"Mula ngayon, hindi pa natatapos ang hapon ay uuwi ka na rito. Kapag naabutan ka pa ng gabi ay susunduin kita at hindi na kita papayagan pang tumugtog sa sentro!"
Bakas sa tinig ng kaniyang Ina ang galit. Kagabi pala ay hinanap siya nito sa Collis Vermillia, bumaba ito sa bukid ng gabi para lang hanapin siya. Kaya naman sangkaterbang sermon ang natanggap niya nang nagkatagpo sila sa loob ng bahay hanggang umaga. Kung hindi pa dinalaw ng antok si Almira, paniguradong hindi sila makakatulog dahil sa mga sermon nito.
"'M-Ma," nakayuko at malumanay na sagot ni Celestial.
"Tigil-tigilan mo ako, Celestial!"
Sure she have somehow matured early, but she's still a kid. Malamang ay mag-aalala talaga ang kaniyang Ina sa kaniya dahil gabi na ay wala parin siya. At isa pa, panggagamot lang ang abilidad niya. Ni hindi siya marunong makipaglaban kung sakaling may humarang sa kaniya. Sana pala ay umuwi na muna siya, pagkatapos ay nagpaalam na pupunta sa tabing ilog. Naiintindihan niya ang pag-aalburoto ng kaniyang Ina, ibig sabihin lamang ay may pakialam ito sa kaniya.
"Aalis na po ako," paalam ni Celestial.
Hindi sumagot si Almira, halatang masama parin ang loob. Malamang ay labis-labis na pag-aalala ang naramdaman nito kagabi. Bata pa siya, sa bukid nakatira at gabi na, ano na lamang ang iisipin na nangyari sa kaniya ni Almira? Malamang magpapanic ito, babae pa naman siya.
Celestial traipsed the wooden bridge alone again, nawala ang kaniyang enerhiya. Nakayuko lamang siya habang tinatahak ang daan patungo sa Collis Vermilla. Gayunpaman ay hindi niya maiwasang mapahanga, napakaganda talaga ng kagubatan sa Abyss, maraming kakaibang halaman, malalaki at maliliit. Napapaisip tuloy siya kung pwede bang gawing panggamot ang mga iyon.
She cut her thoughts off when she reached the alleyways of the Village. And to her surprise, the people were already there and Gustavo was setting them fine. Celestial heave a deep sigh and smile.
"Hindi na ako magpapagabi."
HAPON pa lamang hindi pa bumabagsak ang araw ay umuwi na si Celestial. Tahimik parin si Almira, hindi na tuloy malaman ni Celestial kung ano'ng paraan ang pwede niyang gawin upang makabawi at mapawi ang galit ng Ina. Ibinigay niya na ang nalikom niyang pera, wala paring sinabi ang kaniyang Ina.
Her mom's still probably mad. Gaano na lamang kaya ang pag-aalala nito kagabi? Kararating pa lamang ni Celestial galing sa village. Lumabas na muna siya at umakyat sa isang puno. Matiim niyang pinagmasdan ang isang sasakyan na papunta sa kanila mula sa 'di kalayuan. Isang pang maharlikang karwahe ang paakyat sa bundok. Mula sa puno ay patalong bumaba si Celestial upang ianunsyo ang pagdating ng Reyna kay Almira na agad ring nag-ayos at naghanda upang sumalubong.
Bibisita na naman ang Reyna, ilang sandali itong makikiusap kay Almira. Sa paulit-ulit nitong pagbalik ay hindi pa siya nito kinausap. Kaya naman nagdadalawang-isip rin siya kung siya ba ang pakay ng Reyna, mukhang hindi naman. Tinatapunan lang siya nito ng tingin pagkatapos ay dederetso na kay Almira. Sino nga ba naman siya upang bisitahin ng isang maharlika?
"'Ma!" Celestial calls out as the carriage arrived before the wooden bridge.
"Ayan na, 'wag kang malikot, Celestial. Doon ka lang sa loob," aligagang saad ni Almira pagkatapos ay dali-daling lumabas upang salubungin ang Maharlikang dumating. Hindi tumalima si Celestial, nanatili itong nakatayo sa may puno upang pagmasdan ang dumating.
