*

205 8 3
                                    

14? Ano nga bang meron sa araw na 'to? Ang alam ko Valentines Day ang araw na 'to at para sakin normal na araw lang ito pero yung iba? HAHA na lang. Bukod kasi sa Valentines day ang araw na 'to , ito din yung araw kung saan pwedeng pwedeng maglandian ang mga in a relationship. Pwede silang magharutan, maglandian, mag halikan sa harap ng ibang tao . Ba't hindi na lang sila kumuha ng room? Hindi ba? Tss. Para naman sa mga taong walang love life, ang araw na 'to ay isang normal na araw. Parang wala lang sa kanila. Sa Araw din na ito, lalabas ang mga bitter, sari-sariling bulungan na 'maghihiwalay din yang mga yan.' O kaya naman 'walang forever duh.'

Lahat tayo may sari-sariling Opinyon. Hindi naman din natin pwedeng sisihin ang mga in a relationship dahil sa pag ka sweet . Nagagawa nila 'yon dahil mahal nila ang isa't - isa. Lahat naman tayo dadaan jan. Kung wala pa man jan baka hindi pa ito yung right time. Para naman sa mga taong normal lang ang araw na ito, baka naman hindi pa dumadating yung taong para sa kanila. Pero malay natin ? Na yung taong para saatin eh nanjan lang sa tabi natin, hindi lang natin pansin dahil masyado tayong abala sa pagtanaw sa iba.

Ganun din sa mga bitter. Hindi din natin sila masisisi kung bat hate na nila ang mga bagay tungkol sa pag-ibig. Malay mo, nasaktan o naloko na sila sa larangan ng pag-ibig. Pero ano nga ba ang pag-ibig without a little pain? Baka naman isa lang itong pagsubok para mas lalo kang lumakas kaya ka nasaktan ngayon.
- Jam Ashley Carlos

14 (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon