Special Chapter 02

6.9K 108 11
                                    

"May I talk to you, hijo?" ani Lorenzo nang ilang sandali pagkatapos ng kanilang dinner.

Nagkatinginan si Maia at James. Tumango ang huli at sumama na muna sa kaniyang ama.

Nakasunod ang tingin ni Maia sa dalawa ng kuhanin ng Mommy niya ang kaniyang atensiyon.

"Don't worry, hija. Mag-uusap lang ang Dad mo at si James." lapit sa kaniya ng ina.

Maia nodded at her Mom. "Opo. Nakausap ko na rin kanina si Daddy. Sinabi na niya sa aking kakausapin niya ngayon si James." she told her.

Tumango ang ginang at bahagyang ngumiti sa kaniya. "Come here." hinawakan siya nito at giniya muna para sila naman ang makapag-usap.

Her Mom sighed at first. Tumingin ito sa kaniya. "Ano ang plano mo ngayon?" her mother gently asked.

"Mag-uusap pa po kami ni James-"

"No," inilingan siya nito. "No, hija. Ikaw, ano ang plano mo?"

Nakuha niya ang sinasabi ng ina. Tumango siya.

"I will talk to James." she started, looking at her waiting mother. "We will talk about our future together with our child. We can stay here in Canada or we can go back to the Philippines. Naroon pa rin ang trabaho namin sa hospital natin, although we can both also work here." umiling siya sa ina. "I can't really fully answer your question right now, Mom. Dahil hindi nalang pi ako ang magdedesisyon dito. Lalo ang para sa anak namin." she told her mother.

Napangiti naman si Liza sa anak. "I understand, Shemaia."

"Hindi po ba anh sabi n'yo pa nga noon sa akin, noong tanungin ko kayo kung bakit kailangang dalawa kayo lagi dapat ni Daddy ang nag-d-decide sa kahit na anong bagay? You said because you're husband and wife, and that dalawa kayong mga magulang namin ni Kuya Tristan. Kaya naman para maiwasan na rin ang hindi pagkakaintindihan dapat ay pareho kayong nagkakasundo sa mga pagpapasya."

Liza smiled more at her daughter. "Yes, hija. Kapag naging mag-asawa na kayo ni James, mas mainam na maging isa ang desisyon ninyo sa lahat ng bagay. You are not alone anymore. Partners na kayong dalawa sa kahit na ano." anito.

Napangiti na rin si Maia. She nodded her head, too. "Does that mean, pumapayag na kayo na magpapakasal kami ni James?" she hopefully asked.

Napailing ang kaniyang ina. "Oo naman, hija! Magkakaanak na kayo and it is only right... And you love him, right?" ngumiti ang kaniyang ina.

Maia nodded with a smile on her lips. "Yes, Mommy... I love James so much." amin niya.

Napangiti nalang ang kaniyang ina. "I'm your mother but I did not noticed that," umiling ito na parang nabigo sa sarili.

Maia promptly shook her head. "Huwag n'yo po isipin iyon, Mommy... Tinago ko rin naman po sa inyo..."

Umiling-iling ang ginang. Pagkatapos ay marahan siya nitong hinila and hugged her lovingly.

Maia was comforted by her mother's embrace.

Nang mukhang natapos na ang pag-uusap ni James at ng Daddy niya ay sinalubong niya ang kasintahan. "Tapos na?" she asked him.

Tumango si James at ngumiti.

Ngumiti rin si Maia at bumaling sa ama na nginitian lang din siya ng bahagya.

"It's late, hijo. Huwag ka nalang muna sigurong umuwi sa hotel mo, at puwede ka rin namang dito nalang matulog." bumaling ang Mom niya sa Dad niya.

Tumango rin naman si Lorenzo.

"Thank you, Tita." James thanked her mother.

Tumango lang ito. "Shemaia, magpahinga na siguro kayo sa kuwarto mo. Hindi maganda sa 'yo ang puyat." her Mom said.

Hearts Series 1: Crippled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon