But when you close your eyes, does it always feel like nothing changed at all? - Pompeii by Bastille.
SUMMER. Yung tipong masaya pero parang hindi... kasi puro review at workshop. Laging lumalabas ng bahay, para ka nang gumagala lagi sa labas...
Ang buong chapter na ito ay tungkol sa summer ko ngayong year... na may halong lyrics... alam mo yun, trying another style of writing dahil sa mga bago kong natutunan... sa kasalukuyan, ako'y isang sa mga manunulat ng lathalain (o features writer sa Ingles) at mataas na posisyon sa documentary team (head of documentary team) ng aming organisasyon. Hindi ko tinuloy yung cosplay kasi naging hectic na talaga yung schedule ko.
---
We say goodbye in the pouring rain and I break down as you walk away. - Stay by Hurts
GRADUATION HANGOVER. Yung tipong hindi mo kayang pakawalan ng basta-basta kasi mayroong attachment na naganap. Masaklap ang mga naganap. Masakit pakinggan ng paulit-ulit sa utak mo.
Alam mo naman sigurong mahal kita kahit anong mangyari. Alam mong hindi ito labag sa akin... at nasasaktan ako rito sa harapan mo na sinasabi ito. Pls Kat... pakinggan mo muna ako
Bawat salita'y isang malalim na tusok sa aking nagdurugong puso. Hindi ko kayang tanggapin. Hindi ko kayang kalimutan ang bawat salita. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko kapag nasasabi ang kanyang pangalan. Hindi ko kayang ipaliwanag nang husto na walang inilalabas na luha. Hindi ko kayang ikuwento ang bawat detalye dahil sa aking naghihimutok na puso hindi na kayang tahiin ang lalim ng sugat na nadarama nung gabing iyon. Hindi ko na kaya. Hindi nga mabilis ang pag-move on pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin tuluyang nawala sa isip ko na ang nawala sa isang kisap ng mata ang taong minamahal mo. Yung taong nakita mo sa cafe. Yung taong katabi mo sa bus. Yung taong kapareha mo ng mga gusto na TV series. Yung sinabi n'ya sa akin ang mga nangyari sa kanya ng mga nakaraang buwan. Yung naka-selfie mo sa bus. Yung taong binigay yung jacket n'ya sayo kasi nilalamigan ka habang nanonood. Yung taong nakawala at nagbigay ng flashdrive. Yung ako lang ang kasama n'ya nung pagkatapos ng birthday n'ya. Yung taong nili-link sayo. Yung taong hindi mo aakalaing pupunta sa cosplay kahit na may lagnat. Yung taong pumunta sa bahay n'yo para magdiwang yung bagong taon. Yung tipong magkasama kayo sa isang competition. Yung tipong sinabi n'ya na gusto ka n'ya nung prom. Yung taong sumasama sa barkada mo kapag gala. Yung taong naniniwala sa akin na kaya kong maging ganito. Yung taong naniniwala na magtatagal.... pero ang lahat ng iyon ay nasira. Nawasak na ang lahat ng paghihirap o development namin. Mahirap umiyak buong summer dahil hindi mo talaga tanggap ang mga nangyari... dahil naging totoo ang nararamdaman ko sa kanya. Naging parte na s'ya ng buhay ko at hindi ko kayang pakawalan ang ideyang, minahal ko na s'ya.
Ayoko nang iyakan uli ang nasirang pag-asa.
Hindi ko na s'ya nakakausap. Makikita mong online sa chat pero hindi mo pa rin kinakausap. Bubuksan mo yung chat namin at ang sarap talagang tanungin sa kanya, Anong nangyari? Pwede pa ba nating ayusin ito? Kaya pa ba nating maibalik ang nakaraan? Nang maging okay na ako (kahit papaano), tinanong ko sa chat ang lahat ng mga tanong ko.. at nararamdaman ko.. halos buong buwan. Wala pa ring sagot....
Hanggang sa matanto ko.... hindi na kayang ayusin ito. Hindi na natin kayang ibalik ang dati. Hindi na kayang buuin ang nabasag na salamin ng isang illusyon ng magandang paraiso.
---
And if you fall, you'll always land right at these arms.... these arms of mine. - Not A Bad Thing by Justin Timberlake
Hayaan mong isalaysay ko ang mga nangyari sa mga kaibigan ko nung summer.
LANDON. Naging captain s'ya ng Debate Club. Kasama ko sa review center. S'ya yung kasa-kasama ko kadalasan... pero syempre, lagi n'yang kausap si Jane. S'ya na yung naging bestfriend ko nung summer. S'ya ang unang nakaalam ng nangyari nung graduation. Nagbago na ang tingin n'ya kay kuya George. Nailabas ko sa kanya ang lahat at siya ang nagsasabi sa grupo kung ano ang nangyari dahil ayoko nang magsalita. S'ya yung nagpapasaya sa akin (kahit na puro review lang)... binibigyan ako ng mga rason na sumaya. Lagi kaming kumakain sa McDo 'pag umaga eh kapag hindi pa simula ng review. Naging paborito na namin ang sikat na hot choco. Naisip nga n'yang pumunta kami sa Enchanted Kingdom kasama yung barkada para mapawi man kahit konti ang sakit... para madama lang ang kanilang pagmamalasakit at pagmamahal sa akin... at nagpapasalamat akong nariyan sila.
BINABASA MO ANG
More or less, I don't know.
RomanceMoving on? 'Di yan uso sa'kin nung una hanggang sa napadpad akong Baguio. Grabe, nakita ko nga s'ya.. ang problema, mga ilang buwan na lang natitira sa school year kasi ga-graduate na s'ya Balikan ko man mga alala sa nakaraan, 'di pa rin titigil ang...