CHAPTER ONE

0 0 0
                                    


Chapter One:A letter






Tahimik akong naglalakad sa hallway ng may malaglag na bulaklak sa paanan ko "Bulaklak?" tanong ko sa aking sarili napatingin na lang ako sa bintana malapit sa kinatatayuan ko wala namang bulaklak na bunga ang punong nandito,"Anong ibig sabihin nito?" tinapon ko na lang sa may malapit na trash can ang bulaklak na hawak ko.Maya maya ay tumunog na ang bell hudyat na mag uumpisa na ang klase kaya agad-agad akong nagmadali pa akyat sa 3rd floor.







Pag-akyat ko ay wala pa ang profesor namin kaya agad akong umupo sa tabi ng bintana,ang paborito kong pwesto presko kase ang hangin at isa pa wala pang nakakapanggulo pag may quiz,"Zakie!" rinig kong sigaw ng kaibigan ko sa kalayuan dumungaw ako sa bintana at nakita ko itong kumakaway sa baba at may hawak pa itong papel sumesenyas pa ito na bumaba ako napairap na lang ako at sumenyas na ipag-hintay muna ito.






Dumating na ang professor namin at tulad ng aking inaasahan napaka-sungit at istrikto nito madalas ang pagbunot at pagtatawag nito para lang ipa-recite kami.Tulad din sa inaasahan ko marami ang hindi nakakasagot sa mga tanong niya kaya naman pinapatayo niya ito hanggang matapos ang klase niya madami ring nagrereklamo sa mga kaklase ko ngunit di ko na iyun pinansin ang mahalaga ay may natutunan kami,diba?Aanhin mo pa ang pagrereklamo kung wala namang pumasok sa utak mo ng kahit isang salita lang?








Habang nagbabasa ako ay may batong tumama sa ulo ko maliit lang ito kaya't di masakit di ko lang ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagbabasa mga segundo lang ang lumipas ng may batong tumama uli sa ulo ko tulad ng ginawa ko hindi ko lang ito pinansin at nagbasa lang hindi pa lumilipas ang isang segundo ay may isa pang batong tumama sa noo ko kaya naman naisipan kong silipin kung andiyan ba ang kaibigan ko ay mga lalaki lang na nagbabato bato sa labas pagkasilip ko ay ni isang anino ng tao ay wala akong nakita.Isinawalang bahala ko na lang iyun at umupo muli binuklat ko na ang libro ko at nagpatuloy sa pagbabasa






"Zakie!!!!" rinig kong boses ng kaibigan ko mula sa pinto ng aming silid tumingin lang ako sa gawing iyun ngunit wala ito di ko na lang din ito pinansin at nagbasa muli ng libro "Zakie!!!" rinig kong boses muli di ko na lang uli ito pinansin at nagbasa "Zakie!!Zakie!!Zakie!!Zakie!!" sunod-sunod na boses ang aking narinig tiningnan ko muli kung saan ito nang gagaling,"Guni-guni mo lang yun" tugon ko sa sarili.Lumipas ang mga ilang oras at break time na namin tumayo na ako at kinuha ang wallet at cellphone sa bag at binulsa ko ito tahimik akong lumabas kasama ang mga kaklase ko,"Psst!" iniangat ko ang ulo ko at iginala ang mata sa labas ng silid wala naman ang kaibigan ko sa labas,"Pssst!" muli kong iginala ang mata ko sa paligid ngunit wala ang kaibigan ko "Guni-guni mo lang yun,wag mo nang pansinin" sambit sa sarili at lumakad na.







"Zakie!" sigaw ng kaibigan ko sa kalayuan,ng papalapit ito ay may papel itong tinuturo at tila ba di mapakali sa saya "Zakie,may sulat para sayo" tugon nito,tumingin ako rito at tinanggap ang sulat "Kanino nanggaling?" tanong ko "Secret Admirer mo daw" mapangtukso nitong tugon ikinunot ko lang ang noo ko dito at binuksan ang sulat.Labis ang pagtataka ko ng mabasa ko ang sulat na ito ginala ko muli ang mata sa paligid para hanapin kung sino man  ang posibleng nagbigay nitong sulat saakin.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#GreySeries_01[Zakie Limbaga] : Secret AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon