Nasa school na ako pero hindi ko makita si Jaycee.
Kadalasan naman nasa loob lang siya ng room. Absent kaya siya???
"Kimmy!!!!" sabay punta sa desk niya.
"Ang ingay ah. Ano ba yon?"
"Kimmy bakit hindi ko makita si Jaycee ngayon? May sakit ba siya? Ano nangyari sakanya??"
"ha?? Ah... Ewan."
"Bestfriend mo yun diba? Tapos hindi mo alam ang nagyari sakanya??"
"Alam mo May-anne wag mo na hanapin yon. Teka, bakit mo ba nagustuhan si Jaycee?" Out of our topic ang tanong niya ah.
Teka, bakit nga ba...
"hmmm... Nung una nagalingan lang ako sakanya mag gitara. Tapos bigla ko nalang siya nagustuhan. Kaya lang hindi naman niya ako kilala."
"hahahahahaha!!!!"
"oh, bakit ka tumatawa?" tanong ko. Para kasing baliw to eh.
"ha? Wala lang. Haha Tara na nga."
Uwian na namin pero hindi ko pa din nakikita si Jaycee. Haayyy... Gusto ko na umuwi tinamad na ako bigla eh. Wala kasi si Jaycee...
"Tara na sa mini concert May-anne."
"Ikaw nalang Kimmy nawala na ko sa mood."
"Hala bakit??"
"Hindi ko nakita si Jaycee eh."
"Haha! Kung ako sayo pumunta ka sa concert. Tara na." Tapos hinila niya ko. Walking distance lang naman papuntang E-park.
"Start na May-anne tara upo tayo sa may bandang harap." Sumunod nalang ako. Kahit tinatamad ako.
"May-anne banda nila Jaycee ang tutugtog." Nagulat naman ako at napatayo sa kinauupun ko.
"May banda si Jaycee??!!!"
"Oo, siya ang gitarista at vocalist ng banda. Si Jemuel naman ang keyboardist. Oh diba, kung hindi ka sumama hindi mo malalaman. Tsaka ma susurprise ka pa mamaya."
Hindi ko alam kung ano tinutukoy ni Kimmy kasi lumabas na yung banda nila.
"Kimmy!!! Si Jaycee!! Waaahhh..."
"Oo alam ko wag ka sumigaw. Excited lang. Haha"
Nakita ko si Jaycee. Ang gwapo talaga niya lalo na pag nag gitara at ngayon ko lang siya makikitang kakanta.
"Bago po kami tumugtog. Gusto ko malaman ng mga tao dito kung para kanino ang kantang ito."
Kanino?? May girlfriend na ba siya?
"Ito ay para sa babaeng inaadmire ko." At nag strum na siya ng gitara.
May gusto na pala siyang babae. Ibigsabihin wala ng chance para mag kakilala pa kami.
T.T umasa ako na mag kakakilala pa kami. Minsan kasi nakikita ko siya na tumitingin sakin. Oh, baka naman kasi tumitingin ako kaya tumingin din siya sakin.
Haaay... Kumanta na siya ng Sundo ni Imago.
kay tagal kong sinusuyod
ang buong mundo para hanapin
para hanapin ka
nilibot ang distrito ng
iyong lumbay
pupulutin pupulutin ka.
Sinusundo kita sinusundo...
chorus:
asahan mo mula ngayon
pag-ibig koy sayo
asahan mo mula ngayon pag-ibig koy sayo
sa akin mo isabit ang
pangarap mo
di kukulangin
ang ibibigay
isuko ang kaba tuluyan kang bumitaw
ikay manalig manlig ka...
sinusundo kita sinusundo
asahan mo mula ngayon
pag ibig koy sayo
asahan mo mula ngayon pag-ibig koy sayo
asahan mo mula ngayon
pag ibig koy sayo
asahan mo mula ngayon pag-ibig koy sayo
x4 asahan mo...
handa na sa liwanag mo
sinuyod ang buong mundo maghihintay sayo'ng sundo
asahan mo mula ngayon
pag ibig koy sayo
asahan mo, woooaahh...