"Naku, Anya pasok kayo." Ngumiti kaming lahat tsaka pumasok na. I took a deep breath habang tumitingin sa paligid. Napapikit ako tsaka ngumiti. Memories.Sabay sabay kaming napaupo sa sofa.
"Hindi naman kayo nagsabi na pupunta kayo. Edi sana nakapaghanda ako." Sabi ni Tita Myrna.The way I look at her now, okay siya. Ngumingiti pero alam kong nangungulila pa rin siya kay Trevor. Nag-iisang anak niya yun eh. I know that she is still hurt kahit na 5 years na ang nakalilipas.
"Tita, it's okay." I cut her off. Napaupo naman siya sa tapat namin at biglang nagseryoso ang kanyang mukha.
"Kamusta na po kayo, Tita?" Tanong ni Ellie sa kanya.
"I am good. Dinidistract ko ang sarili ko para hindi ko na maalala si Trevor." Sabi nito.
I can still see the pain in her eyes. I know how much she loves Trevor. Alam kong napakahirap sa kanya ang tanggapin na wala na ang anak niya.
"Nagzu-zumba nga ako every Saturday para naman may magawa ako." Dagdag pa niya sabay tawa.I really admire her for being so strong. Hangang-hanga ako sa mga ganitong tao. They can easily distract themselves from the pain. I want to be like them. Gusto ko maging kasing tatag nila. Tita Myrna is indeed a strong woman.
"Pasensya na sa inyo ha." Napatingin siya sa aming lahat as tears started to stream down her face. "Pasensya na sa nagawa ng anak ko. Wala lang siya sa tamang pag-iisip. Sinasabihan ko siya na magpa check up pero laging umaayaw. Wala naman daw epekto yun." Sabi ni Tita.
"Pasensya na kayo ha. Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari, sana sinabi ko na sa inyo." Tuluyan ng napaiyak si Tita.
"It's okay, Tita. Wala kayong kasalanan. Tsaka past is past. Iniwan na po namin yung masamang nangyari sa past." Wika ni Lucas. Yes, he survived.
"Actually tita, papunta po kami sa sementeryo para dalawin si Trevor." Sabi naman ni Cobe. Pagkatapos ng nangyari, naging parte na siya ng barkada. I am happy kasi sa bahay na siya nina Lucas tumitira at okay na sila ng Daddy niya. Finally! I know how happy he is.
"Gusto niyo pong sumama, Tita?" Tanong ni Sammy. He is not that "nerd girl" anymore. Ang ganda niya shit! Hindi na niya suot ang napakalaking eyeglasses niya. Tamang contact lens na lang. No wonder kung bakit nahuhulog na sa kanya si Cobe, oops! HAHA.
"Sige po, Tita aalis na kami." Agad na sabi ni Tim. He is no longer that "chickboy" anymore. Takot lang niya kay Ellie haha. I am happy kasi I know how long Tim waited for Ellie. At ngayon? Sila na.
"Babalik na lang po sa susunod, Tita." Napatayo na kaming lahat ganun din si Tita Myrna.
"Sige. Sabihan niyo ako kung kailan para makapaghanda naman ako." Napangiti ako kay Tita.
"Yes po." Sagot ko.
Nang mamatay si Trevor, we promised her na kami ang parang magiging anak niya. Nawalan man ang kanyang nagiisang anak, meron namang 6 na pumalit.
---
We found ourselves standing infront Trevor's grave. It has been 5 years mula nangyari yung nangyari. Mabigat man at talagang tumatak sa amin iyon pero matagal ko ng napatawad si Trevor. Tulad ng sabi ni Lucas, mas pinili na lang namin na iwan sa nakaraan ang nangyari. Isa pa, madami kaming natutunan sa nangyari at ito ang nagapapatibay sa pagkakaibigan namin ngayon.
Naging masama man si.Trevor, pero tinuturi pa rin namin siyang miyembro ng barkada at kailanman hindi siya mawawala bilang kaibigan kahit na wala na siya.
"Wassup, Bro. Kamusta ka na diyan? Madami bang chix diyan?" Biro ni Tim at agad naman kaming napatawa.
Hindi pa rin talaga nagbabago si Tim. Pilosopo pa din. Pero minsan na lang, eh kasi under na kay Ellie. Hayss, si Ellie lang pala ang magpapatino sa lalaking to. Hanga ako sa pagiging patient niya. Halos 10 years niya kayang hinintay si Ellie. Hindi siya bumitaw kahit na sobra na siyang nasasaktan noon. I guess that is true love. Ang pagkapit kahit nasasaktan ka na at ang paghihintay at hindi pagsuko dahil mahal mo talaga. Mapapa sana all ka na lang.
"We miss you, Trevor. Don't worry, we are fine now tsaka okay na. Napatawad ka na namin." Sabi naman ni Ellie.
Things between her and her mom is now going well. Parang unti-unti ng nagre-reach out uli si mommy niya sa kanya. Hindi pa fully pero at least diba? I know that Ellie is very happy now. Okay na sila ng mommy niya, masaya pa ang lovelife. Sana all ulit HAHAHA.
"Don't worry about us, Bro. Going strong pa rin ang barkada." Wika ni Lucas.
Lucas is really a fighter. Noon pa man, humahanga na ako sa kanya. Silent but very matured siya. Para talaga siyang Kuya namin. Hangad ko ay sana magkaroon na siya ng lovelife kasi he deserves to be happy and I know na sobra niyang mamahalin ang babaeng dadating sa buhay niya in the future. He deserves it.
Lahat sila ay napatingin sa akin. Hinihintay kung ano ba ang sasabihin ko.
"Hey, Trev. I hope you are okay right there. We miss you so much." I smiled as I recall the memories. Our memories. "Don't worry about me. I am okay." Dagdag ko pa.
After ng nangyari, mas nagfocus muna ako sa pag-aaral. I made myself busy at hindi na rin ako naghanap ng lovelife. Eh sa pagmamahal pa lang ng mga kaibigan ko, sobra sobra na. Busog na busog na ang puso ko and I couldn't ask for more. 5 years had passed and I can say that I have already moved on. Starting to build myself again and love myself more para sa susunod na magmamahal ako, maibibigay ko na ang 100% ko sa taong yun. In God's perfect time.
"Guys." Agad kaming napatingin kay Tim. Agad niyang inakbayan si Ellie. Sana all (3) HAHA.
"May sasabihin kami tutal kumpleto tayo ngayon." Dagdag pa niya. Then I saw Ellie's hands. And I saw a ring! Fuck! Don't tell me...
"We're engaged!" Agad nilang ipinakita ang ring na suot-suot ni Ellie. Wow! I am so happy for them. Gosh!
"Congrats!" Wika ni Sammy. Bakit hindi ko nanotice yung ring kanina? Shit!
"Kailan kasal bro?" Tanong ni Cobe.
"Next month and all of you must be there." Sagot ni Tim. Shucks! I'm excited!
BINABASA MO ANG
Secret Bad Affair
Teen FictionAffair. Sa iba mali ito at hindi dapat gawin pero paano kung ito ang natatanging paraan para maprotektahan mo ang isang taong mahalaga saʼyo? Are you willing to take the risk? Are you willing to have a Secret Bad Affair? COMPLETED.