Chapter 37

4 0 0
                                    

Unexpected thoughts came. Happy reading!

Chapter 37

Mula nang araw na iyon, hindi na kami nagpansinan, hindi na kami nagkakausap at higit sa lahat, pareho na naming nilalayuan ang isa't isa.

Anong nangyari? Hindi ko rin alam eh. Basta isang araw, nagising na lang ako at para na kaming hangin sa isa't isa.

Kahit may kalakihan ang school namin, hindi talaga maiiwasang magkasalubong kami sa daan o sa hallway. Pero, wala. Talagang hindi kami nagpapansinan. Nasanay na rin ako sa ganoong gawain namin, magkakasalubong at lalagpasan ang isa't isa.

Hanggang sa katapusan na ng taon, wala pa din.

Pero, natutuwa naman ako sa naging resulta nun. Bumalik na ako sa dating ako.

"Ano po bang pag-uusapan natin, Miss? " Tanong ko sa aming adviser.

Nagpilit siyang ngumiti sa akin.

"I just wanted to talk about your grades, Miss Zamora, " she declared.

Kaagad na nangatog ang mga binti ko.

"W-what about my grades, Miss? "

Tumikhim siya.

"You know, Miss Zamora. Isa ka sa mga top students namin but, napansin ko since patapos na ang frist sem, bumaba ang grades mo and, that's alarming. Alalahanin mong graduating ka na, Miss Zamora. Though, hindi pa ayos ang grades niyo but, when I estimated it, hindi pa ito nakakapasa. Nababahala lang ako na baka bumagsak ka, puro majors mo pa naman din ang mababa. "

Lumabas ako sa faculty ng tulala at nanginginig ang binti.

Calm down, Yunique.

Estimated pa lang naman 'yun, you just need to do your best now! Kailangan ko nang umayos! Hindi puwedeng bumagsak ako!

Para akong mad-depress sa sitwasyon ko.

And, that is where all started. Magmula nun, minsanan nalang kami nagkakausap ng bestfriend ko, nagkikita kami sa klase pero hindi kami masyadong nagkakausap dahil nga may klase. Kapag vacant or lunch, kaagad naman na akong lumalabas sa room at pupuntang library. Since, bawal kumain sa loob, pumupunta ako roon para humiram ng librong babasahin ko at tatambay ako sa cafeteria ng seniors.

Dalawa kasi ang cafeteria ng school namin pero bibihira lang din bisitahin ito kaya dito na ako nakain. Sinabihan ko rin si Kuya Cassius na sabay na kami tuwing lunch since doon siya kumakain. At first, nagtataka at bakit hindi ko raw samahan ang kumag na Zamonte at ang bestfriend ko, hindi niya na binanggit si Nyx. Tanging sagot ko nalang ay kailangan kong mag-aral. Nakuntento naman siya.

"That's disrespectful! " Kuya Cassius hissed.

Napakunot ang noo ko.

"What? "

"Kumain ka muna bago magbasa! Look at you, you're so thin! " Reklamo niya.

Napangiwi ako.

"Yeah, yeah. Shut up, " I said at itinabi na muna ang librong hawak ko.

"Magc-christmas break na't lahat-lahat, wala pa rin akong nalalandi. It's your fault! Lagi mo kasi akong sinasabayan, " he said again.

I mentally rolled my eyes.

"Seriously? Huwag mo na 'yang problemahin, Kuya. Malapit ka nang makaalis dito at doon, sabay kayong lumandi ni Kuya Zayne sa BU, " tugon ko.

"Sabagay. Anyways, saan ka
pala mag-aaral sa Senior High? Dito ka kagaya sa akin or, sasamahan mo na kami sa BU? " Tanong pa ni Kuya.

The Dreamer's Dream(Z Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon