“THE GIRL FROM ANOTHER STAR”
CHAPTER 8:
—KATHY POV—
“Ay susmaryosep! Ginulat mo naman ako Scarlet. Bigal bigla kana lang sumusulpot.” gulat na sambit ko ng biglang lumitaw sa harapan ko si Scarlet ng kasaukuyan ako ng didilig ng halaman sa bakuran.
“Anong balita? Nakuha mo ba yung compas mo?” seryosong sabat ni Gie.
Agad naman tumango si Scarlet saka ipinakita ang compas.
“Yun naman pala eh. Bakit ganyan yung mukha mo? Ayos kalang?” may pag aalalang tanong ko ng mapansin na tila malungkot ang mukha ni Scarlet.
Hindi umimik si Scarlet at naglakad patungo sa upunan na nasa ilalim ng puno ng acasia. Kaagad naman kami nag tinginan ni Gie, saka kami sabay na lumapit kay Scarlet.
“Anong nangyayari sayo? May problema ba?” muling tanong ko.
Agad naman hinawakan ni Scarlet ang dibdib niya tapat sa puso. Saka tumingin sakin.
“Ganito ba yung pakiramdam ng kinikilig?” seryosong tanong ni Scarlet agad naman kumunot ang noo ko.
“Dati ng mabilis ang tibok ng puso ko. Mas mabilis ito kumpara sa normal na tibok ng puso ng mga tao. Pero kanina, mas bumilis pa ito. Yun ba yung ibig sabihin ng kinikilig?” salaysay ni Scarlet.
“At kanino ka naman kikiligin? Ay teka, wag mo sabihin. Kinikilig ka kay Dominic?!” gulat na pagkasabi ko.
Agad naman tumango si Scarlet.
“Jusmeyo! Pati pala Alien marunong ma inlove?!” saad ko.
Napailing naman si Gie.
——
—DOMINIC POV—
“Ito na yung pinapa-search mo sakin. Para saan ba yan? May bago ka bang movie or teleseryeng gagawin?” saad ng kaibigan ko na si Clyde sabay abot ng brown envelope at kaagad ko nga 'to binuksan saka ito masusing binasa.
Hanggang sa makita ko ang isang picture. At agad ko yun pinagtugma sa kwentas na nakuha ko sa Baler, Quezon.
“Teka saan ka pupunta?” sambit ni Clyde ng nagmamadali akong lumabas ng silid.
“May pupuntahan lang ako.” seryosong pagkakasabi ko at kaagad ng lumabas ng bahay.
——
—ARIANNA POV—
“Ms. Arianna.” sigaw ni Dexter habang patakbong papalapit sakin.
“Oh? Anong meron?” sarcastic kong tanong ng makalapit na siya.
“Ms. Arianna pwede painum muna? Hinihingal ako.” saad niya at agad ko binigay sakanya ang Milktea ko.
“Sino ba naman kasing hindi hihingalin sa ginagawa mo?” sarcastic na pagkakasabi ko.
“May kailangan ka kasing malaman.” saad ni Dexter.
“Ano?” seryosong tanong ko.
“Natatandaan mo ba yung nangyari last day sa event na pinuntahan ni fafa Dominic? Sabi sakin ni Vince, yung manager ni Dominic. Eh, hinatid pa pala nila yung girl na dahilan kung bakit dinumog ng reporter at fans si Dominic.” pagki-kwento ni Dexter.
“Anong sabi mo?! Saan nakatira yung babaeng yun? Balak niya pa yata agawin sakin si Dominic ko.” inis na pagkakasabi ko.
Agad naman binigay sakin ni Dexter ang address ng babae na nakuha niya kay Vince. At hindi ako nagdalawang isip na puntahan ang babaeng yun.
——
—SCARLET POV—
“Ikaw ba si Scarlet?” mataray na tanong sakin ng babae na nasa harapan ko. Nakasuot siya ng sunglasses, mask at sombrero kaya hindi ko makita ang mukha niya.
“Anong kailangan mo sakin?” mahinanon na tanong ko.
“So ikaw nga yung desperadang babae na balak agawin sakin si Dominic? At sa tingin mo naman papatol si Dominic sa mga cheap girl na tulad mo?” sarcastic na pagkakasabi niya.
“Hindi ko inaagaw sayo si Dominic. Wala akong inaagaw.” mahinanon na paliwanag ko.
Akmang sasampalin na ako ng babae ng biglang may humawak sa braso niya. Kaya agad ako napalingon sa kaliwa ko, kung saan nakita ko si Dominic.
“Sinong may sabi sayo na may karapatan kang pagbuhatan ng kamay si Scarlet.” seryosong pagkakasabi ni Dominic.
“D-dominic?” nauutal na bigkas ng babae.
Ako naman ay halos hindi makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakapako ang tingin ko kay Dominic.
Sa dalawang taon ko dito sa Earth, ngayon ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng tinatawag nilang 'Kilig'.
To be continue..
BINABASA MO ANG
The Girl From Another Star
General FictionHalos mag da-dalawang taon ng namamalagi si Scarlet dito sa Earth, nagbabakasaling mahahanap niya ang taong makakatulong sakanya na makabalik sa bituin kanyang pinanggalingan. Ang taong itinuturo ng dala niyang compas ay walang iba kundi ang super...