AYESHA'S POV
"May their souls find peace in the embrace of the eternal light."
Tumatangis ang mga taong nasa likod namin. Sa kaliwa ay si Tita Neslie na walang awat sa pag iyak, nakapalibot sa kaniya si Tita Mabie na umiiyak din at Auntie Chell. Naroon din sila Darrah, Mekkah, Drake, Marjun, Kiahhnne at Jandarra. Sila Tito Kal, Tito Marcus, Tito Tim at Tito Draco and Uncle Jay.
Habang kami ni Aeyza ay walang emosyong tinitignan ang pagbaba sa lupa ng kabaong ng pareho naming magulang. Ubos na ang luha naming dalawa, isang linggo kaming umiyak at pagod na kaming umiyak. Puro galit at puot na lang ang nararamdaman naming dalawa.
Matapos ang funeral ay hindi kami umalis ni Aeyza sa graveyard ni Mom and Dad. Pareho kaming tahimik habang tinitignan ang nakaukit na pangalan nilang dalawa.
"I can't believe this," Maya't maya kong sabi. "I can't believe that this time will come...na mamamatay ang pareho kong magulang dahil sa kung sino lang."
"We can't do anything na basta basta lang, Ayesha." Sabi ni Aeyza. "We have to plan on how to kill them."
"Of course,"
"They have Mafia on their side, and they also have Mark."
Hindi ako sumagot. Sa tuwing nadidinig ko ang pangalan ni Kuya ay namumuo ang galit ko.
"For now, we are safe."
"Safe?" Kunot noo kong tanong. Kailan kami naging safe?
"Hindi na tayo pagiinitan pa ni Gregor..." Lumingon siya sa akin. "He is done with us and his next target is probably his step brother."
Natigilan akong tumingin sa kaniya. So, ang next niyang target ay ang pamilya ng asawa ko?
"Damn him," galit kong bulong.
"Kalvin is aware about this kaya mahigpit ang seguridad niya para kay Neslie at sa atin."
Hindi ko maiwasang magalala lalo na kay Kenneth. Hindi ko gustong mangyari sa kaniya ang nangyayari sa akin. Napabuntong hininga tuloy ako. Malamig ako sa kaniya nitong mga nakaraan, kahit anong lapit niya sa akin ay hindi ako umiimik at sumasagot lang ng tipid.
"But don't be worry about them. Kalvin might be quiet right now pero alam kong kating kati siyang patayin si Gregor." Sumilay ang ngisi sa labi ni Aeyza. "That old man is fucking cool and also dangerous."
"Bakit parang tuwang tuwa ka pa?"
"Because we still have strong allies with us. We have the legendary Four Dark Owls and their sons, 'wag na 'wag lang gagawa ng katangahan si Gregor at baka pare parehong sumabog ang apat lalo na't namatay ang isa sa mga kaibigan nila."
Hindi na ako sumagot pa at muling tinitigan ang graveyard ni Dad. Umupo ako at hinawakan ang pangalan niya.
"Dad is so charismatic, isn't he?" Sabi ko. "Kahit na minsan, i really hate him, pero hindi ko maiwasang mamangha sa kaniya sa tuwing bukang bibig siya ni Mommy. She always telling me kung gaano ka-cool si Dad noon, at cool pa din naman siya 'till now."
YOU ARE READING
A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)
Storie d'amore"Remember the vows, don't break them." They made it. They're married, and they will live happily ever after. Or not? Every dark secret will be revealed with each passing day. In what you thought to be a beautiful tomorrow, will reveal a morning with...