MANHID
Masarap magmahal kapag tunay ang nararamdaman.
Ikaw at Ako, Tayo parehas na nagmamahalan.
Pero madalas wala sa hulog ang pakikipag relasyon
Yung kahit paulit ulit kang paglaruan at lokohin siya pa rin ang pipiliin.
May mga oras na aayaw ka na
pero bigla mo na lang maiisip na mahal mo pa.Ang daming rason para iwanan mo siya
Pero hindi mo magawa - gawa
MAHAL MO ayan ang lagi mong sinasabi sa kanila
Handa mong tanggapin ang lahat ng pagkakamali niya
Kahit alam mong sobra sobra na
Pero paano ka?
Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?
Wala kang dapat patunayan sa mga tao.
Kahit konti mahalin mo naman ang sarili mo.
Huwag kang magkulong sa isang relasyon na alam mong hindi na tama.
Ikaw naman, ikaw muna
Unahin mo naman yung sarili mo
Huwag mong ipaglaban ang maling tao.
Huwag mong hayaan na maging bato yung puso mo.
Darating din yung tamang tao na para sayo
Tamang tao na alam yung halaga mo.
Hintayin mo mas higit pa ang ibibigay sayo.
*******************************
Hi guys pa vote thank you