Magic Cane

2.8K 114 0
                                    

Maagang natapos ang paggamot ni Celestial, pinauwi na kaagad ni Almira ang villagers kahit na mahaba pa ang pila. May importante silang pag-uusapan at ang mahalaga naman daw sa mga ito ay ang kapakanan ng kanilang mahal na dyosa. Hindi na alam ni Celestial kung paano pahihintuin ang mga ito lalo pa't nasasanay na sila sa ganoong gawain, at nasisiguro niyang lalala pa ang lahat sa kamay ng kaniyang Ina.

Indeed, she need to persuade Almira. Kailangan niyang makausap ang Ina na ihinto na ang panloloko nila, mabigat sa kaniyang dibdib, hindi siya natutuwa. Mas maiman sigurong kilala na lamang siya bilang manggagamot dahil iyon naman talaga ang abilidad na mayroon siya, ang manggamot. Paano nga ba kung isang araw ay lumampas sa ekspektasyon ang lahat at hangarin na gumawa siya ng mga bagay na imposible? Paano na lamang siya?

Paano nga ba kung dumating ang araw na hilingin ng mga itong bumuhay siya ng patay? At ang malala ay kung hilingin ng mga itong buhayin niya ang lahat ng mga namatay na!

Dapat talaga ay hindi na iyon binanggit ni Almira, hindi tuloy siya mapakali. Binabagabag siya ng bagay na iyon.

"Mama, lumampas na naman po tayo sa limitasyon kanina. Bakit niyo naman po sinabi iyon? Aasa na naman po sila n'yan." Aniya sa Inang inaayos ang mga alay upang itinda sa Hilaga, "Hindi ko po kayang bumuhay ng patay. Hindi ko nga nailigtas si Aizer sa kaniyang kamatayan noon at sobrang bigat na ng dibdib ko. Mama naman..." Frustrated niyang saad.

"Ayaw mo non? Suportado ka nila, at pagbalik mo dito'y nasisiguro mong may naghihintay sa'yo."

"H-hindi na po kita maintindihan, Mama." Kinakabahan at nagdadalawang-isip niyang saad, gusto niyang magdahan-dahan dahil baka bigla na namang sumpungin ang kaniyang Ina ngunit gusto niya na rin itong komprontahin dahil sa mga ginagawa nito, "Minsan, hindi kayo nakakaintindi. Minsan naman, daig niyo pa ang matalino kung magsalita. Ayaw niyo po ba talagang magpatingin sa doktor? At huwag niyo pong sabihin--"

"Ano?" Umalingawngaw ang galit na tinig ng Ina, "Sinasabi mo na naman bang baliw ako? Na wala ako sa katinuan?"

Ganoon na lamang napaatras si Celestial, nilingon ang pinto at binalak na kumaripas doon oras na atakihin siya ng Ina.

"Hindi po! Hindi po, Mama!" Taranta niyang sagot, dumako ang kaniyang paningin sa sulat na nakalagay sa mesa.

"Gusto mo bang--"

She cut her mom off by changing the topic. Interesado ang Mama niya sa paglipat niya sa Academy, maganda iyong pag-usapan.

"'Ma, ang sulat. P-pag-usapan po natin ang bagay na 'to, ang akademya."

Nagliwanag naman ang mukha ni Almira, "Ah, tama! Thank you so much!" Saad pa nito sa maarteng tinig at tumingala, "Sa wakas, mapapadalas na ang pagkikita-kita namin ng Reyna."

Ganoon na lamang napayuko si Celestial at lakas loob na nagsalita, "Ma, you need help..." Garalgal at kinakabahan niyang saad, "Gusto niyo po bang gamutin ko kayo, 'Ma?"

"Tumahimik ka! Akin na yan, ano raw ang mga kailangan?" Sigaw nito at inagaw ang sulat.

"Ma, kaunting minuto lang para magamot kayo. Susubukan ko lang po." Pagpipilit niya ngunit matigas ang ulo ng kaniyang Ina. Lumayo na ito pagkatapos makuha ang sulat.

She don't treat people with mental illness, but she'll try because she badly wants to save her mom. Almira needs help, and it saddens her. The fact that she's a healer but she cannot heal her own mother craps the hell out of her. She heals people she don't know, she mends those who's in pain, but she cannot do anything about her Mom's situation.

Kung sana'y propesyonal siyang manggagamot katulad ng mga doktor na nag-aral sa mga Akademya o paaralan at nakapasa, siguro'y posibleng magamot niya ang kaniyang Ina hindi sa mahika kundi sa paraan ng tao. Ang problema ay hindi niya alam kung paano. Ang tumatakbo lamang sa isip niya'y dalhin ito o patingnan sa isang propesyonal na manggagamot sa isip.

