Irelia's POV :
Kasalukuyan akong nag dadrive papunta sa Popstar University pa mag-entrance exam. Kasunod ko lang ang kotse ng bestfriend ko.
Agad kaming pumarada sa Parking Lot.
Hindi na ako nagtaka na kakaunti lang ang nag eenroll. Mahal kasi ang tuition fee dito at kailangang may talent ka talaga sa pagkanta at pagsayaw.Nandito na kami ngayon ni Thea sa Auditorium ng Popstar University para mag entrance exam.
Kabado ang bestfriend ko at nilalamig ang kamay niyang hawak ko ngayon. Ako rin naman pero hindi ko lang pinapahalata.
Hindi katulad ng ibang university ang entrance exam dito ay parang audition. Pag naka graduate ka sa university na ito, Automatic na magiging kilalang Popstar ka.
Bata pa lang kami nitong bestfriend kong si Thea gustong gusto na naming mag aral dito dahil gusto rin naming maging Popstar kagaya ni Aemilyn Morgan na idol naming dalawa, na kasalukuyang judge ngayon para sa entrance exam kaya naman kabado kaming dalawa.
Naririnig namin yung mga bulungan ng mga kasama naming mag e-entrance exam.
" Kinakabahan ako nandyan si Aemilyn Morgan idol ko yun eh tapos nandyan pa yung mga Popstar Princes."
" Oo nga gusto ko talaga makapasok kaso mahigpit daw yung entrance exam eh."
" Lord sana po makapasa ako." piping dasal ko.
Limang minuto na lang mag-uumpisa na 100 kaming mag entrance exam Number 48 ako 49 naman si Thea.
" Hoo , sana makapasa ako." kabadong anas ko.
Nagsimula ng kumanta ang mga estudyante pang Number 40 na yung kumakanta at kalahati lang sa 40 na estudyante ang nakapasa.
"Number 40 , Keiley Brinne Wilkins." pagtatawag nung lalaking katabi ni Ms. Aemilyn.
Umakyat sa stage yung isang babaeng mukhang angel.
Kinanta niya yung A thousand Years ni Christina Perri habang naggigitara.
Sobrang ganda nung boses niya kaya sigurado akong papasa siya." Your good honey , your voice is so cold in the ears. You Passed, Welcome to Popstar University." sabi ni Aemilyn Morgan doon sa babaeng nasa stage. Maganda siya , maputi at hindi mukhang mayabang.
" Lia , sana makapasa din tayo." sabi ni Thea.
" Sana nga." kinakabahan talaga ako.
Natapos na yung katabi ko at ako na ang susunod. Go Lia! wag ka ngang duwag kaya mo yan.
" Number 48 , Irelia Marielle Elouisse Antonio." banggit nung Campus Prince na katabi ni Ms. Aemilyn.Umakyat na ako sa stage dala yung gitara ko.
Nakita ko mula dito si Thea na nag-thumbs up sakin kaya napangiti ako. Tinipa ko na ang gitara ko at pumikit para hindi ako kabahan.
The Climb by Miley Cyrus
I can almost see it
That dream I'm dreaming but
There's a voice inside my head saying
You'll never reach it,
Every step I'm taking,
Every move I make feels
Lost with no direction
My faith is shaking but I
Gotta keep trying
Gotta keep my head held high
Idinilat ko na ang aking mata at tumingin sa kanila habang nakangiti. Nawala na ang kaba ko at naeenjoy ko na ang kinakanta ko.There's always gonna be another mountain
I'm always gonna wanna make it move
Always gonna be an uphill battle
Sometimes I'm gonna have to lose
Ain't about how fast I get there
Ain't about what's waiting on the other side
It's the climb
YOU ARE READING
Popstar University
RandomA school for rich talented students. Irelia together with her friend Althea is dreaming to be a Popstar someday kaya naisipan nilang mag-aral sa paaralang ito. Madaming challenges ang kailangan nilang malagpasan just to get their dream. Masusubok di...