“THE GIRL FROM ANOTHER STAR”
CHAPTER 14:
—KATHY POV—
“Oh nakauwe kana pala. Musta date niyo ni Dominic?” agad na tanong ko kay Scarlet na kapapasok lang sa pintuan.
Napansin ko naman na para siyang tulala habang hinahawakan ang labi niya. Agad naman kami nagtinginan ni Gie.
“Anong nangyari sayo?” seryosong tanong ni Gie.
“Uy Scarlet. Ok ka lang? Namumula pisngi mo. Nagba-blush ka gurl. Kinikilig ka ba?” pang uusisa ko kay Scarlet. Nakangiti naman si Scarlet na tumango sakin.
“Loka ka. Anong nangyari sa date niyo? Kwentuhan mo naman kami ni Gie.” nakangising pagkakasabi ko.
“Alam na ni Dominic yung totoo.” saad ni Scarlet.
“Alam na niyang Alien ka?! Pero paano? Paano niya nalaman?” pagkabigla ko.
“Siguro napapansin narin niya na may kakaiba sakin. Lalo ng niligtas ko yung batang babae kanina.” pagki-kwento ni Scarlet.
“Oh, anong sabi niya? Natakot ba siya sayo?” magkasunod na tanong ko.
“Hindi. Akala ko nga rin matatakot siya sakin o lalayuan niya ako. Pero hindi, niya yun ginawa. Tapos kanina....kanina, hinalikan niya ako.” nakangiting pagkakasabi ni Scarlet.
“Wait, what?! He kissed you?!” pagkabigla ko na may halong kilig.
“Oo.” nakangiting pagkakasabi ni Scarlet.
——
“Alam na pala niyang Alien ka. Sinabi mo narin ba ang totoong pakay mo kaya kayo pinagtagpo?” seryosong tanong sakin ni Gie.
“Hindi pa. Wala narin naman kasi akong balak na umalis. Kaya bakit ko pa kailangan sabihin?” nakangiting pagkakasabi ko.
“Sigurado kana ba talaga sa desisyon mong yan?” paninigurado ni Gie.
“Oo naman. Wala na akong dahilan para bumalik pa sa bituin kung saan ako nakatira. Nahanap ko na yung makakapag pasaya sakin. Yung tanggap ako kung sino talaga ako. Si Kathy na ang naging pamilya ko dito sa Earth, habang si Dominic. Siya yung nilalang na gusto kong makasama habang buhay. Kaya bakit ko pa gugustuhin na umalis.” paliwanag ko.
“Pero ang planetang 'to ay hindi nababagay para sa tulad natin. Habang tumatagal ang panahon. Hindi narin kakayanin ng katawan mo ang temperatura sa planetang 'to.” paliwanag naman ni Gie.
—ARIANNA POV—
“Parang gusto ko na sumuko Tita, talagang mahal ni Dominic yung Scarlet na yun. Hindi ko nga alam kung anong nakita niya sa babaeng yun eh. At mas pinili niya kaysa sakin.” matamlay na pagkakasabi ko.
Agad naman hinawakan ni Tita Lucia ang kamay ko saka siya ngumiti sakin.
“Kung talagang mahal mo ang anak ko. Ipaglalaban mo siya. Hindi mo hahayaan na maagaw siya ng iba sayo.” saad ni Tita Lucia.
“What should I do Tita?” tanong ko.
“Gumawa ka ng paraan para maghiwalay sila Dominic at ang Scarlet na yun.” seryosong pagkakasabi ni Tita Lucia at hindi na ako muli pang kumibo.
——
Kinabukasan....
“Diba ito yung girlfriend ni Dominic? Grabe 'no para siyang real-life superhero.”
“Oo nga 'no? Hindi lang siya maganda. Ang bait niya pa. Kaya siguro siya nagustuhan ni Dominic.”
Rinig kong chismisan ng isang staff ng isang TV show habang pinapanood sa cellphone nila ang video ng ginawang paglilitas ni Scarlet doon sa batang babae kahapon. Agad ko naman sila tinignan ng masama kaya sila agad na tumahimik at bumalik sa kanya kanyang trabaho.
Maya maya pa ay bigla nag ring ang cellphone. Mula sa unknown number ang tumatawag.
Nagpunta muna ako sa rest room bago ko sinagot ang tawag.
“Ma'am Arianna. Nasa harapan ko na ang target.” saad ni Jovan.
Agad naman gumuhit ang ngiti sa labi ko.
“Do it. Pero siguraduhin mo lang na malinis ang trabaho mo. Tapusin mo na ang babaeng yan.” seryosong pagkakasabi ko.
——
—SCARLET POV—
Patawid na kami ni Dominic sa kabilang kalsada ng mapansin ko ang matulin na takbo ng isang paparating na kotse. Patungo ito sa direksyon namin.
Kaya pasimple kong ginamit ang kapangyarihan ko at agad ko pinatigil ang oras.
“Anong nangyari? Bakit hindi gumagalaw yung mga tao pati mga sasakyan?” pagtataka ni Dominic saka siya tumingin sakin.
“Huh?” saad ko na para bang walang alam sa nangyari.
“Ikaw ba ang may gawa nito?” tanong sakin ni Dominic.
Agad naman ako ngumisi sakanya.
Nakangiting napailing nalang sakin si Dominic saka niya hinawakan ang kamay ko at agad kaming tumawid sa kabilang kalsada saka ko pa lamang ibinalik ang takbo ng oras.
—JOVAN POV—
Napa-preno nalang ako bigla ng mapansin na nawala na sa paningin ko si Scarlet.
Agad ko nga yun sinabi kay Ma'am Arianna at gigil na gigil siya sakin ng malamang failed ang plano niya.
Paalis narin ako ng mapansin ubos na agad ang gas ko samantalang kaka-full tank ko palang kanina. Pagbaba ko ng kotse ay napansin ko rin na flat ang apat na gulong ng kotse ko.
Sa 'di kalayuan ay nakita ko si Scarlet na nakangisi sakin at bigla nalang siyang nawala.
To be continue..
BINABASA MO ANG
The Girl From Another Star
Художественная прозаHalos mag da-dalawang taon ng namamalagi si Scarlet dito sa Earth, nagbabakasaling mahahanap niya ang taong makakatulong sakanya na makabalik sa bituin kanyang pinanggalingan. Ang taong itinuturo ng dala niyang compas ay walang iba kundi ang super...