CHAPTER 4

150 19 1
                                    

“THE GIRL FROM ANOTHER STAR”

CHAPTER 4:

—DOMINIC POV—

“Wag mo 'kong dadalhin sa mga pulis. Pakiusap.” pagmamakaawa sakin ng babae habang nasa front seat at ako naman ay nagmamaneho.

“Manahimik ka d'yan.” seryosong pagkakasabi ko.

“Hindi naman ako budol budol. Maniwala ka sakin. Kaya wag mo 'kong dalhin sa mga pulis, nakikiusap ako sayo.” ani ng babae.

Agad naman ako napabuntong hininga.

“Hindi kita dadalhin sa Police Station. May sugat ka, kailangan yan magamot.” seryosong pagkakasabi ko.

“S-saan mo 'ko dadalhin?” nauutal niyang tanong.

“Basta. Kaya pwede ba, manahimik kana lang.” sarcastic kong pagkakasabi.

——

Sa bahay ko siya dinala. Hindi pwedeng sa Hospital. Artista ako at anak ng multi-millionaire na CEO ng Entertainment Company, may iniingatan akong reputation. Kaya hindi pwedeng dalhin ko siya sa hospital dahil baka ma-issue pa ako.

—SCARLET POV—

Nang mai-garahe na ni Dominic ang kotse sa gilid ng isang malaking bahay ay kaagad narin siyang bumaba ng kotse. Samantalang ako ay naiwan sa loob ng sasakyan habang tinatanggal ang seatbelt.

Maya maya pa ay biglang bumukas ang pintuan ng kotse sa tabi ko at kaagad akong binuhat ni Dominic na kinagulat ko.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay niya ay bigla nalang niya ako binagsak sa sofa.

“Maupo ka lang d'yan. May kukunin lang ako.” seryosong pagkakasabi niya at kaagad din umalis.

“Scarlet.” rinig kong boses ni Gie kaya agad ako napalingon at nakita ko siya sa kabilang dulo ng sofa.

“Gie?! Teka, anong ginagawa mo dito?” pagkagulat ko.

“Ano pa ba? Edi sinusundan ka. Baka anong gawin sayo ng Dominic na yun.” saad ni Gie.

“Mukha naman siyang mabait tulad ni Kathy.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Ah basta. Isa parin siyang tao at hindi lahat ng tao ay mabait at maiintindihan ang gaya natin. Tulad ng Kathy na sinasabi mo. Isa pa, wag mo sanang kakalimutan na ang lalakeng yun ang makakatulong sayo para makauwe kana. Dahil maaaring hawak niya ang susi ng Thysia.” paliwanag ni Gie.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang tila yabag ni Dominic na paparating na.

“Gie! Nand'yan na si Dominic. Hindi ka niya dapat na makita. Kaya umalis kana.” nagmamadaling pagkakasabi ko.

At agad nga na naglaho si Gie.

—DOMINIC POV—

“Sinong kausap mo?” seryosong tanong ko sa babaeng estranghero ng mauliligan ko na tila ay may kausap siya.

“Ah wala. Wala akong kausap.” agad naman na sagot niya.

Hindi na ako nagtanong pa at nakita ko naman na walang ibang tao sa sala. Ipinatanong ko nalang sa mini table ang hawak kong alcohol, bulak at bandaid para ma-gamot ko na ang sugat ng babaeng 'to at makakaalis na siya.

Ngunit ng gagamutin ko na ang sugat niya sa tuhod ay nakapagtatakang wala na ito.

“Nasaan na?” pagtataka ko.

“Ang alin?” balik na tanong niya.

“Yung sugat mo.” sagot ko.

Agad naman siya tumingin sa tuhod niya.

“Sino ba kasing may sabi na may sugat ako?” nakangising tanong niya na agad ko naman ikinais.

Kaya agad ko siya hinawakan sa braso at hinila palabas ng bahay ko.

—SCARLET POV—

“Saan mo ba 'ko dadalhin?” tanong ko habang mahigpit niyang hawak ang braso ko.

“Sa Police Station.” seryosong pagkakasabi ni Dominic.

“Huh? Pero teka. Sabi mo hindi mo na 'ko dadalhin doon diba?” saad ko.

At agad naman niya ako tinignan ng seryoso.

Hanggang sa mag-ring ang cellphone niya.

“Dito ka lang. Hindi ka aalis. Naiintindihan mo ba 'ko?” seryosong pagkakasabi niya na para bang nananakot siya at agad naman ako tumango.

Kaagad naman niyang sinagot ang tawag sakanya. At dahil behave naman ako ay hindi nga ako umalis sa pwesto ko.

Pero bigla na naman lumiwanag ang compas sa bulsa at parang may itinuturo ito. Agad ko nilingon si Dominic na abala sa kausap niya sa phone. Kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na sundan ang itinuturo ng compas ko. Patungo 'to sa isang bintana.

At ng sumilip na ako sa bintana. Nakita ko ang bagay na matagal ko ng hinahanap. Ang susi upang makabalik na ako sa bintuin na aking pinanggalingan.

—DOMINIC POV—

“Sorry talaga Arianna. Don't worry, babawe nalang ako sayo bukas. Ok? Bye.” saad ko at agad ng pinutol ang pag uusap namin ni Arianna.

Paglingon ko kung saan ko iniwan ang babaeng miyembro yata ng budol-budol ay wala na siya doon.

Tatawag na ako ng security ng makita ko siyang nakasilip sa bintana ng silid kong saan nandoon ang mga achievements ko.

Kaya agad ko siyang nilapitan.

“Anong tinitingin tingin mo d'yan? May balak ka ba nakawin yan?” agad na tanong ko.

Agad naman siyang napatingin sakin.

“Nasayo nga ang hinahanap ko.” nakangiting pagkakasabi niya at bigla nalang niya ako niyakap na ikinagulat ko.

At mabilis naman akong kumalas mula sa pagkakayakap niya.

“Sino ka ba talaga? Miyembro ka ba ng malaking syndicate? O baka naman miyembro ka ng anti-fanclubs ko?” sarcastic na tanong ko.

“H-hindi.” nauutal naman niyang sagot sakin.

“Ang mga tulad mo ay hindi dapat pinagkakatiwalaan. Kaya umalis kana, bago pa ako tumawag ng pulis. At sana, ito na ang huling beses na manggugulo ka sakin.” seryosong pagkakasabi ko.

“Pero kasi may----”

“I said get out!” sigaw ko.

At nagmamadali naman siyang umalis.

To be continue..




The Girl From Another StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon