Prologue/TEASER
(HIS' POV)
"BES! Sige na, hindi ka ba naaawa sa career ko? Sesante ako kapag walang papalit sa'kin pansamantala." nagmamakaawang sabi ni Denisse.
"Gagang 'to! Babae lang mga singer sa Bistro na 'to at ipapaalala ko sa'yo, hindi ako babae. Okay?" pagpapaalala ko sa sa kanya.
"Eh, lagyan lang kita ng wig, mukha ka ng babae. Kaya sige na, Bes. Gusto mo bang tumira ako sa kalye kapag nachugi ako sa trabaho ko?" ngumuso siya at kunwaring naiiyak.
"Hindi ako kumakanta." pagdadahilan ko.
"'Wag kang ngang echosera! Naririnig kitang kumakanta sa banyo. Kaya alam kong magaling ka. Kaya, please naman, Bes. Ngayong gabi lang naman eh." tumayo ito at lumuhod sa harapan ko.
"Tumayo ka nga d'yan. Hindi magandang tignan, parang ang bastos." naiilang na sabi ko.
"Hindi ako tatayo hanggat hindi ka umo-oo." pagmamatigas niya. Mas lalo pa siyang lumapit at hiwakan ang pantalon ko.
"Umayos ka nga, Bes. Pagmay nakakita sa'tin, isipin pa nilang chinuchukchak mo ko." sabi ko at patuloy siyang itinatayo.
"Ano bang dapat kong gawin, bes para pumayag ka lang?" pagmamakaawa niya. Pero hindi pa rin ako sang-ayon sa gusto niya.
"Tumayo ka d'yan at lumaklak ka ng salabat, kalamansi, at strepsil. Tignan natin kung hindi mo pa achieve ang whistle ni Mariah Carrey." sarkastikong pahayag ko habang inaalis ang pagkakahawak niya sa pantalon ko.
Bigla itong tumayo na ikinatuwa ko dahil hindi na siya mangunglit pa. Ngumiti siya ng napakalaki na parang magandang ideya ang nasabi ko. Pumunta siya sa bag niya at may kinuha. Humarap ito sa 'kin at may ipinakita.
"Two bars of dark chocolate at madadagdagan yan kapag natapos ang gig." nakangising wika nito.
I'm busted.
(HIS' POV)
"I'M Alexa and I'll be your singer for tonight." nang marinig ko ang nagsalita sa mic, agad akong napaangat ng tingin at isang magandang babae. Mali! Isang Dyosa ang nasa harapan ko.
Nakasuot siya ng black skirt, sweater at boots na bagay bagay sa kanya at ang blonde niyang buhok na nakadagdag sa gandang taglay niya. Ngayo'y nakatuon ang kanyang pansin sa gitarang hawak hawak niya. Hindi ko maiwasang mamangha sa itsura niya kahit hindi ko pa man din nakikita ng matagalan ang kanyang mukha.
Ilang sandali pang pag-aayos niya sa gitara niya ay inangat na niyang muli ang kanyang ulo at nagsalita gamit ang mic.
"You'll be hearing Taylor Swift songs for tonight and I hope you will like it." sabi niya sabay ngiti. Ang mapuputi at pantay pantay na ngipin ay mas lalong nagpaganda sa kanya. Sinong hindi mabibighani sa gandang taglay niya?
Sinimulan na niyang mag-strum ng gitara. Nang magsimula na siyang kumanta, nagsimula na rin bumilis ang tibok ng puso ko. Parang isang anghel ang tumutugtog sa harapan ko. Dahil gitara ang gamit niya, acoustic ang bersyon na ginamit niya at mas lalong nagpaganda sa kanta ang malamig niyang boses.
Gamit ang cellphone ko, kinuhanan ko siya ng ilang litrato. Nakakabighani ang gandang meron siya pati na rin ang galing at ganda ng boses niya. Bihira ang babaeng ganito na maganda, maganda ang boses at magaling mag-gitara. Putcha! Parang gusto ko na siya.
Sa bawat natatapos niyang kanta ay malalakas na palakpakan ang binibigay sa kanya. Hindi ko na nga kinain ang pagkain sa mesa ko at nakatuon lang ang buong atensyon ko kay Alexa.
"This is my last song for tonight, Blank Space. Enjoy the night everyone." sabi niya at muli siyang tumugtog.
Nang matapos ang kanta niya ay agad rin siyang tumayo at nagpaalam. Tumayo na rin ako para makilala siya. Nang papasok na ako sa pinasukan niya ay may nagbabantay at ayaw akong papasukin dahil tanging empleyado lang pwedeng pumasok roon.
Bumalik ako sa kinauupuan ko at binayaran ang kinain ko. Nakaramdam ako na kailangan kong jumingle. Nang makapasok ako sa CR, nagulat ako nang makita kong nasa harap si Blondie girl sa harap ng malaking salamin. Nagulat rin siya nang makita ako.
"I'm sorry, mali ata yung CR na napasukan ko." paumanhin niya. Bigla itong yumuko at naglakad papuntang pintuan nang madulas ito. Agad ko siyang hinawakan ngunit masyado siyang mabigat kaya nasama ako sa pagbagsak.
Nagtama ang aming mga labi. Nanlaki ang mga mata niya sa nanyari. Ako, ninamnam ang sandaling iyon at hindi pa rin tumatayo. Masyado masarap ang labi niya para ihiwalay sa labi ko.
Ilang segundo lang din ay tinulak niya ako ng malakas. Nakakapagtaka ang lakas na meron siya gayong nakadagan ako sa kanya. Napalayo ako sa kanya nang maitulak niya ako at agad rin siyang tumayo. Agad itong tumakbo palabas. Tumayo na rin ako at sinubukan ko siyang habulin pero sa kasamaang palad, nakaalis na ng Bistro si Alexa.
Nanghinayang akong hindi ko man lang nakuha ang anumang impormasyon niya pero ipinapangako kong...
MOST WANTED ka at sinisiguro kong YOU'RE UNDER ARREST sa salang pagnanakaw ng PUSO ko.
Alright Reserved 2015
@iamdaDarkHorse