The whole trip papuntang Las Vegas is so boring. Paano naman kasi, natulog lang si Wess the whole trip, so wala akong kausap. At dahil naboboring ako, inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtitig kay Wess.
Ano ba kasing meron sa lalaking ito at mahal na mahal ko sya. Oo gwapo siya at matangkad, at magandang ngumiti, at hot, at maalalahanin at protective at. Oy teka lang ha, ay ewan. Hay nako, matutulog na nga lang din ako.
Nakarating na kami sa Vegas nang magising ako. Ginising pala, hindi ako nagkusa.
"Ianne, napasarap ata ang tulog mo ah."
Ha? Oo nga pala kasama ko si Wess. Agad agad akong tumalikod at nagpunas ng bibig. Malay mo, bigla na lang may laway pala ako sa gilid ng labi. Nakakahiya baka maTO si Wess. After nun inalis ko naman yung muta ko.
"Ianne, ayusin mo yang buhok mo. Malapit na tayong bumaba. 5 minutes na lang."
After 5 minutes ayun huminto na nga yung plane. Naunang bumaba si Wess. Anong nangyari dun? Silent treatment ang peg.
"Wess! Wess! Uy Wess"
Bakit ang bilis naman niyang maglakad. Pababa na ako nang mapatid ako. Nagmamadali kasi ako, hindi ko tuloy nakita yung kurdon. Hindi naman masakit, pero masakit kasi yung puso ko, kaya umiyak ako.
Ok lang wala namang makakakita private kasi yung plane. Iyak lang ako nang iyak, nang maramdaman kong nakaupo sa tabi ko si Wess, tinitingnan ako.
"Bakit ka nakatingin? Ah bakit ba kita tinatanong eh hindi mo nga ako pinapansin diba?"
"Anong masakit Ianne. Nasugat ka ba? Masakit yung balakang mo?"
"Oo masakit. Masakit lahat. Masakit na masakit."
Napahawak ako sa batok ni Wess. Naramdaman ko kasing binuhat niya ako.
"Ibaba mo nga ako. Nakakahiya."
"Nakakahiya? Kanino? Sa mga crew? Pero nung humahagulgol ka ng iyak ni hindi ka man lang nahiya."
"Eh masakit nga."
"Bakit ka ba nagagalit? Sino ba kasing hindi tumitingin sa dinaraanan?"
"Kasalanan mo, kaya ako napatid. Hinahabol kasi kita. Hindi mo naman ako pinapansin"
"Ianne naman, bakit mo ba kasi ako hinahabol? Hindi naman kita iiwan dito"
"Ah basta kasalanan mo pa rin."
"Para kang bata."
At pareho kaming natawa. Buhat niya ako hanggang makasakay kami sa kotse niya. Si Wess ang magdra-drive. Ok lang naman, kasi sanay naman siya dito sa Vegas.
"Dadaanan muna natin yung lupang pagpapatayuan ng hotel. Tapos dederetso na tayong umuwi."
"Ok. May food sa bahay?"
"Mag drive-thru na lang tayo."
"Ok. Gusto ko burger."
"Fine,"
Pumunta na kami sa lugar kung saan ipapatayo ang hotel. Damn ang laki. Nakakalula ang laki. Kaya naman pala hindi na nagbigay ng malaking halaga yung papa ni Rhed eh. Ang laki laki laki naman pala nitong lupa. Ang laki na agad ng natipid ni Tito. Kasi kung susumahin, malamang mga 40 million dollars o higit pa yung lupa.
"Ang laki no? Hindi ko akalain na ganito kalaki yung lupa ni Congressman. Kaya naman pala excited si papa na magpatayo ng hotel. Ang ganda pa ng location."
BINABASA MO ANG
Next to you
General Fiction"Damn you Ianne. You b*itch. You f*cking, gold-digging whore!" Nagulat ako nang bigla na lang bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang sigaw ni Wess "Tama sila, I should've never trusted you. Hindi dapat kita kinaibigan. Ikaw pa Ianne, ikaw pa na...