...Very open kami sa relasyon namin ni Sam. Syempre ang mga kaibigan ko ay nagtaasan ng kilay maliban na lang kay Stacy. Inis na inis pa nga sila dahil inimbita ko si Sam na sumama sa trip namin sa Palawan. At dahil kasama si Sam, pinakiusap niya sa akin kung pwede bang isama ang barkada niya. Nako! Halos magwala si Alex pero wala naman na siyang magagawa sa pagpapayag ko. Isa pang request ni Sam ay magsama raw kami sa iisang room. Naku! Ano siya sinuswerte? Kami na nga pero never akong papayag noh. I booked two family rooms, one room for the girls and another room for the boys.
Magkatabi kami ni Sam sa plane. He is definitely the sweetest. He held my hand the whole time we are in the plane. The only time he let go of my hand was when I needed to pee. I was resting my head on his shoulder habang kinukwento niya mga kalokohan niya. Paulit-ulit niyang kinukuwento kung paano siya simulang nahulog sa akin. Nakakakilig diba? Pero kahit ba kinikilig ako, nalulungkot ako dahil ang mga kaibigan ko ay di pa rin boto kay Sam para sa akin. I know Sam and I started in the wrong foot pero we work everything out. I know Sam is completely being honest with me. Casanova siya pero hindi siya sinungaling.
Alex's POV
I hate Celest. One is enough. Six is too much. Tapos sumakto pa talagang tumabi itong Nicco na ito sa akin. Ayaw akong katabi nina Stacy, Talya, Paul at Iris dahil magrereklamo lang na naman ako. Which is true. I just can't hide hating guys. How they manipulate girls. How they make them weep. That is why I never like them touching me. But here I am, katabi ang sugarol, alcoholic, ill-tempered, bully, playboy at flirt na lalaki. Nakapagtataka kung paano sila naging twins ni Talya. They are nothing alike. Isang misteryo na hindi pa natutuklasan ng siyensiya at agham. Patuloy na lang ako nagbasa habang itong katabi ko ay umiinom ng tequila habang hawak ang phone niya. Mukhang nag-oonline casino. Tsk!Buti na lang di niya ako pinapansin.
*kalabit* May kumakalabit sa akin. "Get your filthy hands off me." babala ko. "Ito naman o, parang wala tayong pinagsamahan." pang-aasar niya. "Wala tayong pinagsamahan." matigas kong sabi. Nako! Ayokong magpaapekto dahil masaasarin lang ako nito. "Ano ba kailangan mo ng tigilan mo lang ako?" tanong ko. "Help me. Gamitan mo ng talino mo itong poker game ko." sabi ni Nicco habang pinapakita ang kanyang phone. "No. I won't help you." sagot ko. Ayoko ng sugal noh. "O sige choice mo yan." makahulugang sabi ni Nicco. I was so wrong. Inumpisahan na niya akong inisin. Inakbayan ako ni panget!
Nicco's POV
Ang sarap talagang asarin nitong si Alex. Ayaw mo akong tulungan ah. Humanda ka. Anyway, sa gitna ng pang-aasar ko nahuli ng aking mga mata si Sam na nakatitig lang kay Celest. Talaga bang laro lang ito kay Sam? Para kasing hindi. He is extra gentle with Celest. He said second phase lang ito ng bet with Jet and Paul kaya naman hindi niya pa kinukuha ang premyo niya....Touch down! Excited ako for this trip. Alam ko na ang S6 at ang M6 never gel together but I think this is the start. Sam and I can remove the awkwardness between the groups. Hanggang ngayon hindi pa rin ako tinitigilan ni Sam. Magkasama dapat daw kami sa isang room. Pero I firmly believe na hindi dapat. Buti naman pumayag na siya.
We enjoyed the activities. Pero mukhang masmag-eenjoy ang M6 sa gabi. May hinanda daw kasi silang activity na panigurado hindi pa raw namin nagagawa maliban na lang si Stacy. Of course, si Stacy pa lahat ata na-try na niya. Mgakikita kami sa shore para sa isang bonfire. Along the way, nakita kong nag-uusap sila ni Seth. Mukhang napakaseryoso ng usapan nila. Di pa nga nag-uumpisa ang bonfire mukhang nakakarami na si Seth.
Stacy's POV
"Hey stranger!" bati ko kay Seth sa may bar. Tinignan lang niya ako ng pagkalamig-lamig. "Want some company?"paglalandi ko. "Just leave." sagot niya. "Oh come on, Seth. Malungkot uminom mag-isa."malandi kong pagsabi sa kanya. "Kung may balak kang makipaglandian try mo si Nicco." malamig na sagot niya habang tinatagay ang iniinom niya. Masakit magsalita itong gwapong lalaking ito ah. Wala pang tumatanggi sa akin. "Are you jealous that Celest is dating Sam again? Alam mo masyado ka kasing slow."sabi ko habang sinenyasan ang bartender na bigyan ako ng margarita. "I don't need company. Leave." sabi niya na parang nag-uutos. "You don't own this place. Bilhin mo muna bago ako sumunod." pang-iinis kong sabi. Tinignan na lang niya ako ng masama at nagpatuloy sa pag-inom. Di na naman ako pinansin. Sige dadaldal na lang ako. "You know, mas payag na sana kami kung iakw makakatuluyan ni Celest eh. We all thought you care for her. But how could you leave her? Bakit nagawa mo siyang ipaubaya sa isang Casanova? Alam mo pag umiyak si Celest walang dapat ibang sisihin kungdi ikaw. Wala ka kasing balls eh. You don't have the balls to protect her. To take the risk to be with her. Sinaktan mo lang siya. Pinaasa sa wala. Ang isang Casanova, hindi na magbabago. It takes one to know one. Sa dami ba naman ng lalaking nagdaan na sa mga palad ko." sabi ko habang ininom ang ikatlong margarita ko. "Diba ikaw pa nga ang sobrang saya at may BF na si Celest, bakit parang ikaw naman ata ang pinakaworried. Kaya na ni Celest ang sarili niya. Besides ginusto niya yan." sagot ni Seth. "I may be happy for her but I can't help not to be worried especially knowing what kind of man Sam is. Me, I can tolerate pain but Celest she doesn't deserve to be hurt." sabi ko habang tumayo at pumunta na sa shore.Comments? Votes? Thanks for liking the story. Stacy on the side. Salamat ulit sa paglalagay sa reading list or sa library niyo....
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl for the Casanova
RomanceAno kaya ang mangyayari kung ang isang girl next door/ ms. perfect ay makaharap ang isang casanova/bad boy/pervert? Magkakaroon ba ng pagkakataon na magkagustuhan sila? Gugustuhin ba nila magbago para sa isa't isa? Paano kung malaman pa ni Ms. Perfe...