“Kung sinuswerte ka nga naman oh!”inis na wika ni kuya Theodore.
Nasa tapat namin ngayon ang sasakyang nakatabig kay kuya Theodore kanina. Kasalukuyan silang nag bababa ng mga bagahe ngayon.
“Ui. Kayo pala!”ani ate Mariel
“Ano boy, kamusta ‘yang sugat mo?”tanong ni kuya Hue.
Kuya Theodore rolled his eyes at padabog na ipinasok ang bike sa loob ng garahe.
“Ano’ng problema no’n?”tanong ni kuya Alec
I just shrug.
Ngumiti lamang si Kuya Alec
Ipinasok ko na rin ang aking bike sa garahe. Nang isasara ko na ang gate, lumabas mula sa kabilang bahay ‘yung binatilyong nakita ko kanina. May kasama itong lalaking sa tingin ko’y kapatid n’ya.
“Tulungan mo nga kasi ako dito!”sigaw ng babae sa loob ng sasakyan.
Marami ata sila eh.
Lumapit naman ang binatilyo at tinulungan s’yang buhatin ang kahon. ‘Yung lalaki naman na kasama nyang lumabas ay nagbuhat din ng Bear Box
Pinapanood ko lang sila at pansin kong, naka simaggot ang binatilyo.
Napatingin s’ya sa akin at walang ekspresyon sa kanyang mga mata
“Graciela! Paki kuha nga ng Betadine sa kwarto ko!”sigaw ni mama.
Syempre sumunod ako. Mabait ako eh!
“Oh my God! Don’t touch it! Nooo! Shoo!”sigaw ni kuya Theodore
Inabot ko na ang Betadine kay mama.
‘Yung mukha ni kuya Theodore parang batang takot matuli. Hahahah!
“Dahan-dahan lang ah?” ani kuya Theodore.
“Tara, kain na tayo!”sabi ni tita Beth. Siya ang ina ni kuya Alec at George. ‘Yung nanay naman nila Brian at kuya Theodore, wala dito. Nasa abroad nagtatrabaho.
“Tara, tara kain na daw!” nabuhayang loob na wika ni kuya Theodore.
“Sige po,bihis lang ako. Basa na kasi sa pawis ‘tong damit ko eh.”sabi ko.
Pagka-akyat ko ng kwarto ko. Agad akong nagpalit ng damit at nagsuklay ng buhok.
‘Di sinasadyang napatingin ako sa bintana ko. Nakita kong nakatalikod ang binatilyo at nag-aayos ng damit. Wala s’yang damit pang itaas. Naka shorts lang s’ya.
Nang humarap s’ya sa direksyon ko, at napatingin sa’kin. Bigla naman akong nahiya at umiwas ng tingin kasi baka isipin niya na tinitingnan ko ang kanyang katawan.
Naka poker face lang s’ya.
Tumalikod ako at isinara na ang kurtina. Shems! Nakakahiya!
=
“Paki-abot nga ng Kanin.”
“Tsaka ng ulam.”
“Ay,Pati na din pala ng Hotdog at ketsup”
Sunod-sunod na paki-usap ni kuya Theodore.
“Petchay! Ikaw na kaya ang kumuha? May kamay ka naman ‘di ba?”inis na wika ni kuya Alec.
“Ipapa-abot ko ba kung abot ko naman?”sabi din ni kuya Theodore
“Nakaka-istorbo ka ng kain eh!”wika ni kuya Alec.
“Ano, kakain ba kayo o mag-aaway?”inis na wika ni Mama
“Parehas!” sabay na wika nila kuya.
BINABASA MO ANG
Girl on Fire
RomantikMeet Graciela Madrigal. An ordinary teenager who had a secret crush on her new neighbour named Matthew Morgan, a very quiet and handsome boy. Her life is happy and peaceful with her crazy cousins and friends. But everything had changed when she was...