Kabanata 22

921 74 1
                                    

Agad na tinalunton ni Hessah ang silid ni Gabrielle. Papasikat pa lamang ang araw at ngayon lang siya nakabalik mula sa importanteng meeting nila Miad at Amjad.

Napag-alamanan nila na may isang notorious na bampira ang gumagala ngayon kaya inalerto na nila ang lahat na hunting-in ang pasaway na bampira iyun. Ang hindi lang nila matanggap ay pulos babae ang biktima at hindi lamang iyun. Ginagahasa pa nito bago ito patayin. Nakakabahala kaya naman minabuti nila na pag-igtingin ang pagha-hunting sa bampira na iyun na alam din nila iisa lamang ang gumawa sa sunod-sunod na pagpatay sa mga inosenteng babae.

Napabuga siya ng hangin pagkahinto niya sa tapat ng pintuan nito. Nakaawang ang pintuan ng silid nito. Ngunit may kakaiba. Biglang naalerto ang Vampire instinct niya mabilis na tinulak niya ang pintuan pabukas at agad na hinabol ang bulto na mabilis na lumundag mula sa balkonahe. Umihip ang hangin ng dunungaw siya sa ibaba pero wala na ang bulto na nakita niya.

Hindi siya maaaring magkamali. Isang bulto ng babae ang nakita niya.

Shit!

Mabilis na dinukot niya ang celpon sa suot niyang jacket.

Habang hinihintay na sagutin ang tawag nilock niya ang sliding door. Naiwan ang amoy ng kung sinuman ang pumasok na iyun.

Amoy ng isang bampira. Mariin niyang naikuyom ang isang palad at pumihit sa natutulog na binata. Wala itong kamalay-malay na may ibang nilalang ang nakapasok sa silid nito.

"Hello,boss?"

Naningkit ang mga mata niya ng maisip na kung hindi siya dumating baka napaano na ito!

"Boss?"

Saka lamang siya napukaw ng marinig ang boses ni Simon.

Agad na kinalma niya ang sarili. Paanong may nakarating na bampira sa lugar na ito?

Nagkataon lang ba na may gumagala na bampira at natunton ang bahay na ito?

"Simon,"mariin niyang saad.

"What happen,boss?"pagtatanong nito. Alam niyang nahimigan nito ang kaseryosohan sa boses niya.

"May pumasok sa silid ni Gabrielle..and she's a vampire,"mariin na saad niya.

Napamura sa kabilang linya si Simon.

"Paanong nangyari may nakarating dyan? Talamak na talaga ang mga kalahi natin!"

Naningkit ang mga mata niya. "Kailangan mabantayan ang lugar. Magpadala ka rito,"aniya.

"Sige,boss..after 2hrs nandyan na sila,"agad na pagsunod nito sa utos niya.

"Make sure na hindi mahahalata ni Gabrielle na may nagbabantay sa paligid. Ayokong maalerto siya. Masyado pa naman matanong ang isang ito,"aniya.

Natawa si Simon sa sinabi niya.

"Noted,boss!"

Nang matapos ang tawag agad na lumapit siya sa kama ng binata at tumabi rito.

Pinakatitigan niya ang payapa nitong pagtulog.

"No one can hurt you,baby.."saad niya habang nakatitig pa rin sa gwapo nitong mukha.

Natutulog pa rin si Gabrielle ng dumating ang magbabantay sa paligid. Nasa lima ang mga ito.

"Agad niyo ipaalam sakin kapag bumalik ang babaeng pumasok sa silid ni Gabrielle kanina,"habilin niya sa limang bampira na siyang nagtatrabaho sa pag-aari niyang RED SECURITY AGENCY.

"Yes,Boss!"sabay-sabay na pagtugon ng mga ito.

"Kayo na bahala sa pwesto niyo,"aniya.

Muli sabay-sabay ang mga ito tumugon sa kanya.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon