Chapter 22 ♡

1K 59 3
                                    

This chapter is dedicated to @ItsmeJungMin. Thanks sa support. Saranghae. Sana magustuhan mo.

***

So Nyeol's POV

Ilang araw na ang lumipas simula ng ma-brokenhearted ako. (Hahaha. Assuming much.) Parang di ko nainda yung mga araw na yun. Masyado akong space out. Pero syempre OA ako. Kaya hindi naman ako ganun ka space out. Pero ito ang totoo---- namomoblema pa rin ako.

Wahhh! For the first time hindi ko natupad ang promise ko. And to make this worst.. kay Jungkook pa ko pumalya. JUNGKOOK YUN. My ultimate crush. At pinapangarap kong maging ehem-- boyfriend. Pero ngayon? Wahhhh. Turn off. Malamang galit yun at di ko natupad ang promise ko.

*Bogssh*

"Aray! Ano ba." binatukan lang naman kasi ako ng bruhang si Ji Yoon.

"Tulala ka na naman kasi." sabi nya.

"So kailan talaga batok? Hindi ba pwede tawagin ako o kaya tapikin ako." napainom na lang ako ng milktea ko.

Nandito kasi kami sa isang milktea house. Haha. Nanlibre si Shine e. Natahimik na lang kami ni Ji Yoon. Maya maya pa ay nagring ang phone ni Shine. Nung una ay tinititigan lang nya yung phone tapos... tapos.. ngumiti?! Seryoso? Ngumiti sya? Okay, OA  na naman ako.

"Sino ba y--" kukunin sana ni Ji Yoon yung phone para siguro tingnan kung sino yung tumatawag ng bigla namang hablutin ni Shine yung phone mula sa table tapos sinagot. Kaloka! Sino kaya yun? Bat ayaw sabihin ng Sinag na to?

"Yeoboseyo?" sabi nya. Napatitig na lang kami sa kanya.

"Aah.. kumusta?... Talaga? I'm happy to hear that... Hahaha. Sige... Bye." literal ako-- I mean kami ni Ji Yoon na napanganga. Is this true? Kanina ngumiti tapos ngayon... ngayon.. TUMAWA SYA?

"Wanna die?" napa-ayos naman kami ng posisyon dahil sa banta ni Sinag.

"Sino yun? I mean.. sino yun?" sabi ko.

"Anong pinagkaiba ng una mong tanong sa pangalawa?" tingnan mo to si Shine. Back to normal na naman. If I know, tinatago nya lang yung ngiti nya. Palibhasa, hindi uso sa kanya ang word na 'smile'

"Sino ba kasi yun?" tanong ni Ji Yoon.

"Bakit ba?" sabi nya sabay inom ng milktea nya.

"Eiiiiiiiiiii. Ikaw ha. Lumalablayp ka na. Sino ang malas na taong yun?" pang-aasar ni Ji Yoon kay Shine. This time ako naman ang nambatok. Ohyeah! Revenge is revenge. Wahaha.

"Anong malas? Baliw ka?"

"Sshh. You're making a scene. Ang lalakas ng boses nyo. Tss." natigil naman yung pagbabatukan namin.

"Sino muna." pang-aasar namin.

"Fine. It's Jin. Happy?"

JIN?! As in Kim Seok Jin? Sya ang dahilan kung bakit napangiti at napatawa si Shine? OhLord. Sila ba? Bat di ko knowing.

"Hindi kami." hala! Kailan pa sya naging mind reader?

"Eiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii." now we're making a scene here. Napatili na lang kami basta ni Ji Yoon. Halos lahat ng tao nakatingin na samen. But who cares? Tumitig pa sila. Wala kaming pake.

"Lumalablayp ka na frenny." sabi ko.

"Sshh. Nakakahiya kayo. Sabi ng hindi kami, okay?" depense nya.

Loving Him (Jungkook / BTS Fanfiction) -REVISION- Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon