Selina, masasabi mong diyosa. May mahabang makintab na buhok maamong mukha makinis na balat at may maamong mata. Curious syang malaman kung ano ang ginagawa ng mga tao sa syudad. Ng mamatay ang nag- alaga sa kanya ay yon ang unang pumasok sa isip niya ang suma- kay sa barko sa pier.
Lahat ng tao ay napapalingon sa kanya at ang iba ay nagpapakila- la pa. Tatlong araw ng dumating ang barko at tuwang tuwa syang bumaba dala ang bayong na bag laman ang kanyang limang pirasong damit. Naabutan na siya ng dilim sa paglalakad ngunit di niya niya ito pansin.
Nagulat na lamang siya ng may humila sa braso niya. Isang lasing pilit siyang niyayakap. Itutulak na sana niya ito ng may sumigaw.
"hoy ano yan! bitiwan mo sya!"
sigaw ng isang bakla at pinagpapalo ito ng dala niyang bag.
"hoy bakla!wag kang maki- alam dito hik sagot nito. sabay tulak sa bakla.
Sa inis ni Selina ng makita ang taong tumutulong sa kanya ng tumalsik ay ubod lakas niyang itinulak ang lasing at tinulungan ang baklang nakahiga sa kalsada.
Ng makatayo ang bakla hinila siya nito at tumakbo sila palayo sa lasing. Ng huminto sila ay tumawa silang dalawa.
"Saan k ba pupunta? " tanong nito sa kanya.
" Di ko alam."sagot ni Selina.
,"Saan ka ba nakatira? tanong nito ulit.
"Wala akong titirhan, galing akong samar."sagot ni Selina.
E di doon ka na lang sa mansion ko tutal magisa lang naman ako doon. Ako nga pala si Berna ang magiging kambal mo kasi magkasingganda tayong dalawa."
" At ako naman si Selina ang kakambal mo. " sagot naman ni Selina at sabay silang nagtawanan habang naglalakad.