Chapter 35

100K 1.7K 57
                                    

Chapter 35

Belinda's (Inday) POV

"Cheers!" Natatawa na lang ako sa kalasingan ni Vanna. Kanina pa ito walang ginawa kundi ang makipag kampai sa mga kasama namin.

Nandito kami sa bahay nya at nagpa party dahil sa wakas ay graduate na kami.
Yes kami, dahil tinulungan ako nito na makapag aral muli..
Nalaman kasi nito na pArehas pala ang kurso namin na Accountancy at pareho din kaming hanggang sa first year college bago tumigil. Actually hanggang second year college ako, natapos ko ang isang sem nito kaya may mga credited akong units. Irregular student ako kaya magkasabay kaming nag graduate.

Naging maganda rin ang pakikitungo sa akin ni senyor Mauro Agustin ng ipakilala ako dito ng anak .. Ramdam ko na may malaking pader na nakaharang sa relasyon ng mag ama pero hindi iyon naapektuhan sa pakikitungo sa akin ng senyor.

Kahit sinabi ni Vanna na wala akong po problemahin financially ay nakiusap ako dito na bigyan ng kahit anong trabaho. Ginawa nya akong assistant ni senyor Mauro habang nag aaral ako.

Marami akong naging kaibigan dito sa San Martinez sa loob lamang ng tatlong taon at aaminin ko na pakiramdam ko ay may kung ano sa pagkatao ko ang nabuo simula ng tumira ako dito.

"Mama I'm sleepy."

"Aww! Maya ka na tulog baby Gab, dance ka muna kay ninang Vanvan." Kinuha ni Vanna ang anak ko at pinupog ng halik. Nagtakip ng ilong ang anak ko.

Nasanay na rin akong tawagin si Annette sa tunay nitong pangalan.

"Van, umayos ka nga pati bata hindi natutuwa sayo." Pabiro kong wika dito nang makita kong tinakpan ng anak Ko ang ilong dahil sa amoy ng alcohol. Ni hindi man lang natinag si Vanna at binuhat na si Gabriel at isinayaw.
Kahit naman antok na antok ang anak ko ay panay ang hagikgik nito sa ginagawa ng ninang nya.

"Stop ninang bambam." Humahalakhak na tawa ng anak ko.

Hindi pa masyadong matatas magsalita si Gab dahil higit dalawang taon pa lang naman ito kaya Imbes na ninang van ay ninang bambam ang tawag nito dito.

"Tama na yan ninang at iba na ang tawa nyan. Mamaya mauuwi na naman yan sa pagbuburansong." Kinuha ko na ito sa kanya.
May ugali kasi ang mga bata na pagkatapos tumawa ng tumawa ay naauwi sa pag iiyak. Ganito rin ang kapatid kong si Ella.

Ilang beses din akong binisita ng mag anak nila mayor dito. Syempre hindi ko puputulin ang koneksyon ko sa kaisa isang taong kadugo ko.

Mula nang ipanganak ko si Gabriel ay tatlong beses pa lang nakita ni ella ang pamangkin nya. Noong nanganak ako at noong first at second Birthday ni Gab. Sa bawat pagbisita nila ay nagbubukas ng topic si mayora Lily tungkol sa kanya pero pinipigil ko agad ito.

Isa lang ang malinaw na impormasyon kong narinig tungkol sa kanya.
Na sobrang umuunlad ang hacienda nito.
Siguro ay nagpapa yaman pa lalo para sa kinabukasan nila ni Angela.

"Ate belle, tutulog na si baby gabgab?" Tawag sa akin ni Abbie na kasabayan namin nag graduate ni Vanna. Kasama nito ang mga grupo ng kaedaran nya na naglalaro yata ng truth or dare.
Mga mukhang lasing na rin ang mga ito.

Ako ang pinaka matanda sa amin kaya lahat sila ay ate ang tawag sa akin.

Tumango ako dito bilang pagsagot
"Matulog na rin kayo maya maya Abbie." Bilin ko dito. Isa isa ang mga itong tumayo at hinalikan ang baby ko.

Napag usapan na dito na silang lahat magpapalipas ng gabi.
Ipinahanda ni Vanna ang ilang guest room pero sa isang kwarto daw matutulog ang mga ito.
Ganito ang masaya sa mga kabataan. Mga carefree na ni minsan ay hindi ko naranasan.

Si Caloy at Inday (SPG) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon