About the book
Ang libro na ito ang magpapaliwanag sa kung anu ang totoong
nangyayari sa utak ng isang teenager, at kung bakit nga ba matigas
ang kanyang ulo, Ito ay para sa teenager at para sa magulang
na may anak na teenager. Sana makatulong sa inyo.
Ang librong ito ay hindi opinyon, katotohanan lamang
bawal po ito sa matitigas ang ulo.
Panimulang kwentong halimbawa
Si Jeni ay hindi sigurado kung maganda ba sya o hindi, may nagkakagusto sa kanya
ngunit hindi naman nya gusto ang may crush sa kanya, may crush sya pero hindi nya
sigurado kung magugustuhan ba sya ng crush nyang si Nardo, Si Nardo ay sikat sa
kanilang eskwelahan dahil sa kanyang gwapong mukha at talento sa pagsayaw, sa
tuwing may mga gala pagkatapos ng eskwela, ninanais ng Jeni na sundan kung nasan
nakatambay ang crush nyang si Nardo, sa pagnanais na magustuhan din sya
nito,napapadalas ang paguwi ng late ni Jeni at napapabayaan na nito ang kanyang
pagaaral, napuna ito ng kanyang nanay at pinagalitan si Jeni, si Jeni ay nagmamatigas at
ayaw sumunod sa kanyang mga magulang, hindi dahil wala syang galang, kundi meron
syang hindi maipaliwanag na goal.
Si Biboy ay masayahing bata nahilig sya sa pagtugtog ng gitara, palagi syang
nangangarap na magkaroon ng banda at tumugtog sa maraming tao, nakilala nya si
Mando at Jovert na mahilig din sa musika araw araw silang nageensayo,napapadalas ang
paguwi nya ng late sa bahay,nagalit ang kanyang tatay at binasag ang kanyang
gitara,labis na dinamdam ni Biboy ang pangyayari, lumayas sya sa bahay nila, at nakitira
sa mga kaibigan nyang mahilig sa musika.
Si Kaloy ay lumaki na palaging dinidiktahan ng magulang, pananamit,salita, ayos ng
buhok at pati kung sino ang kanyang pwedeng maging mga kaibigan, pagtungtong nya
ng college lagi syang tinutukso ng mga kaklase dahil hindi sya sumasama sa mga lakad
pagkatapos ng eskwela, labis itong dinamdam ni Kaloy at dumating sa punto na lumabag
sya sa batas ng kanyang mga magulang,sumama sya sa kanyang mga kaibigan, sobrang
saya ni Kaloy naranasan nya na masarap pala ang buhay na malaya sa kanyang mga
magulang, tumikim din sya ng alak,sigarilyo at chongke. Di nagtagal nadiskubre ito ng
kanyang mga magulang,tinakot si Kaloy na sya ay dadalhin sya sa ibang bansa para
makaiwas sa mga masasamang impluwensya, ngunit si Kaloy ay lumayas sa kanilang
bahay bago pa man sya dalhin sa ibang bansa, at naging lulong sa pinagbabawal na
gamot.
Si Elsa lumaki sa Ama na sinasaktan ang kanyang Ina, nanuot sa kanyang puso ang galit
sa Ama at ang pagnanais na balang araw ay maipaghiganti ang kanyang Ina, ang
pakiramdam ni Elsa ay wala syang lakas o magawang tulong
BINABASA MO ANG
Teenager versus Parents
General FictionAng totoong dahilan kung bakit matigas ang ulo ng Teenagers..Enjoy