Ano kaya ang sakit nito? Perhaps, something about disorder? A mental disorder? She don't know, she is a divine but she can't guess what is her mother's illness and it craps her out! Pakiramdam niya'y napakawalang kwenta niya dahil sa lahat ng hindi niya magamot-gamot ay ang kaniya pang Ina.

She can seer someone's future but she cannot even guess what her Mom's future could be. She can see someone's past too, but she have never know something about her Mom's journey or story before. Hindi ito nagkwento sa kaniya, kung magtatanong man siya'y maiikli lang ang sagot nito. Just what the heck is that? What could be worse than this?

She has the ability to save other people--but not her Mom?

"All right!" Biglaang bulalas ni Almira na ikinagulat niya, lumapit ito sa may bintana habang patuloy na binabasa ang sulat, "we need to buy stuffs before you move into the Academy. Maniwala ka anak, sa likod ng Academy makikita mo ang napakagandang Kastilyo ng mga Tyler!"

Here she goes again with her doubts. Minsan ay gusto niya na lamang gumulong na parang gulong dahil sa pagkalito. Kanina lamang ay hindi nito halos maintindihan o maproseso ang sinabi niyong sentry, kailangan niya pang magpaliwanag o hablutin ang kaniyang Ina. Ngayon naman ay excited itong nagsalita sa wikang kanina lamang ay hindi nito naiintindihan.

Ano'ng problema? Baka mas mauna pa siyang mabaliw sa kakaisip! She's too young, she should focus on her Mom's happiness. And it's her getting in the Academy.

"Ta-talaga po?" Aniya, sinasabayan ang enerhiya ng kaniyang Ina na biglang tumalino.

Mabilis itong lumapit sa kaniya, "Hindi ka gagawa ng kung ano-ano, mabilis lang tayo. Bibili tayo ng tungkod at mga gamit mo."

"Tungkod?"

Oo nga pala, iyon lang ang kaisa-isang requirement. Tungkod. Pero kailangan pa bang bilhin iyon? Pwede naman siyang pumutol ng sanga sa mga kahoy sa Peakbrook, gagasto pa sila para sa tungkod.

"Yes," Her mother smiles, "Prepare, we'll go to Eufrata."

"H-ha?" Hindi niya makapaniwalang tugon.

Tama ba ang kaniyang narinig o masyado lang siyang excited at iba't-ibang lugar na ang kaniyang naririnig? Tutungo sila sa Eufrata para lang sa isang tungkod? Wala ba noon sa Abyss--bakit sa lugar pa ng kanilang kaaway? Ilang araw na byahe para lang sa tungkod? Seryoso ba 'to?

"Eufrata?" Pag-uulit niya, hindi parin makapaniwala, "Kaharian ng Eufrata? Ang Eufrata, 'Ma? Iyong kaaway nating lugar?"

Kumindat ang kaniyang Ina na yumanig sa kaniya, "Wala kang ideya kung ano ang nagaganap sa training, sumunod ka nalang sa akin, Celestial."


Sandali siyang tumunganga, nakiramdam kung gino-goodtime lang ba siya ng kaniyang Ina. Ngunit masigla itong tumungo sa sariling silid at nag-impake ng mga gamit para sa dalawang araw na byahe. Sigurado siyang lilipad sila gamit ang mgs buggebrids, ang mga malalaking ibon na ginagamit na transportasyon sa himpapawid. Mabibilis ang mga ito, lalo na kung marunong ang nagpapaamo.

"Sa tungkod unang napoporma ang kapangyarihan, pagkatapos ay sa kamay na." Saad pa ng kaniyang Ina na ikinataas ng kaniyang kuryusidad, "That is not an ordinary cane, it is a magic cane. It will be your magic cane, and I want the best cane I can afford for you."

They are going to Eufrata for a magic cane? Indeed, whatever the circumstance is, she is still her mother. Is this finally freedom? Makakalayo na siya sa mga makapanindig balahibong gawa ng mga Villagers, mag-aaral na siya. Magbabago na kaya ang kaniyang buhay? Magiging maayos na kaya? Sana nga. At sana'y maging maayos ang byahe nila sa Eufrata, hindi niya parin nakakalimutan ang mga Maharlika ng Eufrata na iyon na nagbigay ng trauma sa kaniya.

Those freaking adonis sovereigns.

LEGENDS: Celestial Beryl (Season, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon