon. Nagdadalawang isip pa ko before kung mag na-national bookstore at rex ba ako o mag re-recto nalang muna. Mas mura sa recto pero iniisip ko kasi pag magrereview na para sa board, ayoko namang gutay-gutay na yung book ng panahon na iyon. Kahit anong ingat ko sa book, kung hindi naman maayos ang pagkagawa ay wala rin. Baka magpilas-pilas at magkanda-walaan pa yung pages. Kaya nagdecide akong mag-nbs at rex kaysa bumili na naman ulit o magpaxerox ng nga nawawalang pages, may pera naman ako galing scholarship eh.

"Nasaan na naman kayo? Kay-kukupad niyo!" Pag-text ko kila Cong at Juan. Mag-n-nbs at rex nalang din daw sila eh. May pera naman yang mga yan, mayaman yang dalawang yan. May pinagkukunan din ng pera si Juan dahil nagbebenta yan ng mga account niya sa isang online game.

"Dito na ko. San ka?" Nagreply na si Juan.

"Nasa food court ako" May nakita akong lalaki na hawig ni Juan at kabababa lang ng escalator.

"Naka-black longsleeves at ripped jeans ka ba?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko namang luminga-linga yung lalaking hawig ni Juan. Nasa may gilid ng escalator yung lalaki.

"Oo, ako yun. San ka banda?" Reply niya ulit

"Diyan ka lang, puntahan kita" Message sent. Naka white shirt ako plus denim jacket and plain black skirt, naka-boots pa ang lola niyo. Ang haba itype kaya, pupuntahan ko nalang siya.

"Huy!" Gulat ko sa kanya, nakatalikod kasi siya sa gawi ko. Hindi naman siya nagulat, so moving on HAHAHA

"Asan na daw si Cong?" Tanong ko sa kanya

"Di raw siya makakapunta, bukas pa raw siya makakabili kasi bukas pa siya bibigyan ng pambili. Kaka-text niya lang sa akin kanina. Sabi niya sabihin ko nalang daw sa iyo."

"Okay, so tayo nalang dalawa?"

"Huh?"

"Tayo nalang bibili ng books kako"

"Ah, oo"

"Tara na"

"Kumain ka na ba? Kain muna tayo"

"Hindi pa naman ako gutom"

"Di pa ako nagaalmusal"

"Saglit lang naman tayo, bibili lang ng books"

"Gutom na ko eh, dali na" Tinitigan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Late ka na nga't lahat, dapat kumain ka na. Tara na, saan ba tayo kakain?"

"Saan mo ba gusto?"

"Ikaw yung gutom sa atin kaya ikaw pumili"

"Ayos lang kahit saan basta may kanin"

"Inasal nalang tayo, pa-lunch time na naman eh"

"Sige, tara. Akin na bag mo, ako na magdadala." Offer niya

"Ako na, ayos lang. Kaya ko naman" May dala kasi akong handbag.

"Okay"

"Nasa baba yung Inasal diba? Tara na baka maraming tao"

Pagdating sa Inasal, maraming tao kaya siya nalang o-order habang ako magbabantay ng kakainan namin. It's been a while since huli kong kain dito.

"Yung spicy na paa parin ba?"

"Oo"

"Tapos sprite no?" Tinaguan ko lang siya at inabot ko na yung bayad ko.

"Ako na, may extra pa naman ako"

"No" Pinagduldulan ko yung pera sa kamay niya.

"May nakita akong pwesto sa may pinaka-kanto, pupunta na ko bago pa tayo maunahan" Umalis na ko bago siya makasagot.

Umupo lang ako ng tahimik sa nakita kong pwesto. Kinalkal ko yung cp ko dahil nag vibrate kanina, may nag text pero di ko pa nareread dahil ayokong nagbasa habang naglalakad at baka may mabunggo o maka-disgrasya pa ko. Dalawa unread messages ko, yung isa kay Cong then yung isa kay Lulu.

From: King-Cong
Sorry di ak0 mk2pnta ksi ukax p padala si papa. Nag txt ak0 kay Juan khap0n, xpired n load ko kya n0w lng ak0 nka-txt ulit. Blitaan nyo nlang ak0 ha.
Reply: Ge lng.

From: Luluka-Luka
Bes, gorla tyo now! Free me, wla si bf.
Reply: Bes Luka, di me free. Buying books now.

"Nag-order narin akong halo-halo, hati nalang tayo" Dumating na si Juan dala yung stick na may order number namin. Umupo siya sa upuan kaharap ko. Pagkaupo niya, tinitigan ko siya.
Ngumiti siya sa akin kaya nakakunot-noo ko siyang tinitigan.

"Bakit? Anong problema" Nakangiti parin siya pero medyo awkward na.

"Di mo sinabi kay Lulu kung saan ka pupunta ngayon?"

"Nagsabi ako kaninang pagkagising ko na may bibilhin akong school stuffs sa mall"

"Di mo sinabi kung sino mga kasama mo?"

"Hindi naman siya nagtanong"

"Kaya hindi mo sinabi?"

"May problema ba run?"

"Nagtext sa akin si Cong ngayon-ngayon lang, kahapon ka pa raw niya tinext na hindi siya makakapunta" Natahimik naman siya "Hindi mo agad sinabi sa akin na hindi makakapunta si Cong, then hindi mo rin in-inform si Lulu na ako yung kasama mo bumili ng school stuffs mo. Ikaw ngayon tatanungin ko, anong problema mo Juan?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Series of Events (Pen's) Where stories live. Discover now