Isang magandang babaeng nakasuot ng mahabang bestidang itim ang lumabas, may pakpak ng paniki, may mahabang sungay, at may hawak na tungkod. Kumurap-kurap siya, sinisigurong tama ang kaniyang nakikita. Umiilaw kasi ng asul ang loob ng tungkod sa tuktok nitong bahagi. Umakyat ang kaniyang paningin sa Reyna, ganoon na lamang siya nangilabot nang masalubong ang nakakatakot nitong titig. Gayunpaman ay hindi niya binawi ang kaniyang paningin, sinalubong niya ang titig nito at pinagmasdan kung paano nanlaki ang mga mata nito.
Batid niyang nagulat ang Reyna sa tapang niya, hindi umobra ang matalim nitong titig, hindi natakot si Celestial. Gayunpaman ay mabilis na napakislot si Celestial nang banggain siya ni Almira, mabilis siyang napaatras upang bigyang daan ang maharlikang papunta sa kanilang maliit na tahanan.
The Queen looks so intimidating, her sharp gazes would cause a feeling of fear or timidity to anyone who stares back at her. Walang nakakasalubong sa titig ng mga Maharlikang Tyler, kaya naman nakaramdam ng pagkairita ang Reyna nang walang mabasang takot sa mukha ng batang malakas ang loob na sumalubong sa mga nakakatakot niyang titig.
'Such an intrepid child.'
"Mahal na Reyna, ang akala ko po ay sa sa makalawa pa kayo bibisita." Bati ni Almira, naputol ang titigan ng Reyna at ni Celestial.
"I need to talk to you right now." Maikli at malamig na tugon ng Reyna.
"Tuloy po kayo," anyaya ni Almira at muling binangga ang batang nakaharang sa daan. "Celestial, h'wag kang lalayo." Paalala nito.
Tuluyang pumasok ang dalawa sa loob ng tahanang iyon. Naiwan si Celestial sa labas, nagbuntong-hininga ang bata at ngumuso. Ano na naman ba ang pakay ng Maharlikang iyon at mukhang mabigat ang tingin sa kaniya? Akma na sana siyang papasok sa bahay nang mapansin ang kakaibang pagkilos ng karwahe sa kabilang tulay. Napuno tuloy siya ng kuryusidad, marahan siyang humakbang patungo sa karwahe upang tingnan kung ano ang naroroon. Walang bahid ng takot sa kaniyang mukha, tanging kuryusidad lamang at ang natural na kainosentehan.
Her heart was beating faster than usual tho, ano kaya ang makikita niya sa loob ng karwahe? Natawid niya na ang tulay, nasa harapan na siya ng gumagalaw na sasakyan. Bumukas ang pintuan nito, napahinto si Celestial at nagdalawang isip. Nasa plano niya na'ng tatakbo siya palayo kung sakaling halimaw iyon.
She should be scared by now due to her thoughts, but no, she's curious as heck and she wants to see what's inside the carriage. She took small steps, no one came out of the carriage. Mas lalo siyang napuno ng kuryusidad, hanggang sa tuluyan niyang naabot ang bukas na pintuan. Nagbuntong-hininga siya nang makitang mayroon pang kurtinang nakaharang doon.
Her curiosity is too much that she opened the curtains without any hesitation. She thought of it already, running away if she see something unpleasant. But no, she just stood there and fearlessly met the gazes of a boy with crimson eyes and sharp teeth. He looks hungry that his saliva drools down his mouth. Celestial gasped but she did not took a step back, her head tilted and stare at the hungry Royal eating a fresh meat.
A demon! Celestial just saw a demon! A real life demon, a freaking astonishing little sovereign of Abyss with intimidating crimson eyes!
BINABASA MO ANG
LEGENDS: Celestial Beryl (Season 1) ✔️
FantasyShe was once the definition of innocence, purity, and ethereal beauty. But she was tainted by the creatures around her. She was extremely tortured, bullied, toyed, harassed; physically, mentally, emotionally, and sexually abused. It got to the point